Chapter 14 - Daimler High

15 0 0
                                    

Pangatlong araw ko na dito sa project na 'to at so far maayos pa naman. Yung mga ibang A.S. hindi ko pa rin nakikita, at pati na rin si Ryan... umaasa akong makikita ko na sya ngayon.

"Sorry nalang talaga na kailangan kasama ka pa namin ngayon," sabi ko kay Xyra na naglalakad katabi ko, "Ito kasi e," sabay turo kay leading man sa tabi ko. "Alam mo, nakakahiya talaga yung ginawa mo kahapon."

"E ano kasi uh... ewan..." Sagot ni leading man. Bakit ba hanggang ngayon e leading man pa rin ang tawag ko sa kanya?

"Ano ba pangalan mo ulit?"

"Ashton."

"Wow grabe yan aaa." Rinig naming sabi ni Xyra.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa destinasyon namin, sa lobby ng Zis 30.

Magaganap daw ngayon ang first episode, at maaga ulit akong nakarating dito pero hindi ko na naabutan si Mr. Backstage sa harap. Obvious naman diba?

Nilabas ni Xyra yung cellphone nya, "Bale eto yung agenda natin ngayong araw. Yung mga teasers bale CGI lahat, yung advertisements bahala na sila, yung marketing bahala na sila, yung script bahala na sila, yung direk-ting bahala na sila... Aaaaaat pinalitan na daw yung title at ginawang 'Pinagpala'.

"Xyra, poster pa lang e Pinagpala na yung title, ikaw ata 'tong hindi nakikinig eh. Anong dapat nating gawin dito?"

Huminto sandali si Xyra at nagpipindot sa cellphone nya.

"Hoy, ano daw dapat naming gawin dito?" Tanong ni Xyra sa tinatawagan nya.

Matapos ang ilang segundo nagsabi sya samin, "Magta-tag team advertising daw kayong dalawa. Nangongopya ata ng love team technique 'tong screenwriters natin e."

"E hindi pa nga kami nag-uusap e!" Reklamo ko sa kanya.

"E paano ngayon...?" Magabal na sabi ni Ashton.

"Tumigil ka nga dyan at baka mag rape-mode ka nanaman ngayo'y wala yung ex mo para bantayan ka."

"E paano kaya kung ganito?" Pinakita sa amin ni Xyra yung pinost nya sa Facebook na picture namin ni Ashton habang sinasabihan ko sya na tumigil sa plano nya.

Wala kaming masabi sa plano nya.

"Sandali, i-tag natin ng 'Nag-aaway pa yung leading cast matatagalan pa kami' tapos may smiley face sa dulo," pinakita ulit sa amin ni Xyra yung pinost nya.

"Kung ganyan ka din naman e bakit hindi mo na rin lagyan ng 'Samahang Flat'," inis na sabi ko sa kanya.

"Okay ganito yon, binigyan ulit tayo ni screenwriterz ng libreng day off para mag-chill lang ulit kayong dalawa. Ano pa bang ayaw nyo ron!?" Sagot naman din ni Xyra sa akin bago tumingin ulit sa cp nya, "punta na rin daw tayo sa Daimler High."

"School ko yon a," napasabi nalang ako nung marining ko yung sinabi nya.

"College ka na a," sabi ni Ashton.

"High talaga yon, hindi na pinalitan." Kinalabit ko si Xyra, "punta tayo don?"

"Handa na ako sa song and dance number ko," nag-inat si Xyra at tumayo. Magsasalita pa sana sya nang sumabat ako.

"Kaya lang hindi mo kayang i-flash ang audience mo, har har har har har."

"Sasakyan natin?" Tanong ulit ni Ashton na kanina pang nananahimik sa tabi ko.

"Meron dyan, funded naman lahat ni Thunder 'tong project na 'to e. AS42 ata yung codename." Sinenyasan na kami ni Xyra na sumunod sa kanya, "tawagin na natin si bansot."

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon