Buhay ang Kapalit

1.1K 18 0
                                        

Buhay ang Kapalit

Hi! I'm Ren 😂 Sana magustuhan nyong basahin ang kwentong kababalaghan ng buhay ko. Laking probinsya kasi kami. Bata pa lang ako, namulat na ako sa kababalaghan. Si ate EL, panganay kong kapatid. May kakayahan syang makakita ng di mga ordinaryong tao o katawang lupa. May malaki kasi syang pulipod sa likod nya. IDK kung ano pa pwede itawag sa PULIPOD, basta ayun yung balahibo na paikot na nasa likod na akala mo ipu-ipo yung style. Sabi kasi ng matatanda, kapag may ganun ka raw, may 6th sense ka.

Noong bata pa lang ang ate ko na ayon sa kwento ni mama, meron daw kaibigan ang ate ko na di nakikita ng ordinaryong tao. Palagi raw nitong binabantayan ang ate ko laban sa mga masasamang elements na gustong kumuha sa kanya.  Sinabi daw ni ate EL Kay mama na kung papayag daw si mama na yumaman ang pamilya namin, yayaman daw kami kaso ang kapalit daw nun ay ang ate ko. Syempre, hindi pumayag si mama. Di bale na daw maghirap basta buo kami. Sabi rin ni ate, may ipapalit na katawang lupa naman sa kanya. The way she is, it is still the same when it comes on the outside appearance pero di raw magagaya nito ang ugali nya. Kinilabutan daw si Mama nun at talagang hindi daw sya pumayag. Sabi rin ni ate, pagdating daw nya ng 18yrs old, kukunin daw sya ng mga elemento. Sa takot ni mama na mangyari yun, may pinuntahan syang tao at pag-uwi nya ay may dala na si Mamang pangontra. Laging dala yun ng ate ko.

Habang lumalaki ako, mas namumulat ako sa kababalaghan.
May weirdong lalaki sa lugar namin na laging may butong dala na magkakarugtong na ginagamit nyang sinturon. Anting anting ata yun o ewan. Basta lagi nyang suot yun. Hanggang sa nalaman namin na patay na sya. Dahil sya daw ang nagturo sa mga mahilig mag-gold mining ng gintong kinalalagakan nito. Tinatawag namin itong kweba, na kung saan napatunayan ngang may ginto dahil may nakuha ngang ginto ang mga gold miners. Sa curiosity naming magkakapatid at magpipinsan, pinuntahan namin yung kweba at nakita pa halos namin ang tipak ng mga bato na kung saan ay excess pa ng ginto o yung pagkapit ng ginto sa bato.

Isa pang nangyari ay ang pagkawala ng pinsanin ni Tatay. Tawag namin ay si Lolo. Namatay si lolo dahil sa engkanto umano. Dinala pa nila ito sa doktor pero negative ang mga results ng examination dito. Kaya kinonsulta nila ito sa albularyo. Sabi umano ng albularyo ay naengkanto daw si Lolo. Nagkaroon kasi ito ng bukol sa braso nito. Sabi pa ng albularyo, naapakan daw ni lolo sa braso ang reyna ng mga engkanto kaya gumanti ang mga ito. Sa palayan kasi nakatirik ang bahay nila Lolo, may malalaking punong kaimito. Dahil nga naiwang nag-iisa ang asawa ni Lolo. Inampon ng asawa ni lolo ang pinsan namin at pati ako. Nanirahan ako pansamantala doon. Weird lang dahil tuwing hapon na umuuwi kami sa bahay ni lolo lagi akong may naamoy ng sigarilyo. Nagtataka ako dahil tatlo lang kaming babaeng nakatira doon at walang naninigarilyo sa amin. Andami kasing puno na nakapaligid sa bahay. Habang tumatagal ako doon ay nasasanay na ako. Minsan pumupunta sila mama at tatay sa bahay dahil nagsasaka sila sa palayan ni Lolo. Hanggang sa nalaman ko na lamang na gusto na akong ibalik ni Lola sa bahay namin, dahil natatakot daw ito sa akin. Nakikita raw nya kasi ako na laging nakatulala. Which is, hindi naman totoo. Lagi akong kumikilos at never na tumengga sa isang lugar at tutulala na lang. Pero lagi nga daw akong tulala. Kaya naman umuwi na lang ako sa bahay namin. Pinili ko na lang din na bumalik samin dahil nga sa mabahong amoy ng sigarilyo na lagi kong naaamoy.

Isa sa pang pangyayari ang nakagulat sa akin. Sabi ng ate ko sa mama ko, may nag-aalok daw sa kanya ng ginto. Ginto na nakalagak sa kamagong tree. Isa itong puno na nakatayo medyo malayo sa batuhang dinadaanan namin. Dahil nga nasa probinsya kami, magkakalayo ang bahay. Inaalok daw si Ate na kunin na ang ginto dahil nahihirapan na raw bantayan ito ng tagapagbantay. Ang kaso lang, dapat kukunin ang ginto kapag alas dose ng gabi. Gusto mang patulan ni mama, pero natatakot sya dahil nga alas dose nga ng gabi kukunin. At mayroon na namang gold miners na kumuha ng ginto sa kamagong tree pero lahat sila ay namatay. Sabi pa ng ate ko, hindi daw makukuha ng mga gold miners ang ginto dahil bumaon na ito. Balita pa namin, habang hinuhukay ng mga gold miners ang ginto, tubig lang ang lumabas. Sa kasamaang palad, pinutol nila ang puno ng kamagong. Hanggang sa isa isang namatay ang nagbalak humukay sa ginto.

Nasa bakasyon kami nila mama, ako at ang kapatid kong bunso sa asawa ng kuya ni mama. Pero namatay na ang kuya ni mama dahil naengkanto rin ito. Ayon sa kwento ng asawa ng kapatid ni mama, nangingisda daw ang kuya nya at sumisid ito sa dagat. Sa pagsisid nito ay may isda raw na napakaganda na pilit lumalapit sa kuya ni mama. Hindi raw ito pinapansin ng kuya ni mama. Makulit raw ang isda at hinuli na nga ng kuya ni mama. Di raw nagtagal, nag-iba raw ang kondisyon ng katawan ni Tito na ikinamatay nito.
Sabi ng asawa ni Tito, dinala raw nya si Tito sa albularyo pero ang sabi ng albularyo, hindi na raw si Tito ang nasa kanyang katawan. Pinalitan na raw ito ng engkanto. At ang katawang spiritual ni Tito ay kinuha na ng engkanto sa dagat. Mahirap daw labanan ang engkanto ng dagat kaysa lupa dahil higit daw na mas malakas ang engkanto ng dagat kaysa lupa.

Nagtagal kami sa bakasyong iyon. Kinagabihan, naisipan kong maghugas ng pinggan, dahil nga probinsya iyon at kalapit pa ng dagat, ay walang kuryente pag gabi. Naghuhugas ako ng plato nun at isang bunsol lamang ang gamit ko para magkaliwanag. Napatingin ako sa isang putol na puno, pagtingin ko ay may taong nakaupo doon at walang ulo. May manggas ang suot nitong damit. Sa takot ko, binilisan kong maghugas at pinagpawalang bahala na ang nakita ko. Kinabukasan kinuwento ko kay Mama yun, sabi ni Mama ay baka raw si Tito ang nakita ko dahil mahilig raw itong magsuot ng may manggas.

Habang nanduon pa kami ay pumunta si Mama sa kabilang pook para bisitahin ang isa pa nyang kapatid. Kaya kami lamang ng kapatid ko ang naiwan sa bahay ni Tita. Sakto ay wala rin si Tita at ang mga anak nito. Nakahiga ako sa sofang kahoy noon, nang  makita ko ang bunso kong kapatid na pumasok sa isang kwarto (hindi yun pinapapasukan). Hinihintay kong lumabas yung kapatid ko dahil pagagalitan ko nga kasi nga bawal nga daw sa kwartong yun. Pero walang kapatid ko na lumabas sa kwarto at ipinagtaka ko, pumasok sa unang pintuan ung kapatid ko galing sa labas. Tinanong ko sya kung pumasok sya doon sa kwarto pero hindi daw sya pumapasok doon. Nasa labas daw sya nun. Pero alam ko na kapatid ko talaga ang pumasok dahil kung anong damit na suot ng pumasok ay sya ring suot ng kapatid ko. Sinabi ko kay mama yun. At ang sabi ni mama, baka daw may gumaya sa kapatid ko. Buti na lang at hindi ko sinundan ang kapatid ko.

Madami pang nangyari sa buhay ko na masasabi kong nakakatakot pero ngayon na I'm old enough, nalalabanan ko na masyado ang takot ko sa kababalaghan. Katunayan, meron pa kong karanasan pero tsaka na lang yung iba. Masyado ng marami ang nailathala ko.

Sa may mga clue kung sino ako, please don't mention my name 😁
Salamat sa pagbasa ng kwento ko na naranasan ko nung bata pa ako.

Ren

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon