Hope it will be posted admin. Hanggang ngayon kinikilabutan pa din ako dito. Madami pa kong kababalaghan na naranasan pero ito ang pinakaunang tumatak sa isip ko.It was way back 2013 nung nangyari sa'kin 'to. Nagcamping kami sa isang paaralan dito sa aming siyudad. Noong una, okay lang naman. Wala akong naramdaman na kung ano pa man pero habang tumatagal, may mga bagay na akong nararamdaman dito.
Gabi noon. Naliligo kami ng mga kasamahan ko sa banyo sa second floor. Ito lamang yung oras na binigay nila para makaligo kami. Bilang matatakutin, nagmamadali akong maligo. Habang nagbibihis ako, may naririnig akong sumisitsit sa akin. Hindi ko pinansin yun dahil baka pinagtritripan lang ako ng mga kasama ko. Pagkatapos kong magbihis ay diretso labas ako ng banyo at nagulat ako nang makita ko na ako nalang pala ang mag-isa sa second floor. Nairita ako kasi iniwan ako ng mga kaibigan ko. Bago pa man ako makarating sa hagdan, may narinig akong umiiyak. Lumingon ako at may nakita akong bata sa may dulo ng hallway. Hindi naman talaga kasi ako naniniwala sa multo kaya baka inisip ko na anak siya ng isang teacher kaya hindi ko pinansin at nagmadali nalang akong bumaba. Pero habang nasa hagdan ako, palakas ng palakas ang iyak niya.
Kinabukasan, ihing-ihi ako. Dahil sa nangyaring insidente kagabi, nagpasama ako sa kaibigan kong si Lyn (hindi tunay na pangalan) mag-cr. Noong panahon na 'yon, mayroon akong buwanang dalaw. 'Di ako yung tipo ng babae na lalabas sa cubicle nang hindi nakakapagbuhos ng toilet dahil naaasiwa ako sa itsura at amoy ng ihi ko. Bago pa man kami makapanik sa second floor ay may nakita akong nakadikit sa dingding. May nakalagay na short bond paper at picture ng isang babae. Binasa ko iyon at nakalagay na missing person pala iyon. Nagtaka ako dahil bakit sa paaralan ay may ganun. Pero hinayaan ko nalang.
Sa cr, nakalimutan kong magdala ng tabo. Medyo malayo ang kuhaan ng tubig kaya nagpakuha ako kay Lyn ng tubig. May kumatok sa cubicle ko at nakita kong hindi si Lyn yung nag abot sa'kin ng tubig. Pamilyar yung mukha nung babae. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin. Nagpasalamat ako at inabutan niya ako ng tubig. Bago ako lumabas ay sinilip ko ang mga cubicle sa cr pero wala namang tao. Inisip ko na baka lumabas na si ate.
Paglabas ko, naabutan ko si Lyn na nagsasalamin sa labas. Tinanong ko siya kung nakita niya yung babae.
""Ha? Anong babae? Walang pumapasok diyan."" Tanging tugon niya.
""May nag-abot sa'kin ng tubig. Hindi naman ako baliw para may makitang di dapat noh.""
""Seryoso, wala talaga. Wala akong nakita. Edi sana kung may pumasok diyan edi nakita ko dito sa salamin?""
May mahabang salamin kasi sa labas ng cr at tama si Lyn. Kung may papasok nga naman dun ay makikita niya na dumaan sa salamin.
Takot na takot kaming bumaba. Ngunit bago ako makababa, napatingin ulit ako dun sa missing person na nakapaskil sa may hagdan.
Namutla ako sa nakita ko....
Kasi yung babaeng nasa picture at yung babaeng nag-abot sa'kin ng tubig ay iisa.
Shingshangfu16
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)