-Day 350, Thursday, December 31-
"Hey! Ako na nandito! Pinned down ka na! 'Wag ka nang kumawala! Hahahaha!"
"Oo nga pero tingnan mo nama- hhhmmmmmph!?!"
"Mwah! How'd you like that?! Huh?!"
Actually I think kanina pa kami pagulong—gulong dito sa rooftop ah... puro dumi na ata yung mga damit namin.
"Uh wait nga lang, anong oras na nga pala?" tanong ni Kendo sa'kin pero sumingit muna ako ng isang mabilis na kiss ulit bago ako umalis at-
"Quarter na to 10. So tapos na pala tayo rito it seems." Inalalayan ko nang tumayo yung boyfriend ko. "Pero honestly lang, dapat pala hindi na tayo kumain ng hipon para sa dinner natin eh."
"Oo nga eh, anlansa mo rin eh."
Pansin kong kanina pa sya punas ng punas ng labi. "OA mo na ah, tigilan mo na nga yan halikan kita ulit eh."
"Nah, masyado na tayong maraming ginawa dito sa rooftop, kailangan ko na talagang umalis. So let's go na pala then..."
Pinagpag ko yung damit nya sa likod at sara na kami ng pintuan dito sa rooftop at baba na sa hagdan. Kaunti lang naman ang floors ng Zis 30 eh at mabilis na kaming nakarating sa ground floor.
"So uh... this is it na pala eh no?" mahinang sabi ko sa kanya habang papalakad na kami sa exit.
"Yep, marami na tayong ginawa kanina. Hindi nga meaningful, puro shameless fun. Heh, at least fun eh ano?"
"Gusto mo ng-"
"Nope, naka-ilan ka na ba kanina ah? I think halos 76 kisses na yung ginawa mo kanina."
"Wala namang masamang gawin pang 77 diba?"
"Heh, sobra-sobra na yan! Tama na! Sheesh Mari, pull yourself together naman!"
"Sorry! Hehehehe!"
Nung papalapit na kami sa exit eh naaamoy ko na yung pulbura galing sa mga paputok sa labas. Ansakit naman sa ilong!
"Aaaah! Ansarap naman sa ilong nyang amoy na 'yan!"
Ah syempre yung boyfriend ko would say otherwise.
"'Yang amoy na 'yan eh naamoy mo lang once a year! Malapit na matapos 'tong year na 'to! And we gotta get moving! San ka na after this?"
"Gusto mo hatid na kita kina Thunder?"
"Nah, may sundo ako."
"Pwede bang sumama?"
"Nah, makikita ka ni Lyn. I think ito ang panahon para mag separate ways na tayo. Bale ito naman na rin yung last na pagkikita natin hanggang sa susunod na bisita mo, or bisita ko rito. Syempre surprise ah! Kahit ikaw 'wag mo ring sabihin sa'kin kung kelan ka darating!"
"What if nabuntis mo ako ha?"
"Nice try, hindi naman tayo nag sexy funtimes kanina eh. Ikaw ah... 21 pa lang tayo, the world is ahead of us! Marami pang kailangan gawin at hindi dapat sayangin lang dito!"
"Ah anyways, so this is it na ulit?"
"Yeah, this is it."
Nag-holding hands kami sa mga huling steps namin papunta sa exit hanggang sa huminto nalang kami sa may pinto.
Napatingin ulit si Kendo dun sa receptionist's table, ang first meeting place namin.
"Yeah... can't believe dito rin tayo huling magkikita eh ano?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...