Hi sana ma post toh ng spookify
i love reading stories here so much! Nag oopen nalang ako ng fb ko para makapag basa lang ng story sa spookify
anyway back to my story...matagal ng nangyari toh pero kapag naalala ko still gives me creeps. Nangyari toh nung mga 2008 summer nun nasa laguna ako at family ko nag stay kame sa bahay ng tito ko..si Tito ko ay palabiro,masayahin,at mabait. Sa aming mag kakapatid ako ang pinaka close sa kanya parang second father ko na nga sya at parang anak na rin turing niya sa akin.
So pag dating namin dun inaasahan ko na sasalubong sa amin si tito na nka ngiti pero nung nasa gate na kame nakita namin na parang poker face siya di naka smile at tsaka tahimik at matamlay nya usually maingay at energetic si tito...nung nasa loob na kame bumigat yung pakiramdan ko pero di ko pinansin nag tanong ako ky tito kung bakit matamlay siya sabi naman niya eh masama pakiramdam niya tapos pumasok sa kwarto nya sabi naman ng dad ko pabayaan muna daw si tito bka tlga may sakit siya. Ng mga gabe na 7pm walang tao sa bahay Nasa shopping sila dad at mommy bali ako, tatlo kung kapatid(4 kami pang 2nd child ako) at si tito lang nasa bahay ng time nun nanunuod ako ng anime sa laptop ko nun ng mag ring yung cp ko weird kase # ni tito tumatawag sa akin sinagot ko nalang baka kase nag bibiro nanaman si tito nasa kwarto lang naman yung di pumunta sa akin sinagot ko pa rin pero laging gulat ko ng eto marinig ko sa kanya
""hey!! Tuko musta na nasa bahay naba kayo? Sorry nandito pa ako office pero on the way na rin ako pa uwe hehe"" di ko ma gets yung sinabi niya kala ko joke kaya sinabayan ko nalang
""tito office na pala kwarto mo dyan haha"" mas lalo akong na weirdan sa sagot nya
""hah ano? Ako nasa kwarto nasa office na ako buong araw no saan na ba kayo nasa bhaye pa ba kayo??""
Sa sagot na yun nag simula na akong kilabutan sinabi ko nalang ky tito na nandito na kame sa bahay nya at siya pa nag papasok sa amin pag katapos nun medyo nag seryoso si tito sinabi na papunta na daw sa bahay at tawagan ko daw sina dad at mommy pag katapos nun pinatay ko ko agad laptop ko agad agad na tinawag mga kapatid ko at lumabas kame nag hintay kame nang mga 30 mins pag katapos nun dumating si tito kasama na parents namin may kasama ring baranggay tanod agad sila lang pumasok da bahay pumunta sa kwarto ni tito pero wala raw tao dun lahat daw ng gamit malinis walang ginalaw. Pag katapos nun natulog nalang kaming lahat sa sala di nga ako nkatulog nun eh halos ata 4 days na di agad kame nakakatulog nun.
For now may trabaho na ko yung mga kapatid ko naman isa may asawa na at sila na ngayun naka tira sa bahay ni tito yung dalawa nasa school pa high school pero graduating ngayun. Di na namin inalam kung ano history ng bahay. Sabi naman ng kuya ko wala namang nangyayari sa bahay ni tito na paranormal at sana nga wala na tlga. Tsaka yung tito ko pumanaw na pala nag ka sakit ng cancer..Hanggang dito nalang po salamat sa pag babasa
#ripTITO :-)Esay Girl
Laguna
