LMS room.

653 7 0
                                    


good day po! ako po ay isang estupidyante sa isang school dito sa sta.maria bulacan senior high student. share ko lang po experience ko sa school namen. around 6 or 7pm nasa classroom pa kame dahil hanggang 7:30pm pa klase namen. naisipan kong bumaba ng cr malapit sa may LMS room. tas yun parang wala namang kakaibang nangyayari hanggang pagkatapos kong magcr, naisipan kong libutin ung buong floor nayun dahil kwento samin nung maintenance eh may nagpaparamdam daw talaga dun so nagtapang tapangan ako kahit may klase pa kame, habang naglalakad ako sa may hallway nag iba ung ihip ng hangin parang gusto na kong pabalikin dun sa room namen, di ki nalang yun pinansin hanggang nakarating ako sa LMS dahil kalapit lang yun nung cr eh. wala naman akong napapansin na kakaiba then tumawag ung isa kong klasmeyt sabi bumalik na raw ako. edi yun umalis nako ng LMS. nung paakyat nako ng hagdan meron saking nangbato ng papel na lukot lukot eh that time magisa lang ako dun. mga bandang 7:10 na yun. nung binato nga ko. di ko pinansin tuloy parin ako sa pagakyat sa hagdan nung biglang may sumipol. kinabahan na talaga ko tas yun nahmadali na kong magpunta sa may room namen halos mamutla na ako nun tas pagtingin ko sa hagdan may parang nakatayong tao na nakayuko pababa ng hagdan. simula nung mangyare yun saken di na ko bumababa mag isa dun ng gabi. salamat sa pagbabasa.

mr. popo
bulacan

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon