BUNTIS

1.4K 20 1
                                        


Ako po ay si Kayle, nakatira sa Rodriguez, Rizal. Eto pong storya ay ikwinento ng aking ina.

Tatlo po kaming magkakapatid, yung dalawa ko pong kapatid, kambal sila. Tinanong ko yung mother ko kung bakit may nakalibing sa katabi ng puntod ng lolo ko na malapit at medyo kahawig ng pangalan ko.

Sinabi niya na dapat may kakambal daw ako, kaso ito ay namatay, pero sa awa naman ng Diyos pinalitan ito at ibinigay ang mga kapatid ko.

February 27:
Nagla-labor na si Mama sa akin at sa kapatid ko sana, sinabe niya pa nga nun na kumakain siya ng dinuguan at puto at paparesan nya pa ito ng Chuckie, kaya daw ako maitim 😑 Sobrang takaw daw ni mama noon sabi ni papa, lagi siyang humihiling ng pagkain at agad naman ito ibinibigay ni papa. At sa hindi inaasahan, tinawag si mama ng kalikasan (nadudumi).

Naka-admit daw si mama hospital dito sa Rizal, kapag nadadaan nga kami sa Hospital na iyon tila sobrang tanda na ito.

Nang madudumi na nga daw si mama, tinawag niya ang papa ko para tulungan siyang i-angat sa pagkakahiga niya at gabayan na din papuntang cr. Kaso nga daw sira ang pintuan nung cr dun sa kwarto ni mama kaya sa labas pa siya nakapag-cr.

Hindi na pwedeng samahan ni papa si mama sa cr, kaya nasa labas na lang si papa nagbabantay. Nung pagpasok daw ni mama sa cr tila daw may matang nagbabantay sa kanya. Kaya binilisan na lang ni mama ang pagpunta sa cubicle at ginawa na ang oplan tae ni mama. Hindi niya inaasahan na lalabas na pala kami ng kambal ko, kaya sa sobrang sakit daw sumigaw daw siya at agad daw siyang pinuntahan ng nurse at inalalayan. At isa nga lang daw yung nakaligtas sa amin, at ako yun (malamang). Tapos naglakad na si mama palabas ng cr, dala-dala niya kaming dalawa ng kapatid ko at umiiyak.

Paglabas niya nagulat si papa dahil nanganak na si mama, nagalit pa si mama dahil bakit hindi man lang niya tinulungan si mama. Sabi ng papa ko, wala naman siyang narinig mula dun sa cr kaya nasa labas lang siya naghihintay. Sumbat naman ni mama na bakit may nurse na umagapay sa kanya habang nanganganak siya. Tinanong niya pa si papa kung may nurse daw na tumatakbo palabas ng cr para humingi din ng tulong. Sabi naman ni papa na wala. Kaya nagkatinginan sila ni papa at umiyak dahil nawala ang kapatid ko.

Nakita pa ni mama yung name plate nung nurse, may nakalagay na ""C. Cortez"". Pinagtanong nila mama kung sino nga ba yun o anong ganap niya sa ospital na yun. Sabi ng iba nasama daw siya sa nasunog na emergency room dati.

Siguro, kinuha yung buhay ng kapatid ko upang matahimik na siya, ipagpray na lang po natin.

PS. Wag dudumi mag-isa sa ospital. Magpasama ka sa mga kaibigan mo.

Kayle

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon