Biglang lumakas ang hiyaw ng mga tao.
May lumabas na isang lalaking A.S. galing sa likod ng kurtina. Hindi marami ang mga A.S. na kilala ko at isa sya sa mga ito. Pero madalas ko rin syang nakikita sa mga poster kaya... ewan.
Pero isa syang lalaking foreigner na artista at gwapong gwapo pa!
Naksuot sya ng isang red na T-shirt at black shorts pero maski na!
Payat nga lang... eh may standards talaga ako eh kaya...
Tinaas nya yung kanang kamay nya at napatahimik na kaming lahat. Pero yung mga iba hindi pa rin matiis na aktual na makakita kay... hindi ko kilala talaga 'to.
Pina-ikot pa nya yung mic na dala-dala nya bago sya magsalita, "Ladies and gentlemen! Boys and girls-" Bigla syang napahinto at napatingin sa aming lahat.
May tinanong sya sandali dun sa likod ng kurtina kung saan sya nanggaling at bumalik na kaagad sa harap namin.
"Well..." Binaba nya sandali yung dala nyang mic at nagsuklay ng maraming beses. "It seems to me that there are an AWFUL lot of ladies in here. I mean beautiful young maidens worthy of spending time with m- the big screen of course!"
"Scott! Stop yakkin' over there and get to the point already!" Sabi nung boses na galing sa likod ng kurtina.
Biglang lumakas muli ang hiyaw ng mga babae dito, kasama na rin ako syempre.
Hindi kami pwedeng magkamali!
Ang prinsipe ng media!
"Can ya please stop yakkin' for a moment too and let me enjoy their presence for a while?" Sabi nung lalaki sa harap namin. Sya ata yung 'Scott' na sabi nung mala-anghel na boses sa loob.
Wala nang sumagot galing sa kurtina.
"Good, now moving on. Choosing a single workshop between the many others you guys have around here in Manila sure is a daunting task, yet we chose this! You wanna know why?"
Walang sumagot, hindi ko na alam kung kinakabahan lang sa kanya o talagang wala lang naka-intindi nung English nya.
"Because our lord and savior Thunder said so-"
Malalakas na hiyaw nanaman ang lumabas galing sa mga bibig naming mga babae! Sinabi na nya! The magic word no less! Hindi ang real name nya pero damn!
Wala kaming magagawa at hindi namin kasalanan. Sinabi nya yung pangalang Thunder eh... you know how mga babae sa mga superstars eh hehehe...
"Okaaaaay... But actually it was the creator... But anyways It still got your attention eh?"
Tahimik lang kaming lahat.
Baka mapahiya pa kami dito sa harap ng foreigner na 'to.
Maya maya lang ay may nagtaas ng kamay. "Where are you from?" tanong nya.
"Boston, have you not noticed where this hotshot came from? Am I not obvious enough?"
"Shut up," sagot ng boses ni Thunder sa likod ng kurtina. At katulad lang kanina ay naghiyawan nanaman kaming lahat! Wont' be long now na magpakita na 'tong lalakeng 'to!
Napatingin ako sa kanan ko, si Chelsea talaga matibay. Hindi man lang kumikibo.
"So ANYWAYS... gimme a sec," sabi nung lalaking nalimutan ko nanaman yung pangalan at bumalik na sa likod ng kurtina.
"Lalabas na kaya sy-" Hindi pa ako tapos bumulong sa katabi ko nung nagpakita na ang tunay na inaabangan ng lahat.
Grabeng lakas ng mga hiyaw namin halos parang nabingi na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...