"Nangyari to sa bahay ng lola ko sa Bacolod, 8 years old palang ako nun. Sa likod ng bahay may balon na wala ng tubig at katabi nun ay malaking puno, di ko na maalala anung puno yun, basta yung ugat nya kumapit na sa bunganga ng balon. Pinagbabawalan kame ni lola na maglaro dun.
Hapon nung nakatulog ako sa sala ng bahay, napagod ako maglaro. Maya maya nung nakaidlip na ko, may biglang gumising saking magandang batang babae,. Kasing edaran ko lang din pero maputi sya at talagang maganda. Nakaribbon yung mahaba at maganda nyang buhok at nakadress sya ng puti. Niyaya nya ko maglaro daw kami sa likod ng bahay. Sabi ko bawal kami maglaro dun, pero hinila na nya ko papunta sa balon.
Nagtaka ko ng makita ko yung balon na parang nag-iba yung itsura. Pumasok sya dun, sabi nya dun daw bahay nya. Pagtingin ko may hagdan pababa sa balon na yung lusot e dun na sa puno. Pagbaba namin, para kaming nasa loob ng mansyon, yung hallway ng bahay at mga kagamitan, kulay ginto. Di ko masyadong matignan kasi nakakasilaw.Dinala nya ko sa dining room nila na mahaba yung lamesa. Kumain daw muna ako bago kame maglaro. Hinainan nya ko ng isang platong kanin pero iba ang kulay at gumagalaw. Nandiri ako kaya sabi ko nalang hindi ako gutom at kelangan ko ng umuwi kasi baka pagalitan na ko. Hindi naman nya ko pinilit pero nalungkot sya nung sinabi kong uuwi na ko sa sunod na lang kame maglaro.
Hinatid nya ko paakyat sa balon at sabi nya, pupuntahan na lang daw nya ko ulit. Tapos biglang lumabo yung paningin ko at bigla kong nahilo. May mga naririnig akong umiiyak, pumikit ako at pagdilat ko, andun sina mama sa harap ko at nag-iiyakan. Nagtaka ko kung bakit. Sabi ng ate ko, 3 araw na daw akong tulog at ayaw magising. Pinatignan na raw ako sa albularyo at doktor pero hindi masabi bakit hindi ako magising. Sabi ko sa kanila wala pa nga isang oras akong nawala, na sinama ako ng batang babae sa mansyon sa ilalim ng balon. Nagulat sila sa kwento ko at pati ako nagtaka na din, dahil bata pa ko nun, di ko na lang inintindi, kaya nagdecide na lang sila mama na bumalik na lang kame ng maynila.
P.S.: Tandang tanda ko to, kasi after many years, nakasama ko pa yung batang babae na yun.. pareho na kaming dalaga ngayon, at maganda sya, sa paningin ko lang pala ..
May part 2 pa sana to, mahaba kasi pag kinumpleto ko pa, share ko lang kasi wala ko mapagsabihan."
gigi
Taguig
