-Day 6, Thursday, January 21-
Hindi ako makapaniwalang meron pa talaga kaming kanya-kanyang kotse.
Kanina pa kaming umaga umandar, ngayon e... hindi ko na alam kung nasaan na kami.
"Ganda ng mga cinematic trailers natin, no?" Sabi ni Xyra na katabi ko sa likod ng kotse. Meron syang dalang popcorn at sobrang kalat nyang kumain.
Parang ako lang kapag may potato chips sa kotse.
"Di ko pa nakikita yung mga naka-upload sa Youtube. Busy sa FB. Nalimutan ko na ngang i-check yung FB ni Ryan eh."
"Gusto nyo bang makita yung updated costume ko?" Biglang nagsalita si Ashton, na nakaupo sa harap ng kotse sa tabi ng driver.
"Ayaw! Kahapon ka pa ganyan ah! Hinay hinay lang!" Sagot kaagad sa kanya ni Xyra, bago bumalik sa pagkain nya, "malapit naman na tayo sa stop-over eh."
"Ah kapag ako sumikat ng sobra sobra e bibili din ako ng kotseng katulad nito!" Sabi ni Ashton bago umupo na ulit ng maayos sa harap.
"Ano nga pala model ng kotse na 'to?"
"Ang alam ko lang e 3 million dollars 'tong kotse natin ngayon. Galing sa 2012 collection ni Thunder."
"Akala ko ba yung 2013? Nagtanong na ako kanina ah?"
"At sinagot ko na rin yan kanina," sabi ni Xyra sabay dampot ulit ng popcorn, "manahimik ka na dyan at mag-travel nalang tayo in style!"
Tiningnan ko yung mga kalat na iniwan ni Xyra sa sahig ng kotse.
Mukhang nahalata nya ata yung tingin ko at pumitik sya.
"Chill ka lang, sistah. May binabayaran si Thunder para maglinis nyan!"
"Eh kung kumikita ka naman din ng a hundred billion a year hindi na ako magtataka dyan-" napahinto ako sa sasabihin ko nung may napansin ako sa bintana.
May narinig kaming kotse na papalapit na sa kanan namin, sa side ko.
Pagtingin ko sa labas e nakita ko si Lesley, na naka full biker gear, nakasakay sa dambuhalang motor nya habang nakahiga sa upuan at nagse-selfie.
...What...? Itong mga motor na 'to yung tunog kotse na rin?
Wala akong naaalala na meron syang dinalang ganyang kalaking motor. Nasa gitna kami ng highway habang may-escort tapos 'tong babaeng 'to gumagawa ng tricks sa labas lang ng bintana ko.
Iniliko nya ng kaunti yung motor nya gamit yung paa nya at kumatok sa bintana ko.
"Ladies and gentlemen! Our leading lady!" Sigaw nya at nag-salute pa sakin.
Mabilis akong tumingin sa speedometer ng kotse namin at nakita kong umaandar kami ng 60 kph bago ko nalaman na naka-nganga ako.
"Wooooaahhh..." Narinig ko si Ashton na nagsalita.
Ilang segundo pa lang matapos e may kumatok naman sa kaliwa, sa side naman ni Xyra.
...What...?
Yung maliit na foreigner nakasakay din sa malaking motorsiklo at nakahiga rin sa upuan.
Buti pinapagayagn 'tong dalawang 'to mag-ganyan sa highway.
"Hey! Last one alive locks the door!" Sigaw nya sa bintana ni Xyra.
Nag-wheelie si Lesley patalikod ng kotse namin at pumunta sa kabila.
Kitang kita ko yung pagmumukha ni Xyra na hindi nya nagustuhan yung nangyari, anlaki ng simangot.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...