-Day 139, Sunday, June 3-
4am in the morning at nandito ako ngayon nakatayo sa harap nung mansion namin. Hindi ko nga alam kung bakit ngayong Sunday pa eh, pero hindi na ako aangal don. Ang importante lang eh babalik na ako sa Pinagpala at sa mga AS.
Plus si Kendo nandito susundo sakin... eh heheheheee...
Kaya nga naka push-up bra ako ngayon at todo-flaunt ng cleavage ko para maximum beauty. Yung si Lyn? Sinasayang nya yung kanyang extreme size kung lagi lang syang nakasuot ng baggy sweaters! Ako iba ako! I am supreme-
Woah! Isang standard white limo ang nakita kong paparating na rito! What could it be? Ito na kaya yon?
Bumagal na yung kotse sa harap ko. Am I supposed to get in na? Ooh! Baka nakasakay si Kendo sa harap at si Thunder nanaman yung driver, sandali ngang malagay na yung cleavage ko to action.
Malasupermodel akong naglakad sabay baba ng sunglasses ko-at 4am in the morning at sabay tuwad at katok sa salamin sa harap.
Bumaba yung salamin at-
"Miss Tangkad...?" straight na tanong sa akin nung driver na naka-tuxedo. Nakita ko nalang din na wala namang naksakay dito sa harap.
"The heck?! Walang nakasakay dito?!" Medyo nalakasan ko na yung pagkakasabi ko dun ah. Aba'y syempre naman at mapapatanong din naman ako nat nasaan na yung dapat na nakasakay dito sa harap.
"Nasa likod ho yung pasahero, shall I accompany you to-"
"Nevermind, ako na bahala don," sabi ko sa mamang driver sabay hatak ng bagahe ko at katok sa pinaka-huling pintuan. Hindi na ako tumuwad at baka nakita na rin ako ni Kendo kanina na nilalandi ko lang yung-
Bumaba yung salamin. "Nilalandi mo yung driver-?"
"No time for that!" Mabilis na binuksan ko yung pinto, pasok na at yung bagahe ko at sinara ko na kaagad. Dahil nga sa laki nung bagahe ko eh medyo sumikip yung pwesto namin dito sa likod. Eh heheheheeee... nice...
Nakita kong may pinindot na si Kendo na isang button sa harap lang nung seat nya at andar na kami!
"My, my, my... bagong damit mo?" tanong ko sa kanya.
"Hinde, sanay ka lang na lagi akong naka-sando lang."
"Yeah, I agree. Yang suot mong yan eh sadyang kaakit-akit, gentlemen. Ya look great, now lika na rito at maghimasan na tayo sa likod! Tayo lang talaga rito?"
"Ayokong may istorbo. Alam mo naman ako, peace and quiet lang..."
Nakita kong kukunin na nya yung headphones nya nung pinigilan ko sya. "Hey-hey-hey-hey! Kitang kita mo naman ang ganda ng damit ko para lang dito oh! Look at this!"
Tumingin si Kendo sa cleavage ko at balik sa mukha ko ulit. "Alam ko ngang nagpadagdag ka. Mari, nasa high society ako at si Thunder eh hindi nauubusan ng mga chicks nya at sanay na ako sa mga cleavage na ganyan..."
"Tapos nagsasabi kang ayaw mong nagsusuot si Lyn ng mga masisikip na damit kasi sume-sexy sya lalo?! What gives?! Hindi pa ba ako maganda sayo...?!"
"Kailangan bang maganda ka sakin...? Seriously...?"
Biglang nag-init yung mukha ko! What the heck am I saying?! "Eh-uh-eh-uh ano uh... maganda ako diba... hehehehe...?"
"Bakit hindi mo nalang tanungin yung manliligaw mo diba? Nasan na ba yun? Alam ba nyang babalik ka na samin?"
Umusod ako ng kaunti para maayos naman na yung pagkaka-lagay nung bagahe ko at... among other things...
"Si Christian? Willing mag-abang sa akin yun pagbalik ko! Ano ka ba naman! Persistent ata yun noh!"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)