Habang lumalaki ako mas madami akong natutuklasan sa sarili ko. May mga bagay na maganda at normal, may mga bagay din na di normal.
My third eye was activated nung nawala Papa ko nung one and a half year old palang ako. I could see him. His death was sudden, pulis siya at kapwa pulis niya nakapatay sa kaniya at sa kasamahan niya (until now di pa yun napapangalanan ni President Duterte 😅) Inambush sila at kahit sharp shooter papa ko naunahan sila sa pagbaril. So wala, namatay siya sa ospital na pinagdalhan sakaniya, dahil walang tumulong sakanila ng kasamahan niya kahit sa matao silang lugar inambush. Hanggang dyan nalang maiikwento ko tungkol sa pagkamatay niya. At dahil nga dun, ngayon naisip ko bakit sakin siya nagpapakita noong bata ako at nung last 2011 bago kami magibang bansa.
Una kong nalaman na may third eye ako nung kniwento sakin ng Mama ko at mga pinsan ko nung nangyari nung after ni papa malibing sa LNMB.
Eto kwento nila:
Ang Nanay ko(mama ni mama), at ilang pinsan ko daw (sa father side) pumunta kami sa bahay ni Lola (mama ni papa). Two storey yun. At pinakamalaking bahay nun sa street namin. Sa Second floor daw dun dati rooms nila papa at mga kapatid niya nung binata pa to. (Now I learned na kapag may koneksyon sa kaluluwa nung nabubuhay pa ito, maari nila itong mapuntahan)
Nawala daw ako sa paningin nilang lahat at somehow nakarating ako dun sa hagdan papunta sa second floor. And nakapanindig balahibo nila ay yung sunod kong sinabi "Papa, Papa, Papa. Sama" Tinatawag ko daw si papa at nagpupumilit ako umakyat sa taas ng bahay.
Si Nanay ko ang kumuha sakin at tumakbo daw silang lahat palabas.
Meron din isa pang version: Sabi ng tita ko na napangasawa yung kuya ni papa. Yung bunso nilang anak daw ay inagawan ata ako ng biscuit o inaway ako. Basta ang ending umiyak daw ako. Tapos umuwi sila dun sa bahay ni Lola sa kwarto ng kuya ni papa sa second floor. Somehow napaso daw yung pinsan ko. Sabi ni tita na sabi niya sa pinsan ko "Ikaw kasi inaway mo si ******** yan tuloy." Tingin nila si papa gumawa nun.
Marahil nung mga panahon na yun di pa alam ng papa ko na wala na siya.
Same din daw nangyari nung ilang months after na ng pagkamatay ni papa... May handaan daw nun, at marahil ay isang birthday. Di na nila tanda kung kanino.
May tinatawag daw ako na "Papa papa sama ko!" kahit wala naman sila nakikita. Tapos naiiyak daw ako na naniinis kasi umalis daw papa ko. Yun daw sabi ko, tapos di ako sinama.
Yan ang mga una kong alaala na may third eye ako.
Pero recently may natuklasan nanaman ako.
May kaibigan daw akong puting duwende nung bata ako.
Growing up alam ko na may puting duwende dun sa dati naming tinitirhan tas sabi ko pa nga "sana ako makakita din nun" Tapos yun pala meron nga! Si mama ko nagsabi sakin kasi nadulas ate ko na may kaibigan nga daw akong duwende nung bata ako.
Sabi ni ate "Ang alam ko may kaibigan kang duwende nung bata ka eh..." me: "Weh?" Ate: oo nga tanong mo kay mama.
Pinakwento ko kay mama kasi curious ako. Sabi niya "Sakitin ka kasi nung maliit" (which is true, mahina din kasi lungs ko and lagnatin ako lagi pag christmas or birthday ko or nalalapit na bday ni papa (same kami ng birth month, una lang siya ng ilang days) lagi akong may sakit. And since 2005 may asthma na ko until now)) Then pinagpatuloy niya yung kwento.
"May tinawag sila nun na manggagamot. Tawas (yun ba yung tawag sa pag pinatulo yung kandila sa tubig? yun ganun ata ginawa nila sakin nun). Tapos may nakita nga na duwendeng puti at duwendeng itim. Nagalit sakin si duwendeng itim (di ko alam bakit) tapos si duwendeng puti yung pumuprotekta sayo. Dahil nga kaibigan mo siya."
Kaya pala sabi ng isa kong tita na paborito ni ate *sarcasm*, may imaginady friend daw ako eh tanda ko naman na wala akong imaginary friend. Baka nga yun si kaibigang duwende. Then may ginawa daw sila para gumaling na daw ako. At gumaling nga ko. And wala akong marecall sa nangyaring yun. Kaya din siguro wala akong matandaan sa younger years ko dahil marahil nabura ito.
may nakapagsabi sakin a few years ago na binubura daw ng duwende ang alaala ng mga batang kinaibigan nila. Di ko maalala dahilan, pero marahil na rin sa paglaki ng mga bata.
It makes sense to me na nangyari yung ganung bagay kasi pag ako tinanong ng kabataan ko unti lang talaga naaalala ko. like siguro mga 6 years old or 7 na ko yung earliest na naalala ko. It baffles me over the years of not knowing that story kung bakit nga wala kong maalala. At least there's an explanation now.
But I hope kung nasaan man yung naging kaibigan kong duwende eh okay siya. Sana di siya sinaktan nung itim na duwende. and I want to thank him now dahil prinotektahan niya din ako kahit paano.
The ability to see what's unseen in the normal eyes is not always a gift. For years I treated my ability as a curse. It got worse kasi nung grade three na ko til high school. And I will share that some other time.
Salamat po!
LoveHeart ♡
