Chapter 46 - NeNa Taping

2 0 0
                                    

-Day 29, Thursday, February 13-


"Alright lads, that's one up for today!" Malakas na sabi sa amin ni Ate Lesley nung tinapos na nya yung tape namin for today.

Grabe naman talaga! I can't believe may progress na ako sa pana ko! Ang hirap din naman pala gamitin e no? Lalo na kapag seryosong titira talaga ako.

Naglakad na kami ni Ashton paalis at humiwalay na sa mga bagong characters na na-introduce.

"Buti magaling kang magkabisa no? Sana kasimbilis din kita, grabe yung mga nalilimutan ko! Pero okay din naman, sa sobrang kaartehan mo naman e napa-cut naman din sila ng marami sayo kaya even na tayo!" Tuwang sabi ni Ashton sa akin sabay hubad na nung brown na telang suot nya. Naiwan syang naka-sando nalang.

"Harharharharhar, nice try, akala mo ba magpapauto ako dyan? Ano na nga ba agenda natin ngayon?" Hinubad ko na rin yung sakin at pinatong nalang sa isang mesa sa tabi para madali nalang kunin mamaya.

"Tingnan yung Nena taping? Nasaan nga pala yun ulit?"

Tumuro ako ng isang kahina-hinalang trailer na maganda yung design. May nakita akong isang middle-aged na babae na nakatayo na kasama si Nero sa may harap lang. Nanay nya siguro.

"Hmmm, paano na kaya kung nalaman ng mga tao na niloko lang sila?" Takang tanong ni Ashton sa akin.

"Ay alam ko yan. Nakita mo naman siguro nung bumanat si Backstage nung sa meeting natin nun na kung anu-anong mga bagay na walang sagot, kesyo pa nasa sa atin nalang kung maniniwala tayo sa sinabi nya. Yun pa, laging namang planado ginagawa nun."

"Close kayo? Lagi mo syang sinasabi sakin eh."

"Hinde, interesado lang talaga sa mga ibang bagay, wala syang kinalaman don," napatingin ulit ako dun sa trailer, "o nga pala, may kukunin lang ako sandali dun sa mobile home namin."

Naglakad na kaming dalawa ni Ashton dun sa detinasyon namin at pumasok na ako sa van, deretso naman sa ref kaagad, bukas ng secret compartment, at kuha nung Hershey's Chocolate na bigay ni Mr. Foreigner... na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam pangalan.

Ah basta, para lang si Thunder yan o si Bronze, hanggang ngayon e stage name palang alam ko sa kanila.

...O parang si A-1... Parang ang wierd nya, bakita kaya sila nagkakasundo ni Xyra? Ay ewan ko na yan.

Lumabas na ako at pinagmayabang na yung dala ko kay Ashton.

"Kasi meron akong secret admirer, ikaw wala..." Sabi ko sa kanya.

"O sige, tingnan na natin yung taping!"

Nagtaka ako sa sabi ni Ashton, hindi man lang sya manghihingi. Ang ganda ganda ng labas ko dala yung chocolates ko tapos hindi sya manghihingi?!

"Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ay hinde, wag nalang," napasabi nalang si Ashton nung naglalakad na kami, "alam ko naman ang mga babae, tapos chocolates, tapos baka may period ka ngayon-"

Babatukan ko na sana sya nung bigla syang tumakbo paalis dere-deretso dun sa trailer.

Alang'ya 'tong lalakeng 'to. At least matagal na nyang tinigil yung pagka-manyak nya.

...hindi naman sya bagay dun eeeehhh...

Nakarating na rin ako dun kina Nero, at yung nanay nya, kung nanay man nya yun.

Si Ashton sinadya atang pumwesto sa bandang malayo sa akin, para hindi ko mabatukan.

May plano nanaman ata 'tong-

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon