Sisters Of Mary School

995 14 0
                                        


Share ko lang po yung story na to sana ma post if mabasa man kung hindi dun nalang sa pinasa niyong email hahaha

It's one of my compilation na naisend din saken ng readers ko sa wattpad na interview ko pa siya dati 🙂

Tittle : Sister's Of mary School

Itago na lang naten siya sa pangalang Cris na nanggaling sa Sister's of mary school Girl campus sa dasma cavite

Sa school na to para sa high school para siyang foundation na hawak ng mga madre for four years walang labasan yun hanggang sa grumaduate sila

May kanya kanya kameng kwarto , bale sa isang kwarto tatlo kame

Isang gabi , almost 11 na yun ng gabi ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan , at dahil sa hindi ako takot noon sa mga creepy thingy na yan pumunta ako sa cr na matatagpuan sa ground floor pa ng school building. Kung matatakutin nga yung maglalakad sa hallway baka di na siya tumuloy kase papatay patay yung ilaw

Ng makapunta ako sa cr bumukas yung pinto ng isa sa cubicle tapos lumabas ai sister marisa (di niya totoong pangalan) so nagtaka ako kase bakit dito pa siya nag cr e may kanya kanya naman silang cr sa kwarto nila unlike sa kwarto namen. Nag goodevening lang ako sakanya pero di niya ko pinansin, agad naman akong pumasok sa cubicle para gumamit

Pag labas ko ng cubicle nakita ko siya sa labas ng cr na nakatayo lang di ko na siya pinansin kase inaantok narin ako naglakad nako paakyat ng school building

Pero isang tao ang di ko inaasahang makita .. Si sister maris kakalabas lang ng kwarto nila so tinanong ko parin siya kahit na alam kong imposibleng siya yung nakita ko kanina e wala namang ibang daan paakyat ng building kundi yung dinaanan ko lang alangan naman sa fire exit e nasa likod pa yun ng school tapos iikot kapa sa isang subdivision para makapunta doon

Natakot nako ng sabihin niyang kakalabas niya lang at mag iikot na sana na karaniwan niyang ginagawa tuwing gabi para icheck yung mga rooms

Then yun. Totoo nga palang may mga kababalaghan na tulad nun.

I hope na sana mabasa niyo ang munting karanasan ng readers ko 🙂

Yung mga next kong sharing sa email nalang na binigay niyo
Thanks in advance 🙂

Mhark
Parañaque city

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon