-Day 229, Saturday, September 1-
Maraming naganap ngayong araw na 'to! Modelling, commercials, FB posts, publicity para sa upcoming reappearance ko rito. And now nandito nanaman ako sa usual; na hang-out place namin ng pinakapaborito kong headwriter.
This time dapat maayos, nakasuot na ulit ako ng isang tunay na stretchable sweater at yung secret weapon kong usual na masikip na T-shirt sa ilalim. Hehehehe... kapag sinabi nyang ibalik ko yung sweater ko eh hinding-hindi ko gagawin yon!
Awwww hihihihihi kinikilig na ako just by thinking about it! Excited na talaga ako rito! Where is he-?
Paa ng kalabaw nandun na sya sa malayo! Kunyari hindi ko sya nakita! Baka sorpresahin nya ako in a very fanciful way! Oh my gosh!
Dito lang G.A.... tingin ka lang sa oceans... maalon, mahangin, madilim, at this time we got the moon ulit upon us! Maraming mangyayari ngayon! I can feel it!
"Buti naman maaga ka ngayon!" tuwang bati nya sa'kin.
Hindi man lang nya tinakpan yung mata ko at nagtanong kung 'guess who,' wow.
"Oy ah, time ko ngayon! It means we do whatever gusto ko ngayon!"
"Kakarating ko lang galing Cebu tapos maglalandian nanaman tayo? Ni hindi pa nga natin tapos yung-"
"Ano namang ginagawa nyo sa Cebu-? Marami pa rin bang tulay don na hindi naaayos?"
"Mostly rural areas. Yung Tacloban nga eh parang hindi na umayos after 5 years. Ang naaalala ko lang noon eh maraming relief goods na dumating don tapos kinukuha lang ulit. Pinas eh, alam mo naman."
Bigla kong naalala yung pics ni Daryl kaya lang naalala ko ulit na sa kanila lang pala yon. Who knows kung meron din silang visit sa Visayas. "Nabalitaan ko nga rin yon," sagot ko sa kanya.
"Ang problema dito sa Pinas eh lahat nung mga mayayaman eh nagpapayaman lang eh. Napansin ko yun sa mga similar third-world countries. Mahirap sila eh, kaya lahat nung mga tao ang goal yumaman lang."
"Alam mo sana ganyan din ako mag-isip, 'lam mo yon?"
Umupo na sya sa tabi ko. "Too bad wala pa akong nakikitang ganito except kay Lyn."
Nagtaka ako sa narinig ko sa kanya, sinabi na ba nya ulit yung pangalan nung isang yon? Nag-uusap nanaman ba sila behind the scenes? "I thought hindi mo na sasabihin yang pangalan na yan?"
"Napag isip-isip ko naman na rin na eh na five years naman na yon at marami nang nangyare. I should be grateful na nakakita na sya ng partner nya. I think nag-o-overreact lang ako sa nangyare pero ang point non eh meron na akong trailer. Madali lang naman eh."
"Five years? Madali?" Ang hirap isipin na silang dalawa nga lang yung nagkakaintindihan tapos sasabihin nya eh madali? Pero wala namang time for that, we're here to have a good time!
"May mga messages nga sa'kin bago ako pumunta rito pero hindi ko na tiningnan. So ano bang gawain ba natin ngayon eh? Nagiging negative nanaman ba ako eh?"
"Actually, nagsasabi ka ng life story mo sa'kin, I don't count that as a negative. Buti nga nago-open up ka na eh."
"Ah good thing!" Napatingin sya sa damit ko. "Bagong sweater? Binigyan ka nanaman ni Ate Walter ng- nevermind hindi naman pink eh... lahat naman ng ginagawa non puro pink lang."
"Alam ko joke lang din yung sinabi ko last time eh pero ngayon, check this out!" medyo malakas na sabi ko sabay batak nung sleeve ko at tingnan mo nga naman ang stretchability! "Ordered it myself."
![](https://img.wattpad.com/cover/182463739-288-k50103.jpg)
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...