Tabi-tabi po

658 7 0
                                        


I want to share my experience too. Hahaha. I think it's worth to read naman kasi nakakakilabot until now that I'm typing it. I am a call center agent and as usual team building ang libangan ng team. Actually ngayon ko palang nadi-discover 'tong gift ko. Nakakabasa ng isip, nakakakita ng uncertain entity, nakakaramdam(which is usual) at nakakapanaginip ng mga bagay na nangyayari in the future (not all). Like nung Ondoy, before mangyari yon nakapanaginip ako na naglalakad ako sa gitna ng madaming nakahigang tao sa provident kasi Marikina din naman school ko, gray na kulay nila. May bata, buntis at matanda. Meron pa yung lahat ng tao nasa tubig at may umuulan na bulalakaw at may sunog sa paligid... Hays, So eto na nga, umpisahan ko muna sa office. Nung una namin akyat dito sa 17th floor because we used to be on the 7th, winelcome agad kami ng biglang naggagalawan ang mga upuan ng walang tao, namamatay ilaw at may bumagsak na something sa part ng walang tao. So kinilabutan na kami. May Ate-ate ako dito at naiihi daw siya samahan ko siya, nung lumabas kami tumingin muna ako sa quarters kung ano itsura. Pero bago ko pa buksan e may nakita akong di usual. May rosaryo na nakapulupot sa handle. So napatingin ako sa reflection ko sa pinto. I'm wearing black that time pero yung napagtanto ko bakit white yung nakita ko? From that day on yung mga natutulog sa quarters laging may kwento na may malikot dun, nangangalabit, biglang lalamig.

Eto na yung team building, last year lang to nangyari. Excited kami kasi pa Lipa, Batangas kami, beaaaach! Then tanghali na mga alas dos na kami nakaalis kakaantay sa nirentahan na van. Mga alas nuebe o alas diyes non ng gabi, iba na yung daan, masukal, madilim as in madilim!! Parang bukid yung paligid, madaming puno pero t@#$^%na, walang bahay sa paligid pero ang dami kong silhouette na nakikita. -_- So lahat ng kateam ko tulog ako lang at yung driver gising. Ng biglang "KUYA!! MAY ALE SA GILID!!" nasa gilid siya as in, yung suot na parang Filipinyana na puti. Napahinto siya tas sabi niya, "Saan po?! Wala naman Ma'am" so pahiya ako kasi ako lang nakakita. -_- Nung nakarating na kami sa bahay na tutuluyan namin, napatingin ako sa driver kasi goosebumbs sumalubong sakin. Napatingin ako sa CR kasi swear to God may aninong nakatayo don, nakapatay yung ilaw pero yung ilaw sa mga kubo natatamaan yung cr. Napatingin ako sa driver, "nakita mo rin?" tanong niya. Napatango na lang ako at nanahimik. So kainan naaaa, naglakbay at naligo kinabukasan. To cut the story short. So pauwi na kami, naghahanda na sila. Nauna na ko naligo non. Tapos nag aantay na lang ako sakanila nakaupo ako sa mahabang lamesa at upuan, nakaharap ako sa pinto ng bahay. May lamesa don sa gilid. Nakalagay don yung sinturon ng kateam ko, tago natin sa pangalang Celine. Kitang kita ng dalawang mata ko at apat na mata ni Celine na there's no way to let that belt to fall. As in wala then lumutang siya at biglang nalaglag. Sabi ni Celine ilang beses na niya daw yun pinulot pero lagi daw nalalaglag. Tapos na rin siya at yung gf niya mag-ayos, so nag aantay kami na lang kami. Umakyat kami sa kwarto at nagkwentuhan. Ng biglang na-open ko yung topic na nangyari sa baba.
NV
Me: Grabe, Celine noh, nakita mo rin pala yun, actually pagtungtong palang natin dito  nakita at naramdaman ko na yun e.
Celine: Kaya nga e. Iba tuloy nararamdaman ko. (Biglang umupo)
Me: Celine, ang lamig ng right arm ko.
Celine: May nakahiga din sa tabi mo e.
Me: ( WALA naman akong katabi at kung may tatabi man di siya kasya kasi kahoy na dingding na yung likod ko) Wehh? (pinagpawisan ako ng malamig at di makagalaw, pinilit ko tumayo) Celine, T@#$^na!! Di ako makagalaw!!!! (naiiyak)
Celine: (Pilit na hinila ako) Pasensya na po sa abala paalis na po kami.

Karipas na bumaba kami non tapos as in tumatawa ako ng nakatulala kasi nararamdaman kong nasa likod ko siya nakasunod.  Sinabi namin naranasan namin sa kwarto, eto naman ate-ate ko, pinicturan ako. Kinilabutan kaming lahat nung nakita namin sa pic na may white na usok sa right arm ko na parang nakakapit siya where in oo maliwanag non pero saan manggagaling yung ilaw e sa cr ako nakaharap non. :( Walang ilaw yon. Nagloko bigla yung camera ni Ate Ghie. Lowbat yung sinasabi pero full pa yung battery bars tapos nagb-blink yun screen. Black-Picture ko with unusual entity-repeat. Binura na kaagad ni Ate Ghie yung pic nung natigil na kaka-blink yung screen. Hanggang sa Van ramdam ko na nandun siya. Tapos umuwi muna ako sa bahay ng GF ng kateam ko, kinuwento namin yung nangyari sabay labas ng exorcism salt daw ata yun, pinakain ako at pinagdasal sabay lagay ng asin sa pinto. Baka daw sinundan ako. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung takot. Nasa office ako ngayon at ewan ko pero biglang sumabay naman na may bumagsak sa gilid ko. Tabi ng ding ding yung akin at wala akong katabi ngayon. Nagself tuck in yung upuan amwola!!! Di ko na lang pinansin, baka lalong magpapansin. Sanay naman na ko ng ganto. Lol. Nanghihina akong itinatype to kasi kapag naaalala ko parang gusto na lumabas ng dugo ko sa sobrang kilabot. Yun lang.

Lesson: Bago niyo umpisahan yung kasiyahan niyo, magpaalam muna kayo sa naninirahan sa bahay. Lalo na't di naman kayo parati sa doon.

El
Quezon City

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon