Hi Spookify! Matagal na akong avid reader dito in fact nakaugalian ko na magbasa everyday bago matulog. Pati mga kaibigan ko naimpluwensyahan ko na. HAHA pero first time ko mag submit ng story. Sana ma-post.Nangyari ito, I think 2012 pa. Nagaaral na ako noon sa College, nagdodorm ako doon kaya madalang na akong umuwi ng Pampanga. Nung mga panahon na yun, laging nagtetext saakin si Mama na may mga weird daw na nangyayare sa bahay namin. Una, yung kapatid kong bunso na lalaki. Nasa terrace daw siya noon, nagsusulat. Napatingin siya sa may sala namin. Yung pinto kase namin papasok sa sala, mirror yun so kahit nasa terrace ka makikita mo ung loob ng bahay. May nakita daw siyang lalaking nakatayo, mga nasa 50+ na, nakatingin daw sakanya ng masama. Pero hindi naman siya natakot, kase pag titignan parang normal lang daw yung lalaki. Naka slocks na itim, at naka polo na puti. Inayos niya yung ballpen at papel niya para tumayo at kausapin yung lalaki pero pagtayo niya nawala nalang daw bigla.
Pangalawa, yung kapatid kong babae naman. Pipi po kase ang kapatid ko na yun. Yung PC namen, nasa may sala siya. Katabi niya yung pinto papuntang kitchen naman. Pag nakaharap ka sa PC, yung likod mo yun yung guest room namin. Nagiinternet siya mga 11pm na daw yun. Sina mama, tulog na. Bigla lang daw nagtayuan mga balahibo niya sa batok. Pagtingin niya sa likod, may babaeng nakaputi na nakalutang. Dire-direcho lang daw dumaan sa likod niya tapos pumasok sa may kitchen. (Sa mga nagtataka, kame lahat sa family marunong ng sign languange, yung kapatid ko na pipi nagcollege po yun so marunong po siya magtext sa cp kaso nga lang english lang po ang alam niyang lenggwahe)
Dahil sa mga kwento nila, natakot na kong umuwi. Haha. Pero kailangan kase sembreak ko na. Pag pasok ko palang sa bahay, iba na yung feeling. Mabigat, yung parang hindi ka belong, hindi ka welcome sa sarili mong bahay. Pero pinagwalang bahala ko nalang kase baka praning lang ako. Eto na matutulog na kame, magkatabi kami ni Mama, yung dalawang kapatid ko naman magkatabi sa kabilang kwarto. Okay na patulog na ko, ng biglang naririnig ko yung bike ng kapatid ko sa sala. (Bike po yun ng bunso kong kapatid nung bata pa siya, ung maliliit na bike lang na nilalaro ng mga bata.) Rinig na rinig ko, nagpapaikot ikot lang siya sa sala namin. Paulit ulit. Tinignan ko si Mama, nakatingin lang din siya samen. Nagtitigan lang kame hanggang sa mawala na yung tunog.
Kinabukasan, nagpatawag na si Mama ng albularyo. Meron nakapagsabe sakanya na may magaling na albularyo daw malapit sa lugar namin. Tawagin nalang natin siyang ""Nanay."" Pumunta si Nanay sa bahay, para i confirm kung meron ngang mga nilalang. Inikot nila ang bahay kasama ang kanyang mga alagad. Mga nasa 10 sila. Pinagtataka ko lang, hindi naman kalakihan bahay namin bakit sila inabot ng halos isang oras sa pag iikot. Paglabas ng bahay, sinabi niya na meron ngang mga espiritu, na habang naglalakad daw sila may humihila daw sa paa niya kaya sila natagalan. Sinabi niya kay Mama na maghanda ng Alay. Nagpahanda siya ng isang bilao na ang laman mga candy, chichirya, mga prutas, kanin, at isang bote ng softdrinks na nakasara. As in may tanzan pa.
Sa likod ng bahay namin, nagpahanda siya ng 12 na upuan. Nakapaikot ang mga upuan, tapos sa gitna may table. Sa table nakalagay yung bilao ng alay. Sabe ni Nanay, sumama daw ang isa sa amin. Kailangan daw kasali yung may ari ng bahay. Edi si Mama yung sumama. Tapos hinatid kami ni Nanay sa kwarto, kasama ko yung dalawa kong kapatid. Nagbilin siya, sabe niya, ""Kahit anong mangyare, wag na wag kang sisilip sa bintana. Kung may marinig ka man o kung ano, basta wag ka sisilip. Sabihin mo rin sa mga kapatid mo."" So ako naman takot na takot na nun, kase pag sumilip ka sa may bintana makikita mo na yung paligid ng likod ng bahay namin.
So nagstart na sila, wala naman ako narinig nung una. Ng biglang, may narinig akong nagkalampagan sa yero namin. Parang may nagbabato ng kung anong matigas na bagay. Tapos narinig ko nagsisigawan sila sa may terrace namen. Akala namin tapos na bumaba kame ng mga kapatid ko papunta sa terrace. Pagkakita ko kayna Mama basang basa sila. Sabe ko, anong nangyare bat basa kayo? Sabi ni Mama, ayaw daw tanggapin ang alay, pinagtatapon daw ang mga alay na prutas (yun pala yung narinig ko) at tinanggal pa daw ang tanzan at binuhos sakanila yung softdrinks. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi nila kasama si Nanay. Sabe ng isa sa mga alagad niya, nagpaiwan daw sa likod at nilalatigo ang mga ayaw na sumukong nilalang. Mga ilang minuto pa, nakita na namin si Nanay na papunta sa pwesto namin. Iika ika siya. At eto, magkamatayan na't lahat hindi ako nagsisinungaling, habang papunta siya samin napansin ko na parang umitim siya at naging kulot kulot ang buhok niya. Ang sabi ko, bakit naging ganon ang ichura niya Ma? Ang alagad niya ang sumagot, ang sabi, ""Tinulungan siya ni Apong Nazareno"".
After nun, pumasok na kame sa bahay. Komportableng komportable ang feeling. Wala na kong na feel na parang mabigat, in fact nakatulog na ako ng mahimbing nun. Hindi ko alam na may nangyare pa pala, nung hinatid ng Tito ko sa bahay si Nanay.
Hanggang dito na muna! Masyado ng mahaba. HAHAHA Maraming salamat! 😘
tamoks
Pampanga
