Chapter 89 - The Beaches of Boracay

3 0 0
                                    

-Day 53, Sunday, March 9-


Alright! Maganda ang feeling ko ngayon! Hindi nga lang kasing-usok sa condo ko... sayang naman at namimiss ko na kaagad ang amoy ng usok sa city pero nonetheless, gamit ang funds na bigay sakin ng mga atat na atat na mga bakla sa studio at ang the headwriter herself eh sakay na kaagad sa plane and off to Boracay na ako!

And here I am... Although I do wonder kung nag-transit nalang ako papunta rito from Manila pero nah... malamang matra-trapik lang ako.

So where were we? Oh yeah, nandito na ako sa white sandy beaches of Bora! Wala nga akong beach body pero what can I say, hindi na nga ako nag-almusal kanina dahil may na-detect akong fatness sa katawan ko by sheer detection skill.

At here we are at the beach! Mahangin, mainit, nakakasilaw ang puting buhangin sa mata, may matanda na foreigner na may katabing beauty queen-

Wait what...?

Napatingin nalang ako sa dalawang magkasama sa beach sa harap ko... oh very well then... Kung yun ang gusto nila eh then so be it.

Anyways...

Kainggit naman yung mga ibang mga babae rito... Napatingin ako sa dibdib ko at napa-shrug nalang.

Maybe one of these days magpapalagay nalang ako, maybe after mga ilang buwan... or maybe after my first paycheck.

Isang suot lang ng sandals ko at naglakad na ako sa masikip na beach, carefully iniiwasan nalang yung mga naka-higa sa buhangin.

Okay... Now on to the hunt...

Kung ako yung bwisit na N.b.F.z. na yon... nasaan kaya ako...? Hindi ko naman sinabi sa kanya na darating ako rito, at masyado naman syang tanga para ma-realize na nandito na ako.

Lakad-lakad din naman sa beach 'pag may time-

Wait... what is that...?

Isang grupo ng mga magagandang mga babae! Bigla nalang akong na self-conscious sa hitsura ko ah... If only mas marami din yung French genes na nasakin eh di kasing-ganda ko na rin sila... Haaayyzzzz...

Okay... Nilapitan ko sila nang hindi nagpapahalata, at mukhang naglalakad sila as isang grupo pero hindi ko talaga makita yung nasa gitna nila...

Probably isang Half-French rockstar na mukhang babae... Sa dinami-rami ng mga tao rito, I can be sure na sya na 'to, kaya pinagpatuloy ko na yung stalking ko sa group hanggang sa maka-abot na sila sa isang tourist hut at parang mukhang nagsasaya na sila ron.

Naglakad ako patungo sa kanila hanggang sa may nakita akong nakasulat sa buhangin sa isang slope.

'Your Face Here-'

Oof! Bagsak ang mukha ko kaagad sa buhangin! May umatake sakin?! Basa... isang sabog na water balloon sa tabi ko... it can only mean-

Nakadapa pa rin ako sa buhangin nung may nakita akong shadow na dahan-dahan lumitaw sa likod.

"Bonjour Jenny!"

Magsasalita palang sana ako nung may naghagis nanaman ng water ballon sa likod ng ulo ko!

"Paa ng kalabaw! DI NA PATAS 'TO AH!"

"Eh heheheHEEEE! You fool! You fell victim to one of the classic blunders! Sinong tanga ngayon ah, engot!"

Gumulong ako sa buhangin, "Hinahamon mo ako ha?! Ikaw tanga ka lika nga rito-"

*Splash*

"Nnnggggaaaarrrrghhh! SA TINGIN MO BA MATATALO MO AKO NYAN?! NAGKAMALI KA NG HINAMON MO!" Bigla akong tumayo at sasabunutan ko na sana yung mahabang rockstar hair nya nung bigla sya umilag.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon