May matalik akong kaibigan, mabait at matalino. Pero Simula nang masaksihan naming mismo ang panloloko ng long-time BF nya, napakarami ng nagbago sa kanya. Lagi syang nagkukulong sa kwarto at lagi lang tahimik.Paglipas ng halos isang buwan, bigla na lang syang nagbago uli, kabaligtaran ng dati na laging simangot eh madalas na syang tumatawa kahit pa walang dahilan. At naweirdohan talaga ako nung makita ko mga movies na nakalagay sa laptop nya, puro demonic, horror at suicide na genre lahat.
2 araw makalipas nang makita ko ang mga yon, bumisita ako sa bahay nila, gaya ng nakagawian ay dumiretso ako sa kwarto nya dahil mag-isa lang naman syang nakatira sa bahay na iyon na nirentahan lamang.
Pagbukas ko ng pinto, iyak na lang ng iyak nagawa ko nang makita ko ang kaibigan ko na napakaputi at nakabigti. Sa harap nya at ang kama nya kung saan paulit-ulit na nag-pe-play yung kakaibang video "suicide mouse" ang title.
Hindi ko alam kung ano nga bang nagtulak sa kaibigan ko para magpakamatay, pero alam kong may kinalaman yon sa video na nagplay sa laptop nya. Hinding hindi ko na pinanuod kahit kailan ang video na yon, dahil isa iyong dahilan sa pagkitil ng buhay ng pinakamamahal kong kaibigan.
*Guys, kung malungkot kayo, emotional, o may suicidal tendency, wag na wag nyong panunuorin yung video na yon.
Unknown
