April 26, 2015

2.2K 33 0
                                        


Umalis ang pinsan ko sakay ng single n motor dumayo sa isang bday. Itago nlng natin sa pangalang Dan( hnd tunay na pangalan) Inaya lng sya ng isang kaibigan, si Marco ( hnd tunay na pangalan ) na dayuhin yung bday na yon. Medyo malayo din ung pinuntahan nilang lugar sabhin na natin na more or less isang oras ang byahe. Nung una tinatamad pumunta ung pinsan ko nakahiga nga lang sa bahay nila at nag ssoundtrip. Naisip nya cgro na chance narin nya ma enjoy ung bagong bili nyang motor. ( bago pa lng syang nag aaral mag drive ng single ) kaya nahikayat narin syang pmunta.

Nung gabi ding yon isang masakit na balita natanggap namin. Dahil bandang hapon Naaksidente si Dan at Marco SUV ang naka banggaan nila. Ang scenario ayon sa witness, mabilis mag drive si Dan sumalpok ung mukha nya sa side mirror hanggang sa sliding door ng suv basag ang mga salamin sa lakas ng impact. Si Marco tumilapon nabalian ng tuhod at gasgas sa braso at katawan.
Dinala sila sa malapit na emergency hospital ng mabalitaan namin nirequest ng tita ko na isugod dito sa city namin si Dan dahil masyadong malayo ung hosp na pinagdalhan sa kanila. Sakay ng ambulance dinala ang pinsan ko sa city namin. Sumugod kami ng mama ko sa hosp dahil sabi ng tita ko critical ang pinsan ko nasa ICU. Alam natin na strict pag dting sa ICU 2 visitors lng ang pwde (except sa guardian) pumasok ako, mama ko at si tita - mama ng pinsan ko. Mahina ang puso ng mama ko kaya ako na lang yung pumunta sa bed ni Dan. Mula sa ilalim ng baba hangang sa jaw line pataas sa likod ng tenga nya punit. As in wasak. Ung balat pwede ng matanggal sa laki ng damage. Ang dmi nyang galos sa mukha meron pa syang butas sa ibaba ng mata may mga nurse na nagpupunas ng sugat nya dahil patuloy na nagdudugo. Durog ang ngipin nya ang masaklap pa nkabrace ang pinsan ko. May tumusok pa na wire sa loob ng bunganga nya kaya kailangan pa ung dentist nya pra un ang tumingin at mag tanggal. Sa awa ng Dyos, nakaraos ang pinsan ko lahat clear ct scan. Operation dahil nga malalim ung butas nya sa mukha at reconstructive surgery.

Month of May.

Hnd na naging normal ang pinsan ko pagkatapos ng pangyayaring un. Palaging mainitin ang ulo, paranoid. Syempre, inuunawa sya ng mga kapatid at magulang dahil hindi naman biro ung pinagdaanan nya.

Month of June.

Maayos at magaling na ang mga sugat nya wala ng stiches at mga scar na lang. Pinayuhan sya ng doctor na magbakasyon mag unwind nagupnta sya ng Manila. Maikkita mo sa mga posts and selfies nya na masaya sya. Nung nakauwi n sya dito puro positive posts lang makikita sa wall nya. So inisip namin ok na nakaka recover na talaga.Medyo malayo kasi bahay nila samin kaya ako nakiki update sa fb nya.

July 17, 2015
Na hospital sya , (dhil inakala namin okay na sya late na namin to nalaman) upto July 21 nka confine sya sumasakit palagi ang ulo. Hinihintay yung resulta ng CT scan. Nagtataka si tita kung bakit nilalagat sya at hindi bumababa. Pina transfer sya sa isang hospital para sa 2nd opinion. Dun tulog na at hindi na sya ngising simula non. Ang sakit pra samin he was diagnosed na may Meningitis.. at comatose na ung pinsan ko pinaliwanag kay tita na umakyat na un sa brain at ang pnagtataka namin hnd nkta sa ct scan ung damage. Hindi daw aabot sa ganun kung hindi npabayaan. Hindi nagkulang ang tita ko sa pinsan ko. akala ko sa movie lng ngyyari un.. na pag inalis ung Life support system mmmtay na sya un nlng ang bumubuhay sa knya. Ung katawan nya lubog na. Ung ribs nya nka bakat na sa balat, tipong bibigay na anytime. Hinahawakan ng mga tropa nya ung kamay at kinakausap at pinapalakas ang loob nya.. umaasa kaming lhat na mlalagpasan nya rin at panibagong pagsubok lng.. bawat bumibisita umiiyak niyayakap sya ang dming nagmmahal sa knya.Hnd ko natagalan ung nakkita ko lumabas ako... lumabas si mama at niyakap ang iba pa nyang mga kapatid. Within 24 hrs, Binawian ng buhay si Dan. Sa burol ang dming nagpupunta maski umuulan sa last night matao parin hanggang sa araw ng libing..

Days palang nkakalipas, Kwento ng mga pinsan at kpatid nya nagppramdam daw si Dan sa kwarto nya laging may maingay. May tunog ng nag lalakad pag tulog na ang lhat. may shadow silang nkkta bgla nlng dmadaan. Minsan nakta sya ng isa kong tita nakaupo sa paborito nyang upuan noon habang nag kakape then parang usok na mawawala. Minsan napapanaginipan nila.

One time may nag txt sa kaptaid nya. Si Dan mismo dahil nung nilibing sya isinama ni tita lahat ng napundar nyang gadgets sa coffin nya.. (gadget lover kasi si Dan) Ang txt nya : "" Hindi ako makadaan andyan ung matanda sa hagdan di ako makaalis at makalabas. Weird. Nag tanong tanong mga kapatid nya tungkol dun sa pinangyarihan ng aksidente. Ang tintukoy ni Dan na matanda ay bantay ng lugar mismo sa accident spot nila Dan.  ""Nangunguha"" daw ung matanda ayon narin sa sabi sabi ng mga taga roon. Hindi lang daw ang pinsan ko ang naging biktima ng kalsadang yun. Siguro nga sya din ang dahilan kung bakit walang makita sa mga ct scan na ginawa sa pinsan ko talagang kukunin nya.
Wala naman kami magagawa pa kundi ipag dasal ang kaluluwa ni Dan.

Insan kung nasan ka man. Sana masayang masaya ka. Alam namin kasama mo si God dahil mabuti kang anak, kapatid pamangkin  at pinsan lalo na sakin =( We love you.

Ps, Ako na po humihingi ng pasensya sa sobrang haba ng storya.

Thank you and More Power to this page. "

Serendipity
Ph

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon