-Day 118, Sunday, May 13-
"B-baka... gusto mong... bumalik sa mansyon n-namin...? Baka naman maayos ko pa yung imahe ko sa ulo mo at hindi na ako piraso ng basura...?"
"Balak mo talagang sirain yang career mo para lang dito...?"
"Alam mo na siguro kung ano yung pwedeng mangyari diba? Plus pwede mo namang tingnan yung bright side, wala pang ibang tao na gumanito sayo diba...?"
"Wala pa nga... kaya nga hindi kapani-paniwala eh."
"Hindi lahat ng predictions mo nagkaka-totoo, tandaan mo yan. Nandito ako para patunayan yan... okay...?"
Hindi sya sumagot at nagsimula nang maglakad paalis. "Sabi ko hanggang 10 lang ako dito, kailangan ko na sigurong umuwi, malayo pa ang byahe... tapos may trabaho ka pa bukas."
"Hindi na importante yang trabaho na yun eh. Ikaw mismo nagsabi, showbiz lang yon, kahit sinong maputing half-european pwedeng sumali don, nakita ko mismo yun first-hand. Kahit ilang beses akong lumayas eh pababalikin pa rin nila ako. At kung hindi, eh sa KV-2 pwede."
"Alam kong ganon naman talaga sa showbiz eh, sisirain mo lang yung pangalan mo eh."
"Kendo, nanggaling na ako sa BT-7 at ngayon na nakabalik na ako eh masasabi ko na ganun pa rin yung mga pangyayari at pilit talaga nila gumawa ng tsismis para cheap advertising ng mga artista nila. Sisikat lang ako lalo dito. Halatang hindi mo pa alam lahat dito sa showbiz sa Pinas. Take note retokado na ako at wala nang problema yon."
"Hindi ko na alam yang mga sinasabi mo. Baka mahirap nang ipaglaban yang mga palusot mo at ngayon na nalaman na nila na hindi ka nagtatagal sa kumpanya."
"Kendo, alam ko na yung showbiz, mali-mali na yang sinasabi mo. Hindi 'to conventional na trabaho, iba dito. Plus may mga ibang tao na talagang worth na ipaglaban, alam mo ba yon...?" sabi ko sa kanya sabay harang nanaman sa daanan nya.
"Hindi ko lang kasi alam..."
"Hindi mo lang alam kasi, bukod kay Lyn at dun sa kapatid mo, malamang eh hindi ka pa naa-appreciate... not even yung mga magulang nyo... kaya ganyan na yung iniisip mo sa sarili mo..."
Huminto muna sya at napapikit nalang sabay lagay ng kamay sa bulsa ng pantalon at nilakaran nalang ako paalis. Hindi na sya sumagot.
Sinundan ko sya habang naglalakad na sya palabas nung park. Napansin kong umusod na pala paalis si kuya at natatanaw ko nalang dun.
"Sa tingin ko tama ka nga dyan..."
Nilagay ko yung kamay ko sa likod nya. "Sa tingin ko kailangan mo ng therapy, gusto mo samahan kita?"
"Hindi na, sinubukan ko na yan. Iisa lang naman lagi yung sinasabi nila eh. Sa tingin ko ang alam nila eh wala akong kausap kaya kakausapin lang nila ako..."
"Ah yun nga yung basic eh, kakaiba naman kasi yang kaso mo. Iba-iba rin kasi yang pumapasok dyan sa ulo mo eh. Ibang talino na yan, ako nga hindi ko kayang mag-predict ng ganun eh."
Hindi sya sumagot at nakatingin lang sa baba habang naglalakad.
"Ano Kendo, babalik na ako sa inyo... okay ka na ba? Eh paano si Lyn?"
"Eh paano na yung contract mo?"
"Kendo yung contract ko eh merong special case. Nung binasa ko yung fine print eh ito yung contract nung mga high-profile mga babaeng artista na pwede silang magbakasyon sa gitna ng taping. Kilala mo si –ano- yung bigla nalang nawala sa palabas nyang nighttime show kahit na sya yung bida? Nagbakasyon sa gitna ng show!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Ficção Adolescente[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...