-Day 80, Thursday, April 5-
Aaaaahhh... finally naka-higa na ako-
"Hoy panget, sino may sabing pwede ka nang matulog dyan ha? Gising naaa! Rise and shine!"
Bwisit na N.b.F.z. na yan alang'ya kinakatok pa ulo ko. "ANO BA HA?!"
"Bawal ang aantok-antok sa taping! Ako as editor eh hindi ko palalampasin yan!"
Alang'ya nilalakasan pa talaga ang pananalita ah?! "Hoy! Cut it out, magta-taping na kami nung hospital scene ko kaya if you may excuse me, eh mahihiga muna ako rito sa hospital bed ko in complete comfort."
"Baka gusto mong dalin ko rito yung trumpet ko at mag-torotot sa mukha mu."
"Ano ba problema ha? Hihiga lang ako rito habang naghahanda pa sila sa labas!"
"Manila General Hospital 'to, hinde New Life Condo... FYI."
Umupo nalang ako hinarap yung kuya kong epal, "You know what, ano bang cocontribute mo ngayon at nag-iingay ka nanaman dyan sa tapat ko?"
"Yung hospital gear mo hindi pa naka-ayos oh, tingnan mo," sabi nya sabay turo dun sa mga electronics sa likod ko. "Di ba sa bi nila eh dapat on na yan kapag nag-start na? Kulang pa ata renta natin dito sa hospital eh..."
"Ay oo nga ano?"
Nakita ko rin na hindi pa nag-iingay 'tong ECG sa tabi ko, paano ba kasi binubuksan 'to eh-nevermind, nakabukas naman pala.
"Flatline ka na pre..."
"Sinong tinatawag mong FLAT?! HA?! Kita mo yan?! Big girl na ako!"
Nanahimik lang si kuya at tinitigan ako ng masama. "Sa akin mo ba talaga ipagmamayabang 'yan...?"
"Oo kasi mukha kang babae! Eh hehehehehe! Talo ka! You lose! 'Wag ka na kontra! Panalo na ako!"
"Oookaaaayyy... suit yourself-"
"Wait, I think nakuha ko na 'tong gear na 'to. I think ilalagay ko 'to sa forefinger ko." Nilagay ko yung fingertip pulse monitor sa daliri ko at tingnan mo nga naman!
*Beep*
*Beep*
*Beep*
"Wow... napaka-anticlimatic naman nitong bagay na 'to," tiningnan ko yung maliit na device na nakasuksok sa daliri ko, akala ko pa naman may magaganap.
"Inaasahan mo yang bagay na yan maglabas ng paputok-?"
Pareho kaming natigil nung may kumatok sa nakabukas naming pinto.
Oh! Si Danica pala! I thought magsisimula na yung taping.
Nagsenyas ako na pasok sya, at madali naman syang lumakad papunta sakin at mukhang nahiya pa ata kay kuya bago nakarating.
"Ano yon?"
"May balita ako dun sa planning namin."
Planning?! May planning pa ba?! Ang alam ko hindi na ako uma-attend dun sa mga planning nila kasi nga eh... conflicted...
Nung napansin kong bumibilis na yung beeps nung machine sa likod ko eh bigla ko kaagad na tinanggal yung fingertip-ewan-meter-thingy ko at nilagay ko lang sa kama. Nakatingin si kuya sa bintana kanina at siguro naman eh hindi nya nahalata na tinanggal ko-
"Bakit nag flatline ka nanaman?"
"Uh ah eh... nandito si Danica eh, baka atakihin ako sa balita nya eh, hehehehe..."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Ficção Adolescente[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)