Chapter 94 - Artur Rezyon [Part 2]

3 0 0
                                        

-Day 58, Friday, March 14-


"Ah lagay mo nalang dyan, sandali ito bayad mo oh... wait ka lang..." Alam ko meron akong wallet na nilagay dito sa bulsa ko eh... uuuhhh... Got it! Binayaran ko na yung take-out service namin at binalikan ko na si Kendo na naka-upo lang by the pool.

Gabi na, buti naman eh presko dito sa mansyon namin... or maybe sadyang mahangin lang talaga ngayon.

Dinala ko na sa kanya yung in-order ko.

"Heeeeyyyyyyyy... Nandito na ang pinaka-aabangan sa lahat!" Binaba ko yung kahon na dala-dala ko at binuksan. "Ta-da! Resto Lobster! For all your mayaman needs!"

Wala kaagad akong nakuhang reaksyon sa kanya at instead eh tinitigan lang nya yung dala ko at nagsabi, "Lobster...? Er... hindi naman ako marunong kumain nyan..."

"Nonsense! Medyo nagdi-diet ako ngayon kaya kaunti lang naman yung kakainin ko eh, kaya yung tira mo eh sakin nalang! Gusto mo subuan kita? Hmmmmm...?"

"Er, Mari, okay ka lang? Parang sobrang hyper mo ngayong gabi ah. Antahi-tahimik na nga eh."

"Ang pure artista blood ko eh nag a-activate na kasi nasa BT-7 naman na ako ngayon eh, it's just that simple so yeah," sabi ko nung naupo na ako sa tabi nya. Ika nga sa sinabi nya eh talagang tahimik nga ngayon, mga kuliglig lang naman yung naririnig ko sa mga bushes namin sa tabi eh, parang way back home lang sa-

"Tahimik no?" sabi ko sa kanya sabay lagay na nung kahon nung order ko sa lap ko at sinimulan nang biyakin yung lobster. Buti nalang may free rentals nitong... 'lobster breaker-ewan.'

"Sigurado ka talaga hindi ka manghihinayang sa the fact na hindi kita nilibre ngayon?"

"Tumingin ka sa harap natin, Kendo," sabi ko sabay turo sa malaking mansyon namin, "Nakikita mo yang napakalaking bahay na yan... Sa tingin mo ba manghihinayang ako sa 5K mo?" Titigil na sana ako nung napansin kong gabi na nga pala. "Ay oo nga pala eh no? San ka na punta pagtapos nito?"

"Hindi ko naman talagang in-expect na aabot ako ng ganito katagal eh, ang dapat kasi eh bibisita ako, kain tayo, tapos hatid na 'ko ni Thunder pauwi. Bale yun lang, first time ko kasing gawin 'to in 21 years."

"First time saan?"

"First time bumisita sa isang worthy na tao, you know," sabi nya sakin sabay ngiti.

"Awwww..." I must admit medyo uminit yung pisngi ko sa sinabi nya at nalagay ko yung kamay ko sa mukha ko- yung kamay ko na may sauces ng isang gourmet lobster.

"Ikaw naman, kilig ka naman kaagad."

"Kilig ka kasi eh, o ngayon punasan mo na 'tong mukha ko!"

"Matanda ka na, kaya mo na yan."

Wow... ganda sagot non ah, "Ao anyways, eh paano na 'to eh mga 7 na ng gabi?"

"Ah mabilis naman na kami ni Lyn na naka-abot sa limit eh, halos nagawa na nga namin yung buong month 1 ng Pinagpala at meron nang breaktime. Si Thunder? Malamang nakatambay nanaman sa mga hotels at kung anu-ano pa para lang humakot nanaman ng chicks and whatnot."

"Oh? Eh paano kapag sinabi kong dito ka muna hanggang Monday, pwede?"

"Uuuuhhh siguro... tutal marami namang kwarto dyan dibaaaa...?"

"Ano nanaman yung mali sa sagot mo, parang may hindi tama ah."

"Ayoko ng mga ganyang mga mansyon, masyadong malaki, malawak. Natatakot ako dyan eh, uwi nalang ako mamaya-"

"Eh what if don ka matulog sa kwarto ko! Yung parang sa mga Wattpad! Eh hehehe!"

"Gaano ba kalaki kwarto mo?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon