Voices from hell.

843 13 0
                                        


Eto na yung 2nd story ko, grade school ako nung maranasan ko. Ito yung isa sa pinaka eerie nights ng buhay ko. It haunts me every night nung mga panahon na yun. Yung tipong di ka makakagalaw, mabilis yung tibok ng puso mo, rinig mo yung tibok at pi

nagpapawisan ka ng malamig sa takot. Di ko akalain na mararanasan ko yun nung mga panahon na yun. Nagising ako nung unang gabi, di ko na maalala yung oras, tulog na lahat yung tao sa bahay, nasa gitna ako ng dalawang ate ko, nakahiga kami sa lapag na sinapinan lang ng banig. Katabi namin yung papag, higaan ng dalawang kuya ko, nasa kwarto kami. Mga magulang namin sa sala natutulog na sinapinan lang din ng banig. Nagising ako dahil may tumatawag sa pangalan ko. Boses na parang galing sa ilalim ng lupa. Mahina sa umpisa hanggang palakas ng palakas. Boses ng lalaki… hindi ako makadilat sa takot na maaring makita ko that night. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang takot. Ilang gabi kong naririnig yung boses na yun hanggang isang gabi naglakas loob ako imulat yung mata ko nang muli ko syang marinig. Kitang kita ko yung anino ng isang nilalang. Wala kasing pinto ang kwarto namin, at nagrereflect yung liwanag ng ilaw na nagmumula sa sala sa pader ng kwarto namin. Isang lalaki na may sungay na parang sa tupa. Isang Demonyo..! Habang tinatawag nya yung pangalan ko, kitang kitang kita ko na gumagalaw yung balikat nya dahil sa paghalakhak. Para bang tumatawa sya ng walang boses. Parang alam na alam nya na gising na ako nun. Di ako makagalaw that time, tulog na tulog yung dalawang katabi ko. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako na maalarma mga magulang ko ata mga kapatid ko at kung ano pa yung gawin nung nilalang sa amin. Saka lang ako nakapagtalukbong ng kumot ng biglang gumalaw yung isang ate ko. Dalawang beses kong nakita yung anino ng nilalang na yun, halos dalawang linggo nya akong tinatawag. Sa sobrang takot ko tuwing gabi naikuwento ko sa nanay ko habang kausap nya ung kapitbahay namin, ngunit di nya ako pinakinggan, pinagtawanan din ako ng kapitbahay namin.. Namamalikmata lang daw ako. Naikwento ko din sa mga kalaro ko that time pero pinagtawanan lang din nila ako. Mula nun pinipilit ko na lang yung sarili ko na di sya totoo. Hanggang sa unti unting dumadalang yung gabi na tinatawag nya ko. Pinagtataka ko nun ako lang ang nakakarinig sa malaki at malakas nyang boses.

Isa pang experience ko, matapos yung mga gabing tinatawag ako ng isang demonyo.

Nagising ako ng madaling araw, nang gabing yun di ako nakaramdam ng takot sa paggising ko, mga around 2am to 3am that time. Ganun pa din ang set up, nakahiga ako sa lapag na sinapinan ng banig sa gitna ng dalawang ate ko. Nakakulambo kami nun, katabi namin yung papag na higaan ng dalawa kong kuya na nakakulambo din. Madilim sa kwarto kase patay ang ilaw. Ilaw lang mula sa sala na nagrrereflect sa pader ng kwarto ang nagbibigay ng bahagyang liwanag. Dahan dahan kong minulat yung mata ko dahil parang may nakatingin sakin. Pagmulat ko ng mata ko nakakita ako ng batang babae, nakaupo sya ibabaw ng kulambo ng mga kuya ko. Nakatingin sakin. Sa pagkakatitig nya sakin nakaramdam ako ng kapayapaan. Batang babae na maikli ang buhok, hanggang balikat, nasa 8 to 9 years old. Nakashort lang at nakat-shirt na di ko mawari kung anung kulay dahil para lang syang usok. Silhoutte lang yung bata pero hindi ako nakaramdam ng takot hanggang sa akmang tatalon sya mula sa kinauupuan nya papunta sa akin. Mabilis kong ipinikit yung mata ko at sa muli kong pagmulat nawala na yung batang babae.

Until now may mga anak na ko, lagi pa din nagpaparamdam ang demonyo sa akin. Hindi na sa pagpaparamdam kundi sa panaginip. Madalas akong makapanaginip nang isang sinasaniban. Ramdam ko sya pa din yun. Pero ngaun may knowledge na ko about sa kanila at kung paano sila lalabanan. Hindi na niya ako kaya. Pinagtatawanan niya ako, nanlilisik yung mata.. Malaki yung bibig at mahaba yung dila. Iba ibang panaginip iba ibang tao yung sinasaniban nya. Pero di na ko takot sa kanya. Hahawakan ko sya sa noo sabay bigkas ng Ama Namin.. At paulit ulit na “Sa pangalan ni Jesus umalis ka sa katawang yan!!”. Laging natatapos ang panaginip ko na napalayas ko sya. Di ko alam kung kailan sya babalik. Kailan sya ulit mananakot..pero isa lang ang alam ko, di nya ako kaya ngaun. In Jesus Name.

Mojeek24 / rad24.
Cavite.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon