Hi Admin. This would be the first time na magsusulat ako. Bantay kase ako sa hospital ngayon, wala akong magawa kaya I'll grab the opportunity na magkwento about my horrifying experience.I'm from Nagcarlan Laguna, yung daddy ko tiga dun pero mama ko e may province sa Quezon. San Narciso Quezon. Sobrang liblib ng lugar na yun, sobrang boring kase walang signal and all. Pag 8 na ng gabi, halos wala ka ng makikitang tao na pakalat kalat sa daan. Madilim kase talaga dun, ewan ko ba kung bakit walang nagrereklamo na palagyan ng ilaw ang bawat kanto. So here is the story....
Yung mama ko e may tita na galing ibang bansa so when she arrived here in the Philippines, nagpagawa sila ng bahay sa Quezon. Maganda yung bahay na napagawa nila. Wala silang anak so ang magkasama lang sa bahay e yung tita ng mama ko and yung husband nya. For the first three days ng pagtira nila dun, ayos naman pero we were all shocked nang mabalitaan namin na namatay tita ng mama ko sa cr. Nakita na lang na nakahandusay sa sahig at naniwala kame na nadulas at nabagok kaya namatay. Since na wala ng kasama yung husband ng namatay, he decided na kumuha ng boy para may makasama siya.
After a month, we were all shocked again kase yung husband naman ang namatay sa same place. Sa CR. Ganun ulit, nakahandusay sa sahig. Nadulas ulit? Sobrang kinikilabutan na ko nun. To continue the story, may pinsan yung husband nya na tumira dun kasama nya pa rin yung boy. After a couple of weeks, nagsabi yung boy sa mama ko na aalis na siya. Putlang putla siya nung nagpapaalam sa mama ko. Tinanong sya kung ano problema, umiyak yung boy at sinabi na one time, umihe siya sa cr kung san namatay yung tita at husband nun. Dalawa kase cr dun pero yung isang cr ang ginagamit nung boy kase yung other one e para lang sa amo nya. Habang umiihe siya bigla daw siyang di makagalaw. Para daw may nakapatong sa likod nya at bigla na lang siyang sinakal. Binuhos na daw nya buong lakas nya para malabanan yun. Alam nyang hindi panaginip yun pero parang gustong gusto syang mapatay ng elementong hindi nya alam kung ano. Wala siyang nakikita pero nararamdaman lang nya. Sa awa ng Diyos, nakaligtas siya at yun nga umalis na siya.
Kumalat sa barangay namin ang nangyare. At dahil sa payo ng isang albularyo, kumuha si mama ng mga tao na huhukayin yung kinatatayuan ng cr. Giniba nila yung cr at hinukay. Alam nyo kung ano ang nakita? Isang baboy. Yung isa sa mga humukay sa cr e isa din sa tao na naglibing sa baboy na yun 5 years ago. Pero ang itsura nung baboy nung hinukay parang kamamatay lang 1 oras ang nakakalipas. Sobrang kinilabutan ako dahil saksi ako sa paghuhukay nila. Miski yung mga tao na inutusan ng mama ko halatang halata na kinakabahan.
Ayon sa albularyo may engkanto daw ang nag aalaga sa baboy na yun. Yun daw na engkanto na yun ang dahilan ng pagkamatay ng tita ng mama ko at asawa nya. Simula nun, wala ng tumira sa bahay na yun. Binalik nila yung baboy kung san nila hinukay. Ngayon, haunted house na bahay na yun sa tuwing magbabakasyon ako dun, iniiwasan ko mapadaan sa bahay na yun. Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko.
Miel
