The Juan Luna's Code

942 14 2
                                        


"Bago nyo po sana basahin, sana alam nyo po yung meaning ng painting na Spolarium ni Juan Luna.
Graduating student ako ngayon sa kursong BSIE major in Art Education. So etong kwento ko nangyare last year nung nagsimula na kaming mag student teacher nung 2nd semester. After ng last class namin mga 3:00, medyo maaga pa nun kaya nakakatamad pang umuwi. Niyaya ko yung gf ko na pumunta sa National Museum (dun sa building na may art galleries) para mamasyal muna at date nadin syempre tutal walking distance lang. Pumayag naman sya kasi wala naman kaming gagawin. Actually nakapunta nadin kami ng ilang beses dun, ako lang talaga yung nag iinsist na pumunta ulit kasi gusto ko tignan ng mabuti yung mga paintings dun kung paano yung style nila especially sa portrait kasi nagpapaint ako and mahilig talaga ako sa paintings. Hindi naman kami mabobored dun kasi parehas kami Art Ed ng gf ko. So ayun na nga nakarating kami ng quarter to 4 sa museum. Kung hindi ako nagkakamali, may something that week kaya libre yung entrance fee (na ngayon ay libre na talaga). Sa mga di pa nakakapunta sa National Museum, ang bubungad sainyo is yung sculpture na gawa ni Guillermo Tolentino  then konting lakad lang paunahan makikita mo yung main attraction doon, ang “SPOLARIUM” by Juan Luna. Ito lang naman yung pinakamalaking painting sa Pilipinas. Kahit ilang beses ko na nakita yun, naaamaze padin ako kasi ang ganda talaga. Tapos yung frame nya may kadena pa, yun yung part na maraming nagpapapicture. So after nun nagikot ikot na kami para sa iba pang paintings, nagmamadali na ako kasi 5:00 and close ng museum. Hindi naming nalibot lahat kasi closing na, sinasara na ng bawat bantay sa gallery yung room kapag wala ng tao. Oras nadin para umuwi kasi 5 na at marami nading gallery ang sarado so babalik ka ulit sa may lobby pero madadaanan mo syempre ulit yung Spolarium. Konti lang kaming tao natira that time siguro mga 7? Kasama kami ng gf ko. Nagpipicture yung mga group of students nayun sa Spolarium tapos kami tinitingnan lang naming sila. Tapos may lumapit na babaeng bantay sa grupo ng mga studyante na malapit samin. Sabi nya samin “Gusto nyo picturan yan ng patay ang ilaw? (tinutukoy nya yung Spolarium at yung ilaw naman ay yung ilaw na na nasa taas ng mga painting para makita mo ng maayos) kasi mas maganda yang picturan kapag patay yung ilaw.” Kami naman napakunot lang yung noo, kasi ang weird lang? Anu naman mangyayari?  So pinatay nya na yung ilaw at pinicturan naming lahat yun. Makikita mo sa painting ng Spolarium na naemphasize yung mga gladiators na kinakaladkad saka yung humihila sa kanila pati nadin yung babaeng umiiyak. Yung mga tao sa may hagdan na nagaabang para kunin yung mga gamit ng talunang gladiators, hindi mo makikita. At heto na nga yung creepy na part. Biglang lumapit yung isang babaeng bantay dun sa babae na nagpatay ng ilaw. Sabi nya “Uy! Bakit mo pinatay yung ilaw!?” tapos tumakbo sya papuntang switch para buksan ulit. “Diba kabilin bilinan sa atin na wag papakuhanan ng picture kapag patay yun ilaw?! Sabi ni ate tas sinabihan kami “Nakuhanan nyo po ban g picture yung painting? Nakikiusap lang po ako na pakibura napo yan please. Hindi po pwedeng kumalat yang picture nayan kasi kami po ang malalagot pakiusap nalang po”. Natahimik nalang kaming lahat dun, nung nasa lobby na kami para kunin yung bag, nagtanong ako dun sa babaeng nagsabi samin na idelete ang pic. Tinanong ko kung bakit bawal picturan yung painting kapag patay ang ilaw? “Basta ho. Di pwede sabihin, sumunod nalang ho kayo.” Suplada nyang sagot. Pati yung babaeng studyante na katabi ko na nakuhanan nya sa dslr yung painting tinanung nya din kung bakit pero pareehas lang nakuhang nyang sagot. Paglabas namin ng museum, kinikilabutan ako sa nangyari nayun na hanggang paguwi iniisip ko padin. Sabi ko baka may parang Da Vinci Code dun sa painting or bka may multo dun hahahaha. Kayo try nyo pumunta ng 1 hr before magclose yun at mag stay kayo sa part nay un, malay nyo kayo maka alam ng code.
PS: Di namin dinelete yung pic pero di namin inupload. Tinitignan lang naming ng maiigi kung anu bang meron sa painting na di dapat naming makita. Ngayon wala na sakin yung pic pero nag search ako that day kung may pic sa google ng Spolarium na patay yung ilaw, merun naman kaya nagtataka ako.

Jen
Las Piñas

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon