I saw a demon and visited hell (Part 2)

665 13 0
                                        


Hello Spookify. Pasensiya na kasi hindi ako nakapag update ng matagal sa sobrang daming nangyari. Pero eto na ang continuation ng story ko.

Pagkatapos ng ritual na ginawa ni Krissy ay hinawakan niya ang kamay ko at binulungan.

""Medyo mabibigla ka dito at mahihilo pero wag kang mag alala, magiging okay din ang lahat pagkatapos nito.""

Naramdaman ko na nga ang sinasabi niya. Nahihilo na ko na parang lasing na lasing at matutumba pero pilit ko pa ring binabalewala dahil kabado pa rin ako sa mangyayari at nakatingin pa rin sakin si Kel. Bumulong sakin si Krissy na ipikit ko ang mata ko at sinunod ko ito. Nararamdaman ko na na parang gusto kong dumuwal dahil ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Pagkatapos ng 1-2 minuto ay ginigising ako ni Krissy. Nawalan pala ako ng malay. Bumukas ang mata ko at nakita ko si Krissy at Kel na nakangiti.
Nagising ako sa isang lugar na napakalawak, hindi siya typical na naririnig o nakikita natin pero yun na pala ang impyerno, hindi umaapoy ang lugar. Pero maraming nakasindi na kandila. Medyo mainit nga ang pakiramdam doon. ""Hoy Cray okay ka na ba?""
""Oo Kriss, anong nangyari ba't nakahiga ako?""
""Nahimatay ka eh, ganyan talaga lahat ng first time dito. Hindi nila kaya yung sensation pero masasanay ka rin kasi babalik ka pa ulit dito.""
""Hoy tumayo ka na diyan at may pupuntahan pa tayo."" Sambit ni Kel na medyo inis na sakin.

Tumayo na ko at naglakad na kaming tatlo. Habang naglalakad kami, ang dami ng tumatakbo sa isip ko. Pano kaya kung panaginip lang to. Parang hindi totoo. At iniisip ko pa rin ang mga nabasa ko sa Internet na maraming mga tao dun na nasusunog. May hinintuan kaming isang kwarto. Binuksan yon ni Kelsorah at pagbungad ko ay nakita ko ang isang malaking logo na gawa sa dugo dahil pula ito. ZK ang nakalagay. Siguro nga ito na yung pupuntahan namin. Pumasok kaming tatlo at nakipagkilala sa mga nandoon.
Kinamayan ako ng isa doon.
""Ako nga pala si Claire.""
""Hello po, ako po si Cray.""

Si Claire pala ay isang babaeng maganda at sexy, parang katulad din ni Krissy. Tinanong ko si Krissy kung sino yun at sambit niya na siya ay isa din na katulad ko at nabigyan ng role ng ZK. Tinanong ko kung anong role yun at sinabi niya sakin na siya daw ay isa na sa mga gumagawa ng deal sa mga tao kapalit ng pagbenta ng mga kaluluwa nito. Nagstutter ako at napaisip. Parang alam ko na na ganun ang mangyayari sakin ngayon na napasok ako dito sa ZK. Tinanong ko si Krissy kung ano bang gagawin namin at inilapit niya ako sa isang libro. Medyo kinabahan ako dahil parang demonic book yun. ""Krissy ano yan? Kinakabahan ako, uwi na tayo, ayoko na.""

Kabadong kabado na ko at nanlalamig dahil ayoko pang mamatay. Siguro kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko, sobrang paranoid na ko. ""Cray, wag kang mag alala, hindi ka namin pipilitin. Ipapakita ko lang sayo ang mga ginagawa ng mga napapasok sa ZK, katulad ko.""
""Krissy pwede ba wag dito? Dun na lang sa dati. Natatakot ako dito eh.""
""Sige Cray, ieexplain ko lahat sayo yun. Tingnan mo muna ang librong to kahit 2 minutes lang."" Ang libro na yun ay exclusive at gawa ng ZK founder mismo. Bali nandoon lahat ng mga pictures ng members mula noon hanggang ngayon.

Ang ZK pala ay isang grupong affiliated na sa hell at maraming kaibigan at kakilalang demonyo. Totoo nga ang sabi ni Krissy noon na grupo lang sila na nagseseek makacontact sa supernatural beings. Pero ang totoo pala ay nagrerecruit talaga sila ng mga tao para sa trabaho kapalit ng kahit anong gustuhin ng tao. Meron din silang mga member kahit sa ibang bansa. Medyo kinabahan na ko kaya sinara ko na ang libro dahil may nakita akong mga ritual pictures na patay na mga tao.

""Krissy balik na tayo please?""
""Sige Cray tara na. Kunin mo yung blade.""
Hiniwa niya ulit ang palad niya at nagchant ng Latin na naman at after nun katulad nung pagpunta, pinapikit niya ako at sumakit uli ang ulo ko. After 2 minutes, nakabalik na kami sa room sa HQ ng ZK at medyo naluluha na ko sa takot.
""Krissy ano to? Bat ang sabi mo sakin diba hindi naman ganito?""
""Cray sabi ko nga sayo hindi kita pinipilit. Bihira lang ang ganito at pwede kang maging mayaman kaagad at mabusog yang curiosity mo sa lahat ng malalaman.""
""Krissy uuwi na muna ako. Gusto ko na magpahinga.""
""Sige tatawagan kita ulit bukas.""

Sinamahan niya ako palabas na medyo malungkot ang muka pero ako takot at kaba pa rin ang nasa dibdib ko. Nakauwi na ko at doon nako nasiraan ng bait. Napakadaming pumasok sa isip ko. Tama kaya ang ginawa ko? Totoo ba talaga yon? Yun na nga ba ang impyerno? Magtatrabaho ako sa ZK? Yayaman ako? Matutulungan ko na ang magulang ko? Yan lamang ang pumasok sa isip ko. Hibang na ko at binuksan ang ref at uminom ng beer at nalasing. Medyo nagugulo ang isip ko at mas nangingibabaw ang pagsali ko kesa sa pag ayaw sa ZK. Ikaw ba nga naman yayaman ako at magkakaroon ng maraming pera. Matutulungan ko na ang magulang ko at hindi na kami magiging mahirap uli. Pero yan. Yan ang pinakamaling desisyon na ginawa ko sa buhay ko.

Pasensiya na pero hindi ko na muna matutuloy ang istoryang ito dahil sa mga sumunod na nangyari. Habang tinatype ko ang storyang ito ay maraming luha na ang pumatak sa keyboard kaya please hintayin niyo. Maraming salamat Spookify.

Cray

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon