Laking probinsya ako sa lugar ng kabisayaan. Wala akong specific na kwento ng kababalaghan. Gusto ko lang ishare ang mga kakarampot kong nalalaman sa mga misteryong bumabalot sa mundong ginagalawan natin.Aswang. Sabi ng papa ko na laki sa probinsyang nakakasalamuha ang mga nilalang na to. Paano mo daw madedetect na aswang ang isang tao? Sundan mo daw ang bawat yapak ng tao na to habang naglalakad sya. Kumuha ka daw ng bato kahit maliit na bato at ibato mo daw sa unahan ng taong yun. Babalikan ka daw neto at sa di malamang dahilan magagalit daw sayo eto. Yan daw ginawa ng papa ko, syempre sabay takbo ng matulin. Loko tatay ko noon eh.
May isa pa syang story nung bata pa ako. Di ko alam kung kwentong barbero o true talaga. May isang tao na sobrang hirap sa buhay. Sa sobrang kahirapan kapit sa patalim nakiusap sa demonyo na ibenta ang kaluluwa kapalit ng yaman sa mundo. Nakipagkasundo ang demonyo na ibigay ang lahat sa kanya at pagsapit ng tamang panahon kukunin ng demonyo ang kaluluwa neto. Isa daw sa pinaka mayaman na negosyante ngayon. At kilala ang kompanya neto hanggang ngayon.
Ang tatay at nanay ko noon member ng isang organisasyon ng mga nanggagamot. Dumadayo pa sila sa ibat ibang lugar para manggamot. Donation lang ang ibibigay mo sa kanila. Ang organisasyong eto meron silang salitang latin na binibigkas para sa specific na sakit na gagamutin. Nung una maayos naman ito pero di nagtagal parang ginawa na nilang kulto at ginagamit na ng ibang member sa kasamaan. Hanggang sa nagdesisyon ang parents ko na umalis na sa organisasyon na to. Ayokong sabihin ang name pero yung clue. May singsing sila na malalaki at may bato sa gitna na ibat iba ang kulay. Tinanong ko pa sila papa para saan ang mga orasyon. Merong napapagaling mo ang may sakit. Meron pag hinahabol ka, bigkasin mo lang ang orasyon at magbabago na ang anyo ng mukha mo. Nung binasa ko ang libro ng latin nahilo ako sa salita. Parang kulam ang dating, nakakatakot. Buti na lang nagdecide na sila na itigil na ang pagsama sa organisasyong ito.
Thank you sa pagpost at pagbabasa. Walang kinikilingan at walang pinoprotektahan. Totoo at walang halong kasinungalingan. 😉
Ms. B
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)