Hi. Tawagin nyo nalang akong Luna. Short for Lunatic. Tutal lahat naman sila baliw ang tingin sakin. Sasabihan pang magpatingin na daw kuno ako sa mental baka may mental issue na daw ako. No. I don't suffer from insanity I enjoy every moment of it. Saka I don't need medication the problem is in the nation. Porket ba hindi nyo kami maintindihan kami na agad yung may problema? O sadyang sarado lang ang mga isip nyo. Porket ba hindi nyo kami maintindihan kailangan na naming baguhin ang mga sarili namin? Hell no. Siguro yung iba. Pero hindi ako. Hindi ako baliw. May dahilan kung bakit ko ginagawa toh. Ang problema nyo lang. HINDI NYO MAINTINDIHAN YUN. Nung kinder pa ako binu-bully ako ng pinsan ko at yun napikon na kaya sinakal ko sya. Oo sinakal ko talaga sya ng matindi sabi nya sakin "T-tama n-na hind-di n-na ako maka h-hinga" kaya ayun bintiwan ko sya. Hindi dahil sa naawa ako sakanya. Gusto ko lang talagang makita syang hinahabol yung hininga nya na parang yun na ang huli. Awa? Meron pa ba ako nun? Sa tingin ko wala. Lumaki akong ilag sa mga tao hindi dahil natatakot ako sakanila. (Ako dapat katakutan nila) Sadyang bwisit lang ako sakanila. Nakaka init ng ulo. Sarap tanggalan ng mga ulo eh. Kaso pinapaaral ako ni mama sa isang public school. Nung Grade 7 ako ayun binubully na naman ako. Mukha daw kasi akong bangkay na naglalakad. Eh hindi naman ako maputla. Morena nga ako. Ang babaw talaga nila. Tch. At ang dami pa. One time nung nasa likod akong ng classroom dahil nga mas gusto kong mag isa. Pinag tripan ako nung isa kong babaeng classmate at yung mga kaibigan nyang taga ibang section. Binuhusan nila ako ng napakalamig na juice. At dahil ako yung klase ng taong ayaw sa malalamig ayun nag init na yung ulo ko. Pinag sasabunutan pa nila ako nun kaya yung babaeng classmate ko na leader nila? Ayun hinila ko yung kwelyo nya at tinulak sya nang pagkalakaslakas sa may pader tumama yung mukha nya sa pader. Ta's sinipa ko sya sa may tyan at sinuntok ko sya sa mukha. Dumudugo na yung ilong nya nun. Yung mga kasama naman nyang babae pinipigilan ako pero pinag wawakli ko lang sila. Yung classmate ko umiiyak na at nagmamaka awa sakin na itigil ko na yung ginagawa ko sakanya. Hindi ko pa kasi tinigilan kakasuntok. Ang dami nang dugo sa mukha nya. Mas gumanda tuloy sya. Kasalanan din nya. Kung hindi nya ako tintripan hindi ko rin sana sya pag ti-tripan. Sabi ko sakanya "Ano iniiyak-iyak mo jan?! Tayo! Labanan mokong pabebe ka! Lampa ka naman pala. Mahina ka!" sabi ko sakanya at tiningnan yung mga kasama nyang kanina lang ay pumupigil sakin. Lahat sila di maka tingin ng diretso sakin at ako naman umalis na. Simula nun lagi na akong napapa away. Yung pinaka di ko makalimutan sa mga naging kaaway ko yung lalakeng yun. Naka maskara ako nun kasi, actually hilig ko talagang mag maskara nagkataon lang na nung nakita nya ako eh naka maskara ako. Yung maskarang pang halloween. Yung lalakeng yun. Holduper at ako ang napili nyang biktimahin. Sabi nya malamang "Wag kang sisigaw, akin na yang bag mo" may tinutok sya sakin kutsilyo. Sabi ko sakanya "Hindi ako sumisigaw. Nag mumura ako. Tangna!" sabi ko at mabilis na sinipa ng malakas yung tuhod nya. Kaya napaluhod sya kukunin ko na sana yung kutsilyo nya kaso natapakan nya yung kamay ko. Kaya napamura nalang talaga ako at sinuntok sya gamit yung isa ko pang kamay sa may ilong. Ang dami pang nangyari at sawakas nakuha ko yung kutsulyo mula sakanya. Nasugatan nya ako sa likod pero mas malala yung sakanya. Sinaksak ko sya ng mababaw sa tyan ta's yung skin nya dun eh hinila ko. Para bang binalatan ko yung tyan nya. Pero konti lang naman. Nabalitaan ko nalang na sinugod sya sa hospital.
Hindi ako pumapatay ng tao, pinapahirapan ko lang. Yung tipong para na rin silang namatay. Mwahahaha.
-Luna
