Negative Future II

869 22 1
                                        


Mga nakaraang taon, magkakasama kaming magto- tropa.. Hapon yon, nandoon yung kulitan, asaran, laro ng basketball then ako naman, deretso gym at pagkatapos sa gym, pahinga konti, ligo, balik dun sa tambayan namin (walang pasok kaya nakakapag liwaliw :3 ). Konting kwentuhan ulit, hanggang sa nagkaplano na pagkatapos maghapunan eh magkikita ulit at aalis at dadayo kami ng paglalaro ng DOTA!
(dota? Ano yun? Haha! Joke!)
.
Eto na..
.
Pagkatapos maghapunan, nagkita kita na kami.. Bale 5 kaming aalis.. Tamang pahinga muna ulit dahil busog at pagkatapos nun, umalis na
kami at dumayo sa isang computer shop.. Tamang laro lang kami, pagkatapos ng isang game, labas saglit para magbreak, kain burger, drinks, yosi, at kung anu-ano pa.. And
then, may nagkaayaan ng pustahan! (pera yun! Syempre, sinong tatanggi dun?!) napasabak kami, well, yun
naman talaga yung dinayo namin eh! Haha!
.
Nung natapos yung mga pustahang naganap, out na kami, pero tamang kwentuhan muna sa labas ng shop, mga nangyaring katatawanan, asaran, habang nagkukulitan, binatukan ko yung isang kasama namin dahil muntik nang matalo dahil sa kanya
pero syempre, kulitan lang naman..
.
Eto na ulit! :3
.
Nung pagbatok ko sa kanya, may nakita na naman akong di inaasahan.. -_-
nakita ko na habang naglalakad kaming pauwi, may makakasalubong kaming lalaki na parang senglot kung
maglakad at paglapit sa amin, binangga yung kasama namin (yung binatukan ko), nung paglagpas ng konti, hinablot nung parang lasing yung kasama kong binangga niya at
walang kakurap kurap ay sinaksak niya ng dalawang beses sa dibdib at yung isa ay sinaksak niya sa may ilalim ng lalamunan pataas! -_-
.
Kagaya nung una kong na-kwento na ganitong istorya, naka POV ako dun sa katawan nung kasama namin na binatukan ko na sinaksak sa dibdib.. As usual, damang dama ko yung pakiramdam na parang ang sakit na parang kinurot yung loob ng dibdib mo na parang nanlamig yung katawan na ang hirap huminga.. Ewan, pero yun ang pakiramdam ko nung naka POV ako..
.
Nagulat ako nun sa nakita ko dahil ilang minuto lang ang pagitan at mangyayari na yung nakita kong yun,
natahimik, pinagpawisan, at nakatingin lang ako sa kanila.. Nagkaron ng kantyawan dahil "spaced out" na naman daw ako at biglang nagkaayaang umuwi.. Sabi ko,
"laro pa tayo kahit isang game na lang tapos uwi na tayo.."
kumontra na, ayaw na, tinatamad na.. At nagpupumilit nang umuwi.. At bigla kong sinabing,
"Tara na! Isang oras lang!
LIBRE KO! Pramis!"
syempre, libre! Pumayag agad yung mga unggoy! Haha! Pero yung isang kaibigan ko ay alam yung ibang exp ko about 6th sense o 3rd eye o kung ano pang tawag dun kaya nagtanong siya sa akin kung bakit parang kakaiba daw kinikilos ko.. Na all of a sudden eh manlilibre ako kahit nanalo kami sa pustahan at ipinilit kong maglaro pa kami kahit
naumay na kami.. Ngumiti lang ako at sagot ko na,
"mamaya kwento ko sayo o baka mamya makita natin.. ^_^ "
.
.
Sa totoo lang.. Bothered na ko dahil alam ko na ang mangyayari..
.
Eto na, natapos na kaming maglaro, super umay na.. Kwentuhan ulit habang pauwi, inopen ng friend ko (yung may alam na kung anung meron ako) kung ano ba talaga ang nangyare o nakita ko.. Nagtaka sila at naka focus sila sa akin.. Ako naman, dahil no choice, well, kaya no choice dahil ibinunyag nung friend ko na may nakita ako.. Yun na nga, kinuwento ko yung mga nakita at nangyari.. Gulat sila, nung una tatawa tawa pa pero nakita nilang seryoso ako kaya nanahimik na at nakinig.. Sinabi ko kung sino yung mga matitigok at saang lugar mangyayari..
.
Nung natapos akong magkwento, umuwi na kami, habang naglalakad kami pauwi, may nakita kami na madaming tao at may mobile pa ng pulis, umusyoso kami at yun na nga, may dalawang lalake na naka bulagta na may tama sa dibdib at yung isang lalake ay sa may lalamunan..

Yung mga kasama ko nun, nangilabot dun sa nasaksihan nila at ako naman, nalungkot din dahil yun nga, may nasagip nga akong buhay pero may pumalit sa pwesto nila..
.
Hays..
.
Anyway, yung nagtrip na nanaksak eh di namin naabutan dahil naidala na sa presinto bago pa namin madatnan yung crime scene..
.
Yun ang sabi nila..
.
.
Yan na po yung isa pa sa "negative future" experience ko.. Di ko alam kung naintindihan niyo or what coz (and again) im not a writer.. Na encourage lang akong magshare ng experience here..
.
Mamatz ulit kung nagustuhan
niyo itong panibagong post ko
na ito..

-PuzsyLover
Antipolo

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon