Chapter 21 - The Fault in our Films

10 0 0
                                        

-Day 8, Friday, January 23-


Nagising ulit ako ng maaga ngayon. Sumilip ulit ako sa labas at nakita ko na sina Lesley at Kyle na nag-i-ispar sa labas ng mga arnis, o mukhang mga arnis para sakin. Tumingin ako sa orasan at nakita kong may 30 minutes pa ako bago sa usual breakfast time ko.

Naalala ko lang na parang wala na ata akong cereal, hingi nalang kay Nero mamaya...

Naupo muna ako sa tabi at binuksan na yung phone ko.

Napa-isip ako bigla. Chineck ko yung FB page ng Pinagpala.

Nakita ko yung preview ng scenes ko kahapon.

Tapos nakita ko itong isang post, galing kay Magandang Babae... Na ang profile pic ay ngipin na puro braces at butas ng ilong.

Hmmm... Bahala na. Para namang hindi weird 'tong si Backstage.

'Ano ba sa tingin nitong Pinagpala sa ginagawa nila? Sa tingin ba nila malalampasan nila ang galing ng Bayani sa Silangan???'

Bayani sa Silangan? Pinalitan na ba yung title ng Tagapagtanggol ng Pangea?

'Aba'y gusto pala nila ng away aaahh?! Hindi lang nila alam na sinumulan na namin ang atake sa Lupain ng mga Magsasaka! HAR HAR HAR HAR! Pagmasdan ang aming mga dambuhalang mga KATAPULTA!'

Grabe naman itong fanatic na ito.

Nag-scroll pa ako sa ibaba at nakita kong puro sya lang ang nagpo-post na halos lahat e tungkol sa pangit ang kakalabasan ng Pinagpala.

Nah, kahit na kabwisit yung isang screenwriter e kaya naman siguro ito ni Thunder.

Napansin kong wala na palang naka-post dito at tumayo na ako at sumilip sa labas, nandun pa rin sina Lesley.

Naghanda na ako't nagbihis at lumabas na papunta sa kanila.

Siguro naman hindi na ako kakabahan nanaman dun sa lalaking bansot. Nandito naman si Lesley eh.

Nakita ako ni Lesley at kumaway sa akin. Hindi pa pala sila tapos nung bansot sa spar nila.

"Like I said, we are having a visitor today," sabi ni Lesley sa kasama nya sabay turo sa akin.

"So is this the girl who doesn't get the series? The countryman?"

Tumango si Lesley sa kanya.

"Ya did good standing around yesterday, definitely deserved a commendation on that. BEST STANDER OF THE YEAR." Sabi nung maliit na A.S.

"Quit yer overreacting and prepare to teach some wisdom...

....

...

Blah

Blah blah

blah blah blah blah

...

"Aaare you okay...?" Bigla kong narinig.

"WALA AKONG GINAGAWA! INOSENTE AKO! 'WAG NYO KONG KUNEEEENNN!!!"

Ano bang nangyare?! Ano na bang petsa?! Ano na bang ginagawa ko?!

Napatingin ako kaagad sa kanila, parang gulat na gulat silang naka-tanga lang at naka-titig sa akin.

"Heheheheeeehee..." Ang aga-aga pinagpapawisan na ako. Umagang umaga rin naman kasi at kumikina-

"WHAT'S UP WITH GIRLS AND SWEAT?! I mean seriously? What the -" Malakas na reklamo nung lalaking bansot na ngayon ko lang nalaman na kanina ko pa tinititigan ang kinang ng pawis-

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon