Babae at Batang Lalaki

1.4K 20 0
                                        


Hi admin sana mapost ito.
Silent reader ako dito pero gusto ko ding magshare ng experience ko.

Nung high school ako madalas puro paramdam lang ang nangyayari sakin lalo sa school noon. Pero nung nagcollege ako nakikita ko na sila, minsan nakakasalubong. Minsan nakamasid lang sayo sa malayo tapos biglang mawawala. Di ko alam di ako ganoong natatakot pero ayokong maexperience yung bigla na lang manggugulat.

So ito na nga.
Teacher ako sa isang school noon. It happened, if I remember nito lang July. Syempre di maiiwasan ang may maka close kang bata. Sabihin na natin favorite. Pero hindi ako konsintidor na ipapasa ko na lang basta basta kasi close ko nga.

Anyway, inaya ko ng bata na to sa kanila to make some chikas. Nung makarating na ko sa kanila nag iba pakiramdam ko. Pagpasok ko pa lang sa kanila may nakita akong bata na tumakbo papunta sa kwarto nila.(Alam naman ng mag aaral ko na nakakakita ako kahit sa school.) Tinanong niya ko kung may nakita ko at sinagot ko lang siya ng oo. Natakot na siya. Sabi ko na lang wag pansinin kasi naglalaro lang.

So ayun nagkwentuhan na kami. Nang medyo napapasarap na sa kwentuhan nakakita na naman akong matandang babae sa kusina nila nakatingin lang samin nagmamasid. (By the way pahaba kasi yung bahay nila kumbaga pagpasok mo ng front door, sala tapos lakad ka pa kusina na then left side dalawang pinto ng kwarto. Sa kanya at lola niya) After that napahinto na kami sa kwentuhan. And she asked me kung nakita ko daw ba ulit yung bata. Sabi ko hindi, babae nakita ko. Naka bestidang kulay puti. Dun na siya napatayo at napasigaw. Sabi ko wag siyang maingay kasi baka magalit yung matanda. After naming tumahimik biglang nawala yung matanda pero biglang may tumalbog na pulang bola galing sa kwarto niya. Lalo siyang nagsisisigaw kasi di naman niya alam kung paano nagkaroon ng bola galing sa kwarto niya, wala naman daw siyang kahilig hilig maglaro ng bola. Doon na rin siya nag ii-iyak. Hanggang sa di ko na siya mapatahan hinintay na lang naming dumating ang lola niya at kinuwento ang nakita ko.

Doon ko nalaman na mama niya at kapatid niyang bunsong lalaki ang nakita ko. Namatay daw parehas dahil sa aksidente. Nabunggo ng isang rumaragasang pampasaherong jeep sa tapat ng bahay nila. Pauwi na daw kasi sila nun ng bigla silang sinalpok nito. Sinabi din namin yung pulang bola na nakita namin, paborito daw na laruan ng kapatid niya yun at di na din daw nila nakita nung nailibing na ang mama at kapatid niya.

Ps. Guys naniniwala ako na di lahat ng nakikita natin buhay.

Bebe
Bulacan

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon