Thanks admin in advance! 😂Oct. 24, 2008
Naaalala ko pa kung kelan nangyari kasi sembreak na nung sumunod na week. 3 days nang nilalagnat yung pinsan kong 1 year old pa lang. Akala namin dahil lang tumutubo yung ngipin niya. Pero ang pinagtataka ng grandparents namin at nung nagbabantay sa amin ay kung bakit gabi-gabi nalang kung umiyak ang pinsan ko. Napagdesisyunan nilang ipatingin sa manggagamot o albularyo o sorana (Yan kasi yung tawag sa kanila dito) nung araw na yun. Ang sabi ni Lola L ay merong aswang ang gustong kumuha sa pinsan ko at dahil byernes na ay malakas daw yung aswang. Kaya inutusan niya si lola na kung sino man ang kasama ng pinsan ko sa kwarto ay bawal matulog at magpapausok daw o tuob (Dito sa amin) pagdating ng gabi dahil darating daw yung aswang.
Pagdating ko ng hapong yun ay pinagbawalan akong lumabas pagdating ng 6pm dahil ilolock na daw yung gate at yung pinto. Nagkibit balikat nalang ako kasi wala naman akong gagawin sa labas. Tsaka di ako naniwalang pupuntahan talaga kami ng aswang eh sa subdivision kami nakatira. Pagkatapos naming maghapunan nila lola, pumasok na ako sa kwarto ko at nagsasoundtrip sa casette nya. Sila mama naman sa kabilang bahay ay maagang naglock ng mga pinto at si papa naman ay pumwesto sa likod ng bahay namin. Sa corner ng kwarto nung pinsan ko siya pumwesto. Nakahanda yung sibat niya na kawayan, yung langis niya o lana, yung bolo niya, isang lata na may laman na uling at goma at may konting kamangyan (Sorry di ko talaga alam ang tawag) na umuusok at konting tanduay para daw pampahina daw ng epekto ng aswang. Nilibot niya yung buong lote (Isa lang kasi yung lote tapos dalawa yung bahay, kina lola at mama) habang pinapausukan at habang hawak niya yung bolo niya. Bumalik ulit siya sa pwesto niya sa corner tsaka pinapatay niya kay lola yung ilaw sa corner para daw mag adjust yung paningin niya sa dilim. Saktong 10:30 dumating yung aswang.
Sabi ni papa, nung unang pagbisita daw ng aswang ay galing daw ito sa likod ng bahay namin at bumaba mula sa itaas ng yero, na nilagay ni lolo para di mabasa ng ulan yung mga kagamitan niya at tagpi tagpi lang naman yung yero. Nung bumaba daw ito nauna daw yung sa likuran na paa niya sunod yung sa harapan. Malaking itim na aso daw ito na pulang pula yung mata. Yung parang hindi na normal na size ng aso yung laki nung aso na yun. Smooth lang daw yung landing ng aswang na parang tao na bumaba at nagcrawl para hindi makita. Di tiningnan ng diretso ni papa kasi pag tiningnan daw eh maninigas ka at di ka daw makakagalaw. Dinaanan daw niya si papa kasi sumiksik si papa para di siya mahalata. Singhot ng singhot daw yung aswang. Una nitong pinuntahan para singhutin ay yung kwarto ko at wala akong kaalam alam na dumating na pala at dingding at bintana lang ang pagitan namin ng aswang. Sunod na pinuntahan nito ay yung kwarto na ng pinsan ko. Sabi ni papa para daw nakasinghot ng masarap yung aswang na parang naglalaway ito habang nasa tapat ng kwarto ng pinsan ko.
Bumwelo si papa at hinabol ito. Rinig ko yung takbo ni papa at inakala ko pang may kabayong tumakbo sa gilid ng bahay. Kinabahan na ako nun tas biglang narinig kong may tumakbo sa terasa namin, na katabi lang ng kwarto ko, na isang hayop na mahaba yung kuko. Napamura pa ako nung narinig ko yun habang hawak yung dibdib ko kasi sobrang kinakabahan na ako. Narinig ko pang bumukas yung pinto at nagtanong si lolo kung dumating na. Sinagot siya ni papa na "Andito na siya. Pumasok ka na Pang sa loob, baka makapuslit pa sa pinto. Ilock mo yung pinto. Titingnan ko lang sina Neneng (mama ko) at yung dalawang bata". Narinig kong mabilis na pumasok si lolo at sinara yung pinto at nilock. Agad ko din pinatay yung casette at natulog. Tapos naalimpungatan ako kasi naramdaman kong may tao sa loob ng kwarto na nasa paanan ng kama ko. Nung minulat ko yung mata ko, nagulat ako kasi si lolo lang pala tapos may tinitingnan siya sa bintana, na kita yung terasa namin. Bumangon ako para tanungin siya kung ano yung tinitingnan niya. Sabi ni lolo "Tingnan mo oh. Yung dugo niya oh. Ayun oh" agad ko din hinanap tapos nakita kong may dugo sa terasa namin at nakapagtataka eh konti lang at di naman umabot sa kalahati nung terasa yung inabot ng dugo. Parang dalawang lakad lang mula sa grills at inuupuan ung huling patak ng dugo sa terasa. Yung nangyari pala ay around 12 o 1am bumalik ulit yung aswang tapos parang niyayaya niya si papa ng away. Di siya matatamaan ni papa kasi tatama yung itak niya sa grills ng bintana kung buong itak ang itatama niya dito. Winasiwas daw niya yung tip nung itak kung aakmang susunggaban siya ng aswang. Di niya rin magagamit yung sibat niya dahil tatama sa grills. Nung natantiya na ni papa yung magiging tama nung itak winasiwas niya ulit ito nung sinunggaban siya ng aswang. Dalawa daw yung naging tama ng aswang, isa sa dibdib at isa sa tyan. Agad daw itong tumakbo at dumaan ulit sa terasa namin at dumaan pa sa dalawang aso namin na tulala at parang di siya nakikita.
Si lolo yung masipag magbantay sa loob ng bahay kahit di niya maencounter yung aswang. Kinausap nila lola si papa sa kung anong nangyari at ako yung pinabantay sa pinsan ko. Yung pinsan ko ang sarap ng tulog. Bigla ay inutusan ako ni lola na samahan si lolo at dalhin ko daw yung garapon na may lamang asin kasi bubudburan daw ng asin yung dugo para matagalan yung paggaling ng sugat. Nung lumabas na kami ni lolo sa terasa nagpakita na naman ng katapangan yung lolo kong joker. Sabi niya "Sige lang. Punta ka dito babarilin kita!" Natatawa na ako kasi itak yung hawak niya pero babarilin daw niya yung aswang. At halos nahirapan akong huminga sa kakatawa nung hindi niya maibalik sa lalagyan ng itak yung itak. Pinababalik niya sakin yung itak sa lalagyan nito habang binubudburan niya ng asin yung dugo. Parang normal lang naman na dugo yun pero patak patak lang ang nakita ko tsaka nagtaka ako kung paano nakadaan yung aswang kung yung katawan nito ay kasing lapad ng katawan ng tao. Pero yung grills sa terasa namin ang liit lang ng distansya sa bawat isa na kahit ulo ng aso namin di kasya. Agad kaming pumasok ulit ni lolo at nilock yung pinto nung matapos siya sa pagbubudbod nung asin. Natulog ako pagkatapos nun. May bumisita pa pala ulit 2-3am na aswang pero di na kasing laki nung naunang aswang. Parang tinitingnan nito yung sitwasyon at hinabol ulit ni papa. Mula saturday ng gabi hanggang linggo pabalik balik daw yung aswang #2. Yung huling tulo ng dugo nung aswang hanggang sa harapan lang daw ng gate ng kapitbahay namin tapos wala na. Agad naman sinabihan ni papa yung mga kakilala niya na magmatyag sa paligid kung sino daw yung may sugat sa katawan na mabilis lang maghilom.
Sorry po kung mahaba at detalyado. Marami pa po akong kwento tungkol sa mga aswang. Kayo po ang bahala kung gusto niyo pa pong magshare ako. 😊 Perstaym ko po to. Sorry po talaga kung di ko alam yung ibang words o kung ano po yung tawag sa kamangyan. Ilongga po kasi ako. Sorry po...
PS. Alam po ni papa kung ano yung dapat gawin kasi laki po sa may bukid si papa at parang lapitin po nung mga aswang at ung mga hindi nakikita yung pamilya niya. Tsaka alam ng mga matatanda yung dapat gawin sa dugo ng mga aswang. At kung agad agad daw itong binubudburan ng asin hanggang sa huling patak nito ay malalaman daw kung sino yung aswang.
Thanks admin! More power Spookify! 😊
Kailie
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)