hello po. (pasensya na po kung pm to. free data lang eh 😉 gusto ko lang talaga mashare to.)
highschool days.. di ko lang tanda kung anong year to pero between 2002-2006 ito. foundation day ng school namin sa bulacan. bale may mga booths na nakasanayan na twing foundation day.. isa na dto ang horror booth. ako yung tipo ng babae na mahilig sa mga horror movies pero di naman ako matatakutin. gabi ginanap ang horror booth para mas exciting daw. nagkaayayaan kami ng bestfriends ko na bago umuwi eh itry ung horror booth. 3 kaming babae by the way. 6pm un. papunta na kami sa library kung san ginanap ang horror booth. habang naglalakad sa hallway sa baba may mga students na nauuna samin. nagaasaran sila kasi ung isa nilang kasama natatakot nga dahil may usap usapan na naging dalawa daw ung white lady samantalang isa lang naman daw ung actress ng school for white lady.. ung nakakita daw eh lalaki. kilalang joker ung guy kaya nung sinabi nya sa head at organizers eh di sya sineryoso. bale 3 days celebration kasi ang foundation day sa school namin. 1st day nangyari un. 3rd day nung sumubok kmi.pagkauwi nagtext daw ung lalaki na student sa bestfriend nya parang nadaan nung jeep na sinasakyan nya ung white lady. tapos nalaman nalang namin na patay na yung tatay ng student na lalaki. kaya don nagsimula ung kwento na susundan ka daw ng white lady at may mamatay daw. para saakin that time eh ginawa lang yun para mas magiging nakakatakot ung pakulo na booth. iniisip ko baka talagang may sakit lang yung tatay ng kaschoolmate ko. so eto na nga. nakapila na kaming 3. ako ung nauuna kasi ung isa kong bff eh matatakutin. pero iba talaga ung feeling ko kahit nung nakapila palang kami. kinabahan ako kahit na ilang horror booth na naman ung natry ko kung saan saan.. parang ang lamig na pinapawisan ako. aatras sana ako kaso andun na ako eh baka matawag pa akong kj. magaling din kasi ako makiramdam . alam ko kung may something ba sa isang lugar depende sa pakiramdam ko. pero mukhang wala naman akong 3rd eye. so natapos na . umuwi na kami. tahimik lang ako non parang wala ako sa mood makipagkwentuhan na lagi namin ginagawa pag nasa jeep na kmi pauwi.
paguwi ko ng bahay. parang may iba talaga. parang ung lamig nung andoon ako sa library eh nasa katawan ko padin. binalewala ko nalang. pagakyat ko nakita ko ung ilaw sa kwarto na patay sinde. pero di ko nalang pinansin kasi pagod at gutom nadin ako nun.
kinamusta ko sa pinsan ko ung pinsan ko na naconfine sa hospital. sabi di pa daw masyadong ok. nalulungkot ako kasi di ko pa sya nadadalaw. bukod sa may pasok eh syempre wala ako pamasahe. busy naman sila mama sa pagaasikaso sakanya kaya di ako nasasama pag pumupunta sila doon. kinabukasan habang pauwi nagkwekwentuhan kaming 3 sa jeep. nabanggit ng bff ko paguwi daw nya patay sinde ung ilaw nla. ginawa daw eh tinanggal nalang tapos tinapon kasi baka pundi na. nagulat ako tapos sabi pa ng isa kong bff sakanila naman daw ung tv nila. patay bukas eh d naman daw sira. natulog nalang daw sila ng family nya at pinatay nlang daw ung tv. kinabahan ako pero di ko na kinuwento ung experience ko baka nagkataon lang. sabi nila paano daw kung nasundan kami ng whitelady. binalewala ko na lang yun. inaya ko nalang yung isa kong kaibigan na sumama muna sa bahay namin para mapabasa ko sakanya ung horror story na sinulat ko. sumama naman sya tutal halfday lang kmi non kasi kakatapos lang ng foundation day. paguwi namin si lola at pinsan ko lang ang nsa bahay kasi dumalaw sa hospital mga tita at kapatid ko. bale 3 kwarto namin sa taas ung isa ung may cr tapos ung isa un ung daan papunta sa terrace. ung isa naman ung pinaka maliit na kwarto. wala naman mayari non kaya dun ko pinapasok ung bff ko. pagakyat ng hagdan ung room na may cr ang unang madadaan sumunod ung may papauntang terrace bago makapunta sa room na maliit. bukas lahat ng pinto ng mga kwarto kay kita mo ung loob. so andoon na kmi tapos nautusan ako na magpuno ng tubig sa cr. iniwan ko muna ung pinupuno ko tapos balik agad ako sa room na maliit.. nung feeling ko na mapupuno na bumalik ako sa room na may cr. pero andoon palang ako sa gitnang room natanaw ko ung pinsan ko . parang pababa sya ng hagdan kasi ulo nalang nya ung natatanaw ko. nakangiti sya saakin tapos sabi ko sakanya. 'oh.bakit andito ka? kala ko nasa ospital ka pa? nakauwi ka na pala. baka malaglag ka dyan sa hagdan' nakangiti lang sya tapos namatay ilaw namin. nag black out pa ata sabi ko. nagmamadali ako kasi narinig ko tumatapon ung pinupuno ko kaya balak ko na patayin muna bago ko tulungan bumaba ung pinsan ko na nasa hagdanan. tgo pagbalik ko wala na sya eh. binalikan ko nalang ung bff ko. after 20mins sguro narinig ko ung isa kong pinsan nagmamadali pumunta kay lola.tumawag ung tita ko na nasa ospital daw at patay na daw ung pinsan kong bata. grabeeee!!!! sobra akong naguluhan kasi kakausap ko lang sakanya eh. saka ko lang narealize na baka multo ng pinsan ko un. nasabi ko na un experience ko sa family ko nung lamay na..
so kahit ako di ako makapaniwala eh... pero alam ko sa sarili ko na nangyari un. naniwala sila kasi kahit sa lamay may mga pangyayari saakin na sila mismo nakakita. una ung ilaw na sa twing papasok ako sa kwarto patay sinde pero pag yung iba naman hindi ganon. tapos ung paruparong itim na malaki. mula lamay hanggang hiway nakasunod lang sya saakin. hinawakan ko na nga baka sakali matakot at umalis pero di sya umaalis kahit ilang beses kong hinuli. kapag nakahinto ako nakahinto lang din sya. lilipad sya pag naglakad na ko. kasama ko kuya ko non kahit sya di makapaniwala. sinabi ko lang sa paroparo na sorry kasi di ako nakadalaw sa hospital. hinahanap daw kasi ako ng pinsan kong bata bago sya nawala. so ayun. after 3days naman. nagpicture kami gamit pa ung camera . di pa ksi uso ung camera sa cp. puro nokia na walang cam pa mga phone non. nung nadevelop na. laking gulat namin na may puti na korteng bata sa likod ko nakasungaw. di ko nalang pinansin lahat at nag move on nalang. ilang taon na din ang lumipas. kala ko wala na eh . pero may mas nakakatakot pa pala don . nov1 un. araw ng mga patay. ung kuya ko kasama ung mga kaibigan nla umiinom sa may tapat bahay namin. ung bahay kasi namin malaki. modern style sya.sabi nalang bigla nung kaibigan nya may bata daw na babae sa hagdan. ung nakaupo tapos nakahawak sa mga bars ng hagdan nagkukuyakoy daw ung mga paa. alam daw nya na di daw tao un. so nagulat talaga ang kuya ko. kasi may third eye un eh. ung iba nilang kasama ngulat din kasi sa twing iinom sila sa bahay may bata daw sila nakikita . minsan sa bintana o kaya patkbo takbo sa harap nila. d lang daw nila pinapansin iniisip na baka pinsan din namin un. wala naman kasing bata saamin . nagiisa lang bata saamin. kundi ung pinsan ko lang na namatay na.
thanks po.
ps. wala na sa bulacan ung school ko nung highschool. nalugi na kasi konti lang students. may usapusapan dati daw tong cemetery kaya madami talgang multo na nagpaparamdam. pag napost to sure ako madami magcocomment kunga anong school to.
sensya na kung mahaba 😉 at kung panget man pagkwekwento ko. pasensya na. 😉
pps: magcocomment nalang ako pag napost to.
thanks admins.
miss g
