Angkan

823 16 5
                                        


SPG

Ang kwentong inyong matutunghayan ay tungkol sa lihim ng aking pamilya. Ngunit Shout out muna sa admin na nagban sa akin. hahaha I love you admin.
Wala man lang warning. :)
Okay lang. tanggap ko na. Anyway medyo mahaba ang kwentong ito ngunit sana pagtiyagaan niyong basahin.

            My name is Rhaign Rhaign Nariel sandai(my nickname). Naniniwala po ako sa Vampire, Aswang, mangkukulam at Diyos ngunit sa mga multo like White Lady, 
black lady,Lost souls at third eye ay hindi dahil maiexplain ko po yun using science. My family is a Vampire. Maniwala man kayo sa hindi.
Naalala ko pa nung galing sa Bakbakan ang tito ko.
Sa tuwing umaalis siya may dala siyang plastic bag at madalas kapag umuuwi siya makalipas ang ilang araw may dala siyang mga preskong dugo.
Dugo siya ng tao mula sa napapatay nilang mga sundalo. Lumaki kasi kami sa liblib na lugar sa Cotabato at ang tito ko ay sundalo siya
ng MILF(Moro islamic liberation Front) at ang tatay ko ay isang opisyal ngunit mababa lamang ang kanyang ranggo. Iisa lang kami ng bahay dahil konti lang ang
kanyang mga anak
kaya sa amin na siya tumitira. Iniwan na kasi siya ng kanyang pinakamamahal na asawa. Iniinom lang namin yon tuwing banal na araw sa
amin(base sa aming paniniwala bilang bampira) ngunit hindi iyon semana santa. Kailangan namin yon para magkaroon ng di pang ordinaryong lakas at
para sa mabagal na pagtanda ng itsura. 16 years old na ako noon ng magkaroon ako ng girlfriend. Baguhan lamang sila sa aming baryo noon at
wala silang alam sa mga nakatira doon. Drug pusher kasi ang tatay  niya at nabasa namin yon  sa aura niya maging sa utak niya kaya dun sila tumira.
Nagkacrush agad ako  anak nito dahil ang ganda niya at kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Ngunit sadyang napakatorpe ko kaya di ko
magawang kausapin siya. Ang ginawa ko habang natutulog siya dun ako nagpakita sa panaginip niya. Sa panaginip niya ay nagugustuhan din naman pala
niya ako ngunit sa isip niya ay sana di ito malaman ng papa niya baka mapagtripan daw ako kasi adik nga. Nalaman ko rin na madalas silang magkakapatid
saktan ng papa nila. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa. Isang araw napadaan ako sa tapat ng kanilang bahay at tinawag
ako ng aking crush. Di naman ako pinalapit at yon pala ngingitian lamang niya ako at talagang kinilig naman ako. Marahil siguro ay nakilala niya ako
kasi nga nagpakita ako sa panaginip niya. Di nagtagal ay naging kami ngunit makalipas ang dalawang taon ay nagkahiwalay rin kami dahil nalaman niya ang
lihim ng aming angkan. Ipinagtapat ko yon sa kanya kung paano ko nababasa nag kanyang isipan at talagang ako yong nagpakita sa kanyang panaginip maging
ang lihim namin ay ipinagtapat ko rin dahil mahal na mahal ko siya. Alam ko ang kanyang magiging reaksyon at pinatunayan ko sa kanya ang aking mga sinabi.
Natahimik siya at natakot at yon ag naging dahilan ng paghihiwalay namin. Di niya matanggap na ganun ako. Umiinom ng dugo mula sa napapatay na tao.
Sabi niya wala rin kaming ipinagkaiba sa kanyang tatay. Marami siyang sinabi na masasakit na salita sa akin. Dinamdam ko yon at labis akong nasaktan. Dahil
dun Pumunta ako ng manila para magbagong buhay at dito ipagpatuloy ang aking pag aaral.

        Naging mahirap para sa akin ang bagong lugar na aking titrhan. Madalas kapag sinusumpong ako ay di ko maiwasang matukso sa aking nakasanayan ngunit
tiniis ko yon kahit minsan naghihina ako at nawawalan ng lakas. Hanggang  sa nakasurviver ako at nasasanay na ako. Natuto na akong mamuhay ng normal.
Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan dito na di nila ako hinuhusgahan di tulad ng dati na madalas akong iwasan ng mga tao kapag nasa school ako na para
bang may nakakahawa akong sakit. Mababait sila sa akin at ang pinakamasaya ay nakamove on na rin ako sa aking girlfriend. Balita ko may iba na siya at ang
kanyang tatay naman ay nahuli na rin. Nakakabasa pa rin ako ng  isipan ng mga tao at di na yon mawawala sa  akin dahil nananalatay na sa akin ang dugo ng aming pamilya.
Minsan kapag may crush ako nagpapakita ako sa mga panaginip nito ngunit iniiwasan ko ang mafall. Ang sakit kasi kapag di ako sinasalo.

           One thing before I forget may gusto akong sabihin sa inyo. Wag kayong mniwala na immortal ang Bampira at nakakatakbo sila ng mabilis. Saka di po kami
natatakot sa sikat ng araw at bawang di tulad ng aswang. Yong mga natatakot sa sunlight ay di yon bampira(vampirism ang term doon). Sakit yon sa pag iisip. Choloquial
ata ang tawag dun.
Di rin kami maputla tulad ng nasa movie at wala kaming pangil ngunit malalakas ang aming ngipin kapag nakakatouch ito ng dugo ng tao. Isa pa mababait kami at
tunay kung magmahal. Malalambing katulad ko. Yon nga lang ang problema sa bampira ay mahilig sa S*x pero hindi kani-kanino.
Marami na ring nagconfess dito ngunit ang iba sa kanilang sinasabi ay hindi totoo like nabuhay sila sa  mahabang panahon. Kalokohan yon. Saka naniniwala rin
kami sa diyos noh? May pangontra laban sa amin ngunit di ko na sasabihin. mind reading? oo posible yon at naniniwala kami sa science noh? Appearing in a dream?
Ability namin yon at naeexplain din ng science yon. Why Drinking  a blood? May Science din dun but kung ordinaryong tao ka lang wag mong subukan dahil susuka ka lang.

At dahil mahaba na ito masyado, hanggang dito na lang. Alam kong marami sa mambabasa ay di maniniwala at huhusgahan ako. Kung papipiliin ako. Ayaw ko maging bampira. Mas masarap mamuhay ng normal kaya kayo ang swerte niyo.

marami pa akong ikukwento pero next time na lang.

Chinito
Makati

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon