Chapter 117 - By the Beach [Part 2]

2 0 0
                                    

-Day 153, Sunday, June 17- 


"Ikaw sa tingin mo talaga makakatakas ka ah! You think you could beat me?! You really think na kaya mo akong takasan?! Nnnnngggggghh!" Dinaganan ko si Kendo sa buhangin at sinigurado kong hindi sya makatayo. "Hah! Malamang dahil sa retoke ko eh meron na rin akong extra strength! Beat ya!"

"Hey-hey-hey-hey! Nandadaya ka na! Wala akong sinabing i-pin mo ako!"

"Well too bad nandito na ako ngayon! Okay lang naman kasi fuzzy naman yung sweater ko eh at naka-sando ka nanaman!"

"Hindi ka ba nagtataka sa position natin ngayon at tayo lang nandito dalawa sa beach ng gabi?"

"Under the stars, yeah! Sandali nga lang at daganan nga kita-"

"Hindi ba naiipit yang retokadong boobs mo? Kasi hindi ko talaga gusto yung nararamdaman ko eh!"

"Hindi porket mas malaki at mas malambot si Lyn sa'kin eh aangal ka nah! Now stay ka lang dyan at hayaan mong titigan kita, like this! Free hugs!"

Nakadapa naman na kami pareho sa buhangin eh why not? Ayaw nyang tumanggap ng free hugs eh bibigyan ko sya ng free hugs.

"At least, we're having fun. Hindi tayo nag-uusap ng intellectual na usapan pero we're having fun!" ulit ko sa kanya. Haaayzzzz- woah!

Hindi ko inexpect na bigla nalang syang uupo nalang bigla! Muntik na akong gumulong nanaman paalis pero nakasabit pa rin ako sa kanya! Hah! Kala nya matatanggal nya ako nang ganun-ganun lang kadali?!

Kaya ngayon eh nakaupo na kami pareho at nakayakap pa rin ako sa kanya! Ah hahaha!

"Hello!" I don't give a crap kung ilang inches lang ang lapit ng mga mukha namin! And I'm sure as hell wala na akong pake kahit mala-impyerno na yung mukha ko ngayon! Ay sus!

"Alam mo kung anong mas maganda?"

Lalong kumabog yung puso ko sa narinig ko! What could it be?! I demand-

Inabot lang nya yung flashlight na mukhang oil lamp at pinatay na. Now yung tunog nalang ng alon ng dagat at hangin yung nandito. As usual, yung kanyang style of peace.

"Hello..." medyo mahina yung lumabas na 'hello' sa bibig ko ngayon at talagang nag-iinit na yung mukha ko eh... ayan lang sya sa harap mo oh! Pinagmamasdan lang yung alon ng dagat imbes na ako!

"Buti nalang mahangin ngayon eh no?" rinig kong sabi nya. "At least natutuyo kaagad yung pawis mo hehehehehee..."

Sasagot sana ako pero walang lumalabas sa bibig ko! Oh my god!

Naramdaman ko yung braso nya na dumaan sa likod ko. Niyayakap din kaya nya ako?!

"It's good to have you back dito sa club..." sabi nya bago ko ma-realize na hindi naman pala nya ako niyayakap... dammit...

"Maganda nga yung weather ngayon eh. Kagabi maulap. I remember nandito kami ni Lyn mga kelan lang..."

Umayos ako ng kaunti para nakaupo nalang ako sa tabi nya at naka-lean yung mga katawan namin sa isa't isa... Haaayyzzzz...

"Kaya lang nung time na yun eh bago dun sa minor surgery nya at kabadong kabado talaga..."

Nawala na sa isip ko yung mga sinasabi nya at umiinit lang yung ulo ko kapag nagsasabi sya tungkol kay Lyn, at yung init na yun eh totally ibang bagay dito sa mala-impyernong pagmumukha ko ngayon! Dammit Lyn! Bakit naman kasi sisirain mo nalang lahat ng moments eh-!

Bigla syang tumigil sa pananalita at bigla nalang akong niyakap ng sobrang higpit! Holy crap! Paa ng kalabaw! I can't breathe! Nilagay pa nya yung ulo nya sa balikat koh!

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon