-Day 39, Sunday, February 23-
"Aaaayyy indaaaaayyyy! Mabuti naman at nandito ka naaaa!"
Aba'y mukhang atat na atat si Kuya Pochi sa nakita nya ah, "maaga lang ako noh."
"Kaya nga inaabangan na nga kita rito sa front lobby eh, galing naman ng work ethic mo! Kamusta na nga pala yung script? Nakita mo na ba? Kasama ako sa mga nag-suggest dyan!"
"Oh ganon ba?" Kinuha ko na yung script galing sa bag ko at binigay ko sa kanya, "in no way nakipagkwentuhan ako tungkol dyan kagabi, magaling ata ako noh!"
"So ano masasabi mo sa writing skills ko, inday?"
Er... napaka-corny nung nabasa ko kagabi kaya...
"I see na... magaling ka pala sa romance eh no?"
"Specialty ko yan for sure! Kilig na kilig nga ako nung nagsa-suggest ako ng pwedeng mangyare dyan eh!"
"Oo nga pala, bakit nga ba nandito ka?"
"Gusto ko lang naman i-sight ang fez nung mega-hunk na anak ni Ma'am Williams, yung magiging leading man mo dito. Sayang nga napalitan na si Mig-"
Pareho kaming napalingon nung bumukas yung pinto at pumasok si Miggy.
"Good morning, ladies and gents! 'Wag na kayong magtaka dahil ako ito," binaba nya yung sunglasses nya at nag-wink sakin, "si Miguel Salamin! Proud to be sa kanyang unang role as isang leading man!"
"Miggy okay ka lang?"
"Absolutely okay, missy Genevieve, alright na alright lang. Now if you may excuse me, dun muna ako sa tambayan ng mga magagandang mga lalake. Ciao!"
Tiningnan nalang namin syang maglakad paalis bago ako lumingon kay kuya Pochi, "wala pang nagsasabi sa kanya?"
"Wala pa eh, okay na yan, mabibigla nalang yun, videohan ko nga yung reveal sa kanya hehehihihihihi!"
"Anyways, pwede ko nga pala-este-pwede ba ako masama dyan sa writing gig nyo? Galing ako sa AS at sinasama nila ako sa writing team, grabe may mga awesome writing techniques sila don!"
"Ows talaga? Kung ganon pala makaktulong yan!"
"I figured you'd say that, kelan tayo write?"
"Tapos naman na yung buong Act 2 eh, kaya break time muna, sinusulat lang naman yung script on-the-go eh."
"Ah sige, kelan ba sa tingin mo yung next writing session?"
"Ewan ko, inday, pero pag na-knows ni Madam Cabinet yung knowledge mo at baka magkandarapa yun at i-invite ka kaagad! Sabihin ko nga mamaya tapos yung AdPics nyo ni Hunky Williams."
"Ad-Pics?" Napakamot ako sa ulo nung narinig ko yun, "Ano yon?"
"Ganito kasi yon, gagawa tayo ng buzz dun sa upcoming appearance mo dito sa Enchantine 2. Kahit na hindi pa talaga nagpapalabas yung kalaban nating Pinagpala eh at least ang alam ng tao eh nanggaling ka sa kanila, authentic ka, 'day."
"Ano yon, status symbol?"
"Ah yes, gagawa kayo ng kilig news na talaga namang aabangan ng mga tao until sa eventual appearance mo. Hindi natin 'to pwedeng madaliin at sa tingin ko e around sa week 3 ka pa lilitaw."
"Tagal naman, anong gagawin ko nung time na yon?"
"Bibisi-bisita sa Noontime Surprise, random interviews and whatnot, about mga chika na worthy of news!"
"Siguro naman mapagkakatiwalaan ko kayo dyan, diba? Kayo ang experts!"
"Ah oo, inday, kami itots mga ekspertsss, o a'choo na sayo, at least nasabi na ang needs sabihin! Byeee!" Umayos na ng tayo si Kuya Pochi, "intays nalang kay Sir Williams, okay?"
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Novela Juvenil[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...
![Actress in the Making [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/182463739-64-k50103.jpg)