Chapter 57 - Under the Tent [Part 5]

1 0 0
                                    

-Day 37, Friday, February 21-


Wala sya kahapon, sayang naman, halos limang libo na kaagad ang nagastos ko dun sa 30,000 na sweldo ko kahapon.

Tumingin ako sa orasan sa Smartphone ko, 8:30pm na. Pwede na kaya?

Lumingon ako sa mobile home nila ng ilang segundo bago lumakad na papunta don. Walang sumagot sa akin kahapon at baka ngayon meron na.

Parang may party na lagi ngayung gabi ah, sayang naman hindi sila sumasali.

Nakarating na ako sa van malipas ang ilang minuto. Alang'ya pati van gustong magtago ah.

May ilaw sa loob, hindi katulad kagabi ganitong oras nakapatay na.

In-adjust ko yung jacket ko, lumapit na sa pinto, at dahan dahan na kumatok.

Sana may tao, sana may tao, sana may tao, sana may tao, sana may tao...

Bigla akong kinabahan nung narinig ko na nagbukas na ng pinto galing sa loob.

Phew, yung kapatid ni Artur naman pala ulit.

"Bwisit naman andaming AFK's ngayon, pero buti nalang natalo ulit, malapit na tayong makabalik!"

Narinig ko nanamn yung boses ni Artur sa loob, at mukhang tapos na ata silang magplano.

Bumalik na ulit sa loob yung kapatid nya at tinawag nanaman sya. Tumayo naman sya kaagad.

Nasilip ko na rin si Selena tulog na, habang naka dextrose.

"Oh, Mari... ano meron...?"

Mukhang takang-taka sya na nandito ako.

"Tambay tayo sa labas!" Tahimik na aya ko sa kanya.

"May event ba tayo ngayon? Wala naman akong sinabi na tatambay tayo ah?"

"Naku wala lang naman! Wala lang talaga! Baka gusto mo ulit na mag-meaningful conversations dun sa beach, yes?"

Mukhang takang-taka sya sa sinabi ko, tunog nag-aaya ata ako ng date eh, sa susunod dapat talaga ayusin ko na yung mga sasabihin ko.

"Er... teka nga lang sandali..." Sabi nya bago umalis.

Sinabi nya once na kulang sya sa support, then nandito ako mamimigay ng support! Wala na akong pake kung parang tunog mali yung inisip ko ngayon-ngayon lang.

Maya-maya pa e lumabas na sya, naka-sando lang ulit, kahit na malamig ngayong gabi.

"Parang kakaiba 'to ah, may binabalak ka ba? Parang hindi ko gusto kung saan mapupunta 'to ah."

"Ano ka ba naman, nandito ako para magbigay ng support! Naisip ko lang kasi yung type mo eh, tahimik na lugar at puro usapan. Maybe ganon ka lang kasi mag-operate eh kaya why not kwentuhan muna kita dun sa beach, pwede?"

"Diba fired ka na? Sumisipsep ka ba sakin?"

"Hindi ka talaga makapaniwala sa gagawin ko noh?"

"Hinde..."

"Sinabi mo sakin yung private personal life mo kaya kwekwentuhan din kita nung sakin! Bonding tayo!"

"Parang hindi ko talaga gusto yang sinasabi mo eh... Bakit ako lang, ba't hindi kasama si Son?"

"Kasi dapat ikaw lang, gusto mo lagi ng one-on-one, bibigyan kita ng one-on-one. Ano ka ba naman, accept the chances!"

"Tinatakot mo na ako ah..."

"Full moon! Nakakatakot diba?" May tinuro ako na isang malaking bato overlooking the beach, "kwentuhan tayo dun oh!"

"Okay ka lang ba? Ako 'to, si headwriter... hindi isang half-foreigner... okay ka lang ba dyan...?"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon