Chapter 33 - Thunder's Mansion [Part 2]

4 0 0
                                    

-Day 11, Sunday, January 26-


Alang'ya...

Rinig na rinig namin yung tili ni Ilana mula rito. Maya-maya lang e may nakita kaming apat na isang military artillery vehicle na umaandar at dinudumihan yung buong golf course.

Natatanggal na rin yung mga damo na dadaanan nya.

Napatingin ako kay Thunder kaagad, mukhang kalmado lang sya.

SAAN NAMAN SILA NAKAKUHA NG TANGKE DITO?!

"Chill lang kayong dalawa, may tagalinis nyan," sabi ni Thunder.

"Oo nga naman, sabi na sayo may tagalinis si Thunder ng mga kotse nya, see? Kaya your popcorn argument is invalid," sabi rin ni Xyra sa amin.

Nagtaka si Chelsea sandali kung ano man yung sinabi sa akin ni Xyra.

"Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!"

Nagpatuloy si Ilana magdrive... nung... tangke...

"Paano naman nya nada-drive yung tangke?!" Malakas na tanong ko.

"Rigged yan ng joysticks, replica lang yan na gawa sa carbon fiber, no big deal. Naistorbo nga lang yung golf session ko kaya yun."

"Tottong world war 2 na tangke ang basehan nyan," sabi ni Xyra sabay paikot ulit ng scythe nya habang nanonood pa rin sa eksena.

"Base yan sa isang tunay na Zis 30 self-propelled gun, in case lang na kailangan nyo ng clarity," nilagay na ni Thunder yung golf club nya sa bag sa likod nya nung maalala ko lang...

Zis 30...?

"Diba Zis 30 yung pangalan nung studio natin? Paano naman nangyare yun?" Tanong ko.

"Napangitan ako sa WhiteLight Studios kaya binili ko tapos pinalitan ko yung pangalan, ganda na, diba?"

"Hindi ka talaga mauubusan ng pera no, Thunder?" Tanong ni Xyra, "Ilang advertisers ang nagrerequest sayo araw-araw?"

"Nung pumunta na tayo dito sa Pinas? Ewan ko? Marami rami na rin. Hina-hire nila ako for 20 million isang commercial. Maybe more..." Sagot ni Thunder.

Maya-maya lang e nakarating na sa amin yung 'Zis 30'. Si Ilana nga e nandun nga sa taas at may dalang dalawang joystick.

"Behold! Phenomenal cosmic power!!!" Sigaw ni Ilana sa aming apat. "Get ready for Rainbow Siege!"

"Gusto nya kasi ng Go-Kart nung birthday nya, kaya nagpagawa ako nyan. Wala na akong magawa sa pera ko eh kaya ito nalang."

"Heh, alam mo namang kailangan ko ng funds eh hehehehe..." Sabi ni Xyra sabay tapik sa likod ni Thunder.

Magsasalita na sana ako tungkol sa retoke nya nang makita kong binaba ni Ilana yung kanyon nung tangke nya at tinutok sa amin.

"Reach for the skyyyyy..."

Hindi sya pinansin ni Thunder at tumalikod na at humarap sa amin, "nood na tayo nung competition natin, shall we?"

"Hey! Ano na?" Rinig naming sigaw ni Bronze, na naka golfer attire din, na papunta na sa amin.

Napatingin ako sa likod at nakita ko si Ate Walter pumunta na at sinenyasan si Ilana na umalis na. Nakatalikod kaming lahat sa kanya kaya wala nang nakapansin.

"Nood na tayo ng competition? Gusto nyo? Bahala na yung mga tauhan ko para mag-ayos ng bahay para mamaya sa party natin."

"May party tayo m-mamaya...?" Mahinang tanong ni Chelsea.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon