This year, October 3/4, 2016 around 8-10 am sa isang hospital sa Cebu. Nursing student ako and 1 week duty namin doon sa hospital na yon. Nasa student lounge kami noon at medyo busy ang mga duty mates ko while ako naman may kinukuha sa bag. Katapat lang ng student lounge ang comfort room ng mga pasyente. Nakalimotan ko na kung ano yong ginagawa ko noon, marahil nagsusulat ng FDAR nang nakadungo pero pansin ko parang mayroong biglang nakaitim na dumaan sa may peripheral vision ko. Inayos ko yong tindig ko at liningon ang room kung meron bang nakaitim. Nagtanong pa nga ako sa kaklase ko if meron silang nakita. Bali 4 kaming babae doon sa oras na yon. Sabi nila wala daw at wag daw ako magbiro. Binalewala ko na lang yon kasi baka yong black table lang talaga yong nakita ko or ano pero sa totoo lang mas matangkad kaysa sa table na itim yong nakita ko. Hindi ako nakakakita pero madalas akong makaramdam sa paligid ko.Medyo matatakutin talaga ako at baka dahil doon pinaglalaruan ako ng aking imahinasyon
Nsg
Cebu
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)