-Day 11, Sunday, January 26-
"Alam mo ba rin na tapos na yung first swordfight scene ko! Si Selena mismo nagturo sa akin nyon! Pagkatapos ng maraming kaunting break naman syempre!" Sabi ko kay Chelsea sa tabi ko.
"Patingin naman nung autograph ni Ryan! Bilis!"
Pinakita ko yung ngayon-na-malabo nang autograph galing kay Ryan. Halos wala nang natira kundi isang blotch ng green na dati e maayos na pirma.
E yung autograph nung dalawang artista sa Bayani sa Silangan, hindi nya titingnan?
Oh well...
"Wow, grabe naman! Galing din kayo don?!" Malakas na tanong ni Chelsea sabay turo sa isang private jet na naka-parada sa isang airstrip, mga malayo-layo rin sa likod ko.
In fact, nasa island na nga ni Thunder yung tinuro nyang jet.
"Sabi ko nga kay Nero, na sabihin kay Thunder na aabangan nga kita rito! Kung binilisan mo lang naman e nakita mo pa nung lumapag kami rito! Lalanding dapat kami sa isang airport kaya lang ayaw ni Thunder at puro paparazzi daw kaya dito nalang kami rito sa private airstrip nya sa private island nya!"
"Kay dami naman nung exposition na binagsak mo ngayon lang."
"Pagmasdan!"
Tumalikod kami ng sabay at nakita ang malaking private island ni Thunder.
"Grabe yung mansion nya noh? Parang cathedral na!" Sabi ko sabay senyas kay Chelsea na punta na kami dun sa yate na naka-abang na sa amin.
"Special ka na talaga rito no?"
"Ikaw naman kasi! Kung sinubukan mo lang naman e nasama ka na dapat din! Tara na!"
Bumaba na kami at pumunta sa yate, na nakaparada lang. Umangkas na kaming dalawa at tinuro ko para kay Chelsea ang isang natutulog na A.S.
"Behold! Isang tulog na A.S.!" Malakas na sabi ko sabay turo dun sa tulog, na bigla namang nagising kaagad.
Nag-inat muna sya at nagsalita, "alis na ba tayo...?"
"Ba'y syempre naman, kapitan, larga na!" Malakas na sabi ko ulit sa kanya, at umalis na sya para magmaneho.
"Si Nero yan diba?" Tanong sa akin ni Chelsea.
"Hoy, Nero! Alam kong ikaw yung pinabantay ni Thunder samin pero, kelan ka pa natutong magpatakbo ng yate?"
"Hrrrmmmphh... Pwede ba sa susunod e bilisan nyo namang dalawa? Buong araw na kayo dun sa port a!" Reklamo ni Nero sa amin.
"Ang OA mo naman! Isang oras pa lang kami rito ah!"
"Sabi ni Thunder sakin e kapag nagasgasan ko raw e bibili nalang sya ulit ng bago..."
"Wow, mayabang ba yun?" Kalabit sa akin ni Chelsea, "parang wala ka pang sinasabi sa kanya ah."
"Ah si Thunder? Ewan ko nga eh, para namang hindi bilyonaryo umarte eh. Lagi nga lang naka-sando eh. Nakasama ko pa nga sya sa isa nanamang ice cream session eh!"
"Ay naaalala ko yan, last week!"
"Dumating nanaman nga yung matangkad na babaeng nakasalamin."
"Yung may sobrang habang buhok na mukhang bagong rebond? Nanaman? Deja Vu ba?"
"Ano yun? Ah basta," tumingin ako kay Nero, "wala na ba tayong ibibilis dyan?"
"Kakastart ko nga lang eh, wala namang atat-atat dyan."
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...