-Day 39, Sunday, February 23-
"Ito talaga ang go-to natin sa cheap advertising eh no?" Napasabi nalang ako sabay glance kay Daryl, na nagda-drive ng Hummer namin all the way to Noontime Surprise studio.
"Anong masasabi mo dun? Eh wala namang Big Brother or Celebrity TV yung BT-7 eh, wala tayo choice kundi dun lang," sagot ni Miggy sakin galing sa backseat nung ride namin.
"Ahh yang mga reality shows-ewan-TV na yan, sikat yan sa probinsya," komento naman ni Daryl.
"Kahit sa probinsya ganito pa rin?" Tanong ko.
"Hindi naman, damihan mo lang yung mga puno, gawin mong hindi maayos yung kalsada, baha, landslide, superstition. Ibang iba nga dito sa Maynila eh, as if wala nang pake yung Malacanang other than dito lang!"
"Ano ka ba naman, matagal naman nang ganun eh, kontra ka pa?"
"By the way since artista naman kayong dalawa, kelan pa ba nag-start ma-dominate ng mga babae't bakla ang showbiz? Parang nung isang araw lang eh naisipan kong magtingin ng mga episodes sa Youtube ng Noontime Surprise tapos puro kabaklaan lang."
"Yun ang the way of showbiz, I guess. Plus Sunday Showoffs 'to hinde Noontime Surprise."
"Oo nga," agree naman si Miggy, "Since una akong nakapasok dito eh puro kabaklaan naman na eh."
"Hindi na ako magtataka kung na-convert ka na nila, nyeheheheHA!" Asar ni Daryl pabalik sa kanya.
"Bahala ka sa mga iniisip mo, bansot!"
"SINONG SINASABI MONG BANSOT HAH?!"
"HEY ANO BA?!" Sinigawan ko silang dalawa, "manahimik nga kayong dalawa dyan! Grabe naman! Ang pikon!"
"Baka gusto nyo lang malaman na ayokong may nagtatawag sakin ng bansot, hindi porket lang na mas maliit ako sayo ng 2 inches mang-aasar ka na, matangkad na kaya ako no!"
Bago pa man magsalita ng pangontra si Miggy eh tinapik ko na yung balikat ni Daryl, "bakit kaya hindi nalang ako yung driver diba?"
"Hey ano ba, Hummer 'to hindi basta-basta sports car lang no, para namang ipapahiram ko sayo 'to!"
"Ano namang pinagkaiba non? Eh kotse lang yan, automatic transmission pa nga oh!"
"Kailangan mong malaman na malapad yung kotse therefore ang mga noobs na tulad mo eh malamang mananagasa pa ng mga kasama natin dito sa kalye!"
"Baka hindi mo lang alam na marunong ako mag-drive ng Hummer!"
"Genevieve, tigilan mo na nga ako dyan. Ako nga hindi na leading man, nanahimik kaagad ako eh," sabi ni Miggy galing sa likod.
"Malamang pagkatapos din ng apat na oras ng topak din naman yang sinasabi mo eh!" Reklamo ko sa kanya pabalik. Parang hindi lang napili as leading man andami na kaagad na-
"Ayan na pala oh!" Malakas na sabi ni Daryl sabay turo sa harap.
Buti naman, APT Studios, ang bagong bahay ng Noontime Surprise . Dapat talaga sa tingin ko eh katabi nalang 'to ng BT-7 building para convenient travelling nalang at hindi ganito na naipit pa kami sa traffic at nagugutom na ako. Siguro naman may snacks dito sa loob.
"Parang andami ata tao ah, may event siguro..." Mahinang komento ni Miggy bago kami idaan ni Daryl sa special parking lot na dedicated lang sa mga high-class people like us. Wow, iba talaga ang feeling ah!
"Sino sa inyong dalawa nakakita na ng script? Kakarating ko lang galing Mountain Province kahapon!"
"Relax, Daryl, hindi mo kailangan ng script as long as alam mo yung stock answers..." Sabi ko bago bumaba nung pinagbuksan na ako nung guard.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...