Nasa isang school ako. Doon ako naassign na magturo sa mga bata. Tuwang tuwa ako nun syempre. Mahilig kasi ako sa mga bata. Yung room ng mga batang tuturuan ko, nasa 5th floor. Habang paakyat ako ng hagdan, may mga estudyante akong nakitang naglalaro sa hagdan. Nagtatakbuhan sila. Hanggang sa isang bata ang dumulas sa hagdan. Nagpagulong gulong siya pababa. Sa sobrang gulat ko, napatigil ako sa pag-akyat at sinundan yung bata sa pagkakalaglag. Ang nakakagulat lang, wala siyang sugat. Tinanong ko kung okay lang siya, ang sagot niya oo. Ang mas ikinagulat ko, nakatayo agad siya at tumakbo ulit. Hindi ko nalang pinansin yun at tumuloy na ko sa 5th floor. Natapos ang buong araw ng pagtuturo ng maayos. Nang kinagabihan na, nagpunta na kami sa isang malaking bahay. Lahat ng nagturo kanina ay doon tutuloy. Pagpasok ko palang sa malaking bahay, iba na agad yung naramdaman ko. Sa sobrang pagod umakyat na agad ako sa second floor. Napakalaking kwarto ang nandoon. Sa dulo ng kwarto isang malaking kama ang nakalagay. Kulay pula ito. Marami kaming natutulog doon sa kwarto. Dinalaw rin agad ako ng antok kaya mabilis akong nakatulog. Nagising ako sa sigaw ng mga kasama ko. Napabangon ako sa gulat. Isang demonyo ang nagmula sa sahig. Hindi ko alam kung paano o bakit pero doon siya nanggaling. Takot na takot ako noon. Padami sila ng padami. Nagdasal na ang mga kasama ko. Hindi ko sila masabayan sa pagdadasal kaya sakin lumalapit yung demonyo. Sa sobrang takot ko nagdasal ako ng ibang dasal hanggang sa mawala sila. Hindi ako makatulog sa sobrang takot hanggang sa nandyan na naman sila. Ang mas nakakabigla pa isang demonyo ang napunta sa likod ko. Tinalian niya ang leeg ko. Takot na takot ako at hindi makagalaw. Kaya nagdasal ako. Nagdasal ako ng nagdasal pero sinasabayan niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pahigpit ng pahigpit ang pagtatali niya sa leeg ko. Pumikit ako at tinuloy ang pagdadasal. Hanggang sa lumuluwag ang tali sa leeg ko. Pero sa bawat maling salitang nababanggit ko, humihigpit ang tali. Nagmakaawa na ako na itigil na yun pero humahalakhak siya, halakhak ng isang demonyo. Tuwang tuwa yung demonyo habang hirap na hirap ako. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Takot na takot na ko. Gulong gulo na ang isip ko. Habang nagdadasal, sumisigaw ako. Doon lumuwag ang pagkakatali. Pero hindi ako tumigil sa pagdadasal at pagsigaw. Hanggang sa tuluyan ng natanggal yung tali at nagising ako. Oo, nagising ako at pawis na pawis. Salamat at panaginip lang ang lahat. Hindi ito ang unang beses na bangungutin ako. Hindi isa, hindi rin dalawa. Kundi tatlo.
Others.
QC.
