-Day 24, Saturday, February 8-
"Hah! Parang biglang galing ko kaagad dito sa pana ko ah!" Sabi ko kina Nero at Liwanag sabay lagay ng bala at tinira yung puno na parang tatlong daang metro ang layo.
"Hindi ka ba talaga nagtataka na may mahika yang dala mo ngayon? Hindi naman nagbigay lang sa atin ng mga panlaban yung bolang liwanag e gagamitin mo na kaagad," sabi ni Nero habang nakaupo lang sya sa bato at pinagmamasdan yung espada nya.
"Aba! Hindi na ako makapaniwala kung nananaginip pa tayo pero tingnan mo naman! Kelan ka pa makakakuha ng mga ganitong weapons sa totoong buhay!"
"Ikaw lang yon, di ba may pamilya ka pa?" Tanong sa akin ni Liwanag.
"Sasabihin ko nalang kay Ate Humus yung panaginip ko ngayong gabi!"
"Nami-miss ko na sila... Gusto ko nang gumising talaga..."
Nakita ko na malungkot si Nero, "bakit naman sa ganon? Pwede namang makipagkwentuhan sa kanila diba... sandali laaaaanngggg..."
"Punta nga tayo sa amin dun sa disyerto at baka meron pa rin namang hindi naapektuhan?"
"Magandang ideya yan, Nero, o sige na halina kayo mga bata, may lakad pa tayo," tumayo si Liwanag at nagtingin sa paligid, "saan nga pala ang lugar nyo?"
Tumayo na rin si Nero at tumuro sa isang direksyon, "nandun, lina kayo!"
At naglakad na kami.
Buti nalang hapon na at hindi na ganon kainit. Dala ko na yung pana ko, dala pa rin ni Nero yung espada nya.
Bakit kaya si Liwanag e walang weapon?
Ah basta, magiging magandang kwentuhan na 'to kapag nagising na ako...
...
"Aaaaaand we're clear! Good job guys!" Binati kami ni Ate Lesley sabay apir sa aming lahat.
"Ah wala lang yon, alam mo namang magaling ako eh!" Sagot ko sa kanya.
"Er... what...?"
"Oh! I almost forgot! Nevermind, I just praised myself!" Proud na sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit lang sa isang tent na malapit. Nakita ko na halos 11 am na pala.
Wala pa naman akong taping ulit hanggang mamaya eh kaya...
Kinalabit ko si Ashton, "hey! Kain tayo!"
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko sa kanya habang nagtatanggal sya ng mga balot na tela sa katawan. Pawisan na rin talaga sya.
Ako nga sinigurado kong maglagay ng marming deodorant ngayon!
"Oh? Samahan mo muna ako dun kina-ano."
Wait lang, parang alam ko 'to ah...
"Bigyan mo ako ng sagot na hindi si Ate Walter ang pupuntahan mo."
"Eh?"
"Kasi kung ganun pala e pumunta nalang tayo sa isang ice cream shop kasi guaranteed na pupunta nanaman sya dun eh kaya..."
"G.A. naman! Magtatanghali na eh puro ice cream pa rin yang iniisip mo? Importante 'to no! Baka naman sa tingin mo sakin e fanatic nalang ni Ate..."
"Heh, bigyan mo ako ng rason para paniwalaan kita."
"Eh kunin ko nalang muna yung laptop ko rito," sabi ni Ashton sabay lapit sa isang mesa na may isang black na case ng laptop. Lumingon sya sakin, "saan tayo?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...