Chapter 1 - Leoncello Acting Workshop

363 4 0
                                    

Mataas na pala yung araw, di ko na inexpect na ganitong oras na pala ako magigising. 

Hindi na bale, late naman sya lagi e. Wala naman talagang dapat pag-isipan. Plus 80% of the time eh ganun naman talaga sya kaya no big deal.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa destinasyon ko nung napansin kong pinagpapawisan na ako. Ni hindi ko nga man lang napaghandaan yung init ng araw ngayon eh. Ang aga-aga ng taon eh ganito na kaagad? What gives?!

Nung napaisip na ako na dapat pala ay dinala ko pala yung payong ko e biglang tumunog yung cellphone ko.

'Late ka nanaman! Gising ka na kase!', sabi ng cellphone ko.

Hmmm... I wonder kaya kung sino 'to?

Kinuha ko na kaagad at nakita kong may nag-message pasa sakin.

'Asan ka na ba? Nandito na si Marshall! Susunduin na tayo in 30 minutes!'

Ano kamo?! Marshall?! Nahilo ako sandali, ngayon na ba talaga yon?!

Nagmadali akong tingnan kung ano na bang date sa cellphone ko. Itong mga araw na 'to talaga eh natutusta nalang yung utak ko sa init! Ay sus!

...

January 15?! January 15 na pala?!

Hindi ko na nilagay yung cellphone ko sa bag ko. Hindi ko na rin sinara. Kumaripas na ako ng takbo sa pupuntahan ko. Maraming mangyayare ngayon at we're getting this thing done!

Wala na dapat na masayang na oras! Magaganap ngayon ang dapat maganap!

Wala pang sampung minuto ay nakarating na ako.

Leoncello Acting Workshop. At tamang tama lang din.

Nakita ko si Chelsea nakatayo na sa labas na parang inip na inip. Nakatayo na ata sya rito mula kanina pa. Buti naman hindi sya naiinitan eh ano?

"Ano nang nangyari sayo? Pawis na pawis ka na!" sabi nya sa'kin nung napalapit na sya.

"Oo nga e. Nalimutan ko pa yung payong ko! Alam mo naman ako eh hehehe..."

"Payong lang? Paano mo naman nalimutan kung anong petsa na ngayon? Lumulutang ka nanaman eh! Di magandang bagay 'yan sa mga aspring actresses!"

"Sheesh, chill ka lang. Buti ka nga kanina ka pa nandito eh."

"Kanina pa rin naman ako tawag ng tawag sayo, naubos na battery ko."

Nagduda ako sa sinabi nya at tiningnan ko yung cellphone ko. Aba'y marami na pala syang text at mga tawag sa akin at hindi ko man lang namalayan. Napatingin nalang ako sa kanya. "Eh alam mo naman ako tuwing Sabado... Ice cream and stuff... you know..."

"Eeehhh basta, lika na rito sa loob at magbihis ka na."

Oh well, tama nga naman sya. Merong malaking event ngayon at ayoko naming pawisan ako rito para lang Makita ng mga... nila...

Pumasok na ako para makapagbihis. Pinuntahan na namin yung bihisan at naiwan na si Chelsea sa labas ng pinto.

"Hindi ako magsasayang ng panahon at baka dumating na sila rito," mapagbirong sabi nya sa akin. "Hindi ka na nakakasigurado... alam mo naman na ang times ngayon eh, you never know!"

"Tumigil ka nga dyan, para naming aabutin ako ng siyam-syam ditto," sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa locker room.

Nagtingin-tingin ako sandali sa loob ng locker room at napansin na halos wala na palang tao dito sa loob. Mukhang handang handa na talaga silang lahat... tapos ako nandito palang, magsisimula palang habang iniisip kung saan kami pupunta... saan nga pala kami pupunta...?

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon