Chapter 105 - New Additions

2 0 0
                                    

-Day 91, Monday, April 16- 


Tingnan mo nga naman 'tong lalakeng 'to, ako na nga yung mga pinaka-malaking boobs sa lahat ng mga artista rito na kasing-edad ko tapos bigla akong ikukulog sa kwarto para lang sabihn na gusto nya ng flat?! I mean seriously?! Anong klaseng lalakeng katulad nyan na hindi gusto ng isang tulad ko?! What?!

Ah basta, pwede naman akong mag-fantasize nalang eh, libre naman ang mag-isip. Kaya dito na muna ako sa isang malayong bench habang lahat nung mga babae't bakla nung studio eh busy sa kakatitig sa kanya... hindi ko na itatanong kung paano sya nakapunta rito galing KV-2. Malamang siguro eh sobrang alpha lang nya kasi-

"Hey watch it, tutulo na laway mo oh."

Lumingon ako dun sa pinanggalingan nung boses. "Hey tanga, what's up?"

"Nandito ako para sabihin sayo na may nag-video nung habulan natin sa beach last month." Pinakita nya sakin yung phone nya at may video nga sa FB na naka-tag na 'Kaya mo Yan G.A.!'

"Oh! Nakilala ako dyan ah! Good to know naman! Although I was expecting na isang French beauty humahabol sa isang nakatakas na special-ed student. Eh hehehehe."

"Anyways, tapos na pala trabaho ko rito no?"

"Tapos?!" Bigla akong napalingon sa kanya na naka-taas na yung kaliwang kilay. "Anong tapos?! Hindi pa tayo tapos! Hindi ka pwedeng mag-chill na sa mansyon natin tapos ako pa rin yung gumagawa ng trabaho rito! Diba meron ka pa ring mga mdoelling contracts dito?"

"Meron nga."

"Oh ano naman yung gusto mong iparating?"

"Tingnan mo yung bagong dating oh."

Tinuro nya yung si ultra-gwapong alpha sa mga entrance nanaman, o ngayon dumami na yung mga babae't bakla na naka-palibot sa kanya compared few moments ago.

"Oh ano naman yung bagong dating ah?"

"Sa tingin ko hindi na sila makikinig sa'tin kasi may bago sa silang motivational poster, ano sa tingin mo?"

"Hindeeee yan, makikinig pa rin sila sa'tin! Ano ka ba naman NB! Mataas na ata posisyon ko rito! Nakita mo na ba yung mga reviews dun sa international release? I mean yung trailer? Looks like puro positive naman diba?"

"Oo nga pero tingnan mo naman yung bago nilang poster-how about ganito nalang, uuwi na ako at pupunta-punta nalang if ever oh kaya kung meron akong modelling gig tapos tingnan natin kung makikinig pa sila sayo, got it?"

"Ah bahala ka sa buhay mo, gawa naman na yung script eh."

"Ah sige, uwi na ako! For the first time, eh sakin lang yung pool!"

Magsasalita pa lang sana ako nung bigla nalang syang kumaripas ng takbo straight papunta sa exit nung building, ni hindi man lang tumingin sa kanya yung mga tao.

Wow... mukhang busy na busy nga talaga sila dun sa bagong dating ah, paano na kaya si Sir Japanese model diba? Paano na kaya sya? Hindi ko na nga sya nakikita eh.

Pero napatingin nalang ako sa extreme levels ng kapogian ni Mr. Forei- Carson Fordsmith! Oh my god! Kahit sa pangalan eh alpha na alpha talaga! Ay sus!

Sandali nga lang at dito muna ako at tititigan ko muna sya dito sa malayo, at least mas maganda yung view ko.

...

May narinig akong katakot-takot na pananalita galing sa likod ko biglaan nalang! Tumalikod ako bigla at nakita ko yung... bansot na leading man ko lang pala... oh well... career na career nya yung villain laugh nya ah.

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon