Chapter 8 - Emtree Lee's Ice Cream Parlor part 2

30 0 0
                                    

Papalapit na sya sa amin. Bago pa man ako maka-kalabit kay Xyra e may naramdaman na akong kamay na pumatong sa kaliwang balikat ko.

"Hi Xyrie! Didn't see you at the studio this morning!"

Parang antaas ata ng boses nya para sa tangkad nya. Hindi na ako kumibo at kausap lang naman nya yung katabi ko.

"I has something to doo," sagot ni Xyra. Bigla akong nagtaka sa ingles nya.

"Then what do we have here?"

Sa tingin ko ako yung ibig nyang sabihin.

"From the studio. Did not know if win or not."

"Oh?" Dahan-dahan syang yumuko hanggang ka-level na nya yung mukha ko, "Hi!"

"Uh... hi... kamusta...ewan... hi...?"

Tinaasan nya ako ng kanang kilay, hindi ata naintindihan yung ilan sa mga sinabi ko.

"Psst, pasok ka raw ba?" Bulong sa akin ni Xyra.

"Oh-uh-yea! I got in! I won!"

Ang awkward naman non.

"Oh reeaaallllyyyy?" Umupo na sya katabi ko pero nag-slouch at pinatong yung paa sa kabilang dulo para lumevel ulit sa akin, "Hiii!"

"She wants you go away, she feeling awk-nervous this right now," sabi ni Xyra sa kanya, "You so freagishly tall."

"Oh just don't mind me here," napatingin sya dun sa ice cream na kinakain ko, "what flavor?"

"Er-uh... Armor Piercer Ballistic Cap with er-uh... High Explosive uh... f-filling," sagot ko sa kanya. Kailan ba aalis 'tong babaeng 'to??

"Wanna send in the guys to the table?" Inayos nya ng kaunti yung salamin nya at tinuro yung mga lalaking kasama nya sa kabilang table.

"Ah no need. We are goods here! You go back there!"

"Aaahhh ok!" Tumayo na sya at umalis na.

Halos nangangatog na yung tuhod ko nung panahon na umalis na sya, "nakakatakot naman sya," bulong ko kay Xyra.

"Masanay ka na sa mga foreigner dahil lahat ng A.S. nandito."

"Bakit si Ryan hindi ko-Oo nga pala!" Bigla kong naalala yung babaeng nahalata ko kanina, "parang nakita ko ata yung ate nya kanina."

"Ahh yung ate nya... Oo kilala ko yun. Yun yung laging nakasimangot at ayaw makipag-usap sa kahit sino... Bakit naman?"

"Si Ryan, nasaan?"

"Nandyan lang yun. Malamang naglalandi as usual," sagot ni Xyra sabay subo ulit nung ice cream nya.

"Naglalandi?" Tanong ni Chelsea, "anong naglalandi?"

"Sa sobrang obvious na nung sinasabi ko e unang kita mo pa lang sa kanya malalaman mo kaagad yung sinasabi ko at hindi ko na kailangan pang magpaliwanag. Wala pa ba dyan?"

"Hindi ko pa nakikita e."

Pareho kaming pinahinto muna ni Chelsea bago pa man ako magsalita, "Oo nga pala may banda pa ako ngayon!"

"Kung nasama ka lang sana e excempted ka na rin," bulong ni Xyra sa kanya pero rinig na rinig ko pa rin.

Aalis na sana sya nung tumayo ako kaagad at binatak ko sya pabalik, "SANDALI SELFIE MUNA TAYO!"

Napalakas ko ata yung sabi ko pero buti nalang walang masyadong tao-

"Hey! Mind if we join too?"

Haaayz, eto nanamn 'tong tore na 'to. Pwede bang iwanan na nya muna kami sandali?

"No! This is for us only," sagot ni Xyra sa kanila.

"Awww..." Malungkot na sagot nya. "A a group pic would be a nice change, don't you think?"

"E paano kaya kung tayu-tayo nalang!" Rinig kong sabi nung isa sa mga lalaking kasama nya. May nagtranslate pa non at sila-sila nalang at nagpicturan.

Matapos ang ilang mahahabang minuto, natapos na kami at umalis na si Chelsea.

"Xyra! Tulungan mo 'ko anong ita-tag ko dito!" Madaling sabi ko sa kanya, "sabihin mo na rin kung san tayo kakain!"

"'Ala akong maisip e."

Nag-isip ako sandali, "Kapag hindi ka nag-isip e lalagyan ko ng hashtag retoke 'tong pic na 'to sige ka."

"Manahimik ka nga. Lagyan mo nalang nang titile na 'Samahang Flat'. Masaya ka na?"

"Aba bagay nga! Pasok na kaming dalawa ni Chel dito!"

"Ano ba kasi pangalan mo-"

Hindi ko na sya pinatapos pa, "tawagin mo 'kong G.A.!"

Maya- maya lang e may narinig na akong "Hiii G.A.!!!" na galing dun sa babaeng matangkad. 'Tong mga lalakeng 'to trinanslate pa kasi e.

"G.A.? O sige kung fan ka panaman ng acronyms e. E di yun nalang," sagot sa akin ni Xyra.

"May tanong ako, paano ka sumikat? Bilis! Para magaya kita! Parang kelan lang nakikita pa kita sa Noontime Surprise tapos ngayon nandito ka na!"

"Simple lang naman, nagpaputi ako, Natural naman na akong maganda e kaya isang bagay nalang kailangan ko."

"Yun lang...? Ang simple naman ata."

"Naalala ko pa noon nung nag-star ako dun sa Mga Bayani sa Silangan, halos kalahati ng mga lalaking karakter hindi man lang marunong umarte."

"Aba'y bakit naman?"

"Ewan ko a pero hindi mo ba napansin na puro babae lang ang mga nasa palabas natin ngayon? Sa tingin ko e parang hindi na ata natutuo yang mga lalakeng yan. Karamihan a may twang pa ata magsalita."

"Ganun ba talaga yun? Hindi ba awkward pakinggan yon sa TV?"

"Nag-artista ka na ba?" Tanong sa akin ni Xyra sa mas seryosong tono na.

"Kasama ako sa Barkadas at... yung karaker na gumanap na kuya ko e may twang nga magsalita."

"Woah! Hindi ko na na-expect yon pero kita mo?"

"Sabagay, ikaw naman ang artista dito eh... Pero seryoso ko sa pagpapaputi lang?"

"Ah syempre nakatulong na rin ang likas na kagandahan ko,"

"Xyra, niloloko mo na ata ako eh.

Huminto sandali si Xyra at napabuntong-hininga, "ikaw ba, G.A., paano ka nga pala nadampot para mag-artista?"


Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon