Laperal

689 7 0
                                        


Hi This is my first time to share stories here but I'm a silent reader.I hope ma post to.

This happened during our vacation sa Baguio. Yung pinag stay-an namin is townhouse friend ng pinsan ng tito ng husband ko yung may ari. Maganda yung house parang american style siya, may chimney and attic. 11 kami lahat plus 2 toddlers.So ayun na nga mga 11am na kami nakarating sa Baguio dumiretso na kami sa house. Okay naman wala naman kaming na feel na kakaiba.So ayun pumunta muna kami sa Sm baguio para mag lunch and bumili ng iluluto for dinner. After sa sm baguio nag libot muna kami nadaanan namin yung laperal house then nag decide kami na pupuntahan namin yun kinabukasan. yung mga matatanda(titos and titas) e ayaw pero yung mga pinsan ng husband ko and yung asawa ng isang pinsan niya and me gusto namin talagang pumunta dun so the next day pinuntahan muna namin yung mga famous tourist spots sa baguio then mga 5 or 6pm siguro yun pabalik na kami sa military cut off(nandun yung townhouse na pinag stay-an namin)nung nakabalik na kami nag decide kaming (3 pinsang lalake ng husband ko,husband ko,wife nung 1 nyang pinsan then me)

so ayun na nga nagpunta na kami sa Laperal white house na disappoint pa kami kasi mejo matao so ayun nag picture picture kami di naman nakakatakot sa isip isip namin so ayun nung pauwi na kami naglakad nalang kami nahiwalay samin yung 1 pinsan at yung asawa nya familiar naman kami sa daan pero nagkanda ligaw ligaw kaming 4 yung mag asawa di na namin makita makakarating na kasi halos sa minesview kakalakad siguro mga mag 2 hours kaming naligaw hanggang sa nakakuha kami ng taxi at nakauwi pagbalik namin nandun na yung mag asawa.para kaming niligaw o pinaglaruan

pagkatapos kumain nagkwentuhan muna about sa laperal tinignan namin mga pictures at may nakita kaming parang mga muka yung husband ko pinagtitripan nya yung mga nakikita namin sa pictures nilalait nya tawanan kami ng tawanan tapos yung step father ng husband ko biglang tumakbo papasok galing kasi sya sa labas nag yosi lahat kami kinabahan kasi di naman matatakutin yun after 2 minutes biglang namatay ang ilaw sumigaw kaming 2 nung asawa ng pinsan ng husband ko at nagkumpulan kami lahat bigla kong naalala yung anak ko binuksan ko yung flashlight buti nalang okay lang yung 2 bata yung tita namin nagdadasal na after nun nagkaron na ulit ng ilaw nag decide na kami magsama sama sa iisang kwarto sabi nung tita namin nung wala pa kmi may naririnig na silang parang umiiyak na babae.so nung nasa kwarto na kami lahat may naririnig kaming parang kumakalabog sa attic as in malakas na parang nagwawala meron ding naririnig yung tita kong umiiyak sa baba takot na takot na talaga kami nun.Yung isang pinsan ng asawa ko para nyang hinahamon yung nagpaparamdam,at may kakaiba sakanya di sya masyadong kumikibo e maingay yun at makulit pinagalitan na kmi sabi ng tita namin matulog na kami at baka may mangyaring di maganda

di ko sure kung sinundan ba kami ng mga kaluluwa sa laperal or yung townhouse ang meron pero bakit nung 2nd night na sila nagparamdam? pasensya na napahaba salamat po

Mapili
Tiger City

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon