Chapter 39 - Bayani sa Silangan Extension

2 0 0
                                    

-Day 20, Tuesday, February 4-


Okay so uh...

May isa nanamang meeting dun ulit sa pinag-meeting-an namin kahapon.

"Pssst, ano sa tingin mo sasabihin nya?" Bulong ko nanaman kay Ashton.

"Eh ewan ko ba, at least sya na yung speaker natin ngayon at hindi na si Ate Lesley. Grabe nanlamig talaga ako nung nagwala sya dyan sa harap."

Tumingin ako sa paligid at nakita kong... Nasaan na nga pala yung mga ibang A.S.?

Puro yung mga hi-nire lang na mga artista at yung mga crew. Well at least, yung mga crew nandito ngayon kaya... win-win?

At yung mga nasa harap?

Si Backstage... Yung kapatid nya... Si Thunder...

At si Selena nasa sulok lang, na nakasuot pa rin ng sobrang baggy na mga damit.

"Pssst, pustahan tayo darating si Nero dito oh, para mang-ano."

"Oh yeah? Pusta kita bente hindi sya darating."

"Deal."

"Alright! Everybody listen up!"

Nanahimik na kaming lahat nang nagsalita na si Thunder sa mic.

"Is everyone here? Are we good to go? Can someone please close the door at the back? thank you."

Sinara na yung pinto sa likod. Alang'ya kaya pala mainit kanina pa eh.

"Ehem, allow me to start to say, congratulations for all of you here tonight, we were expecting only like a few hundred thousand-ANYWAYS, let me stand here and talk about how our other competitor is gearing up for an extension of their show."

May kinuhang remote si Thunder na nakalagay sa mesa at binuksan yung TV-este projector.

Lumabas yung logo ng Bayani sa Silangan sa projector.

"As you all know, ito yung source material blah blah blah dito namin kinuha blah blah blah dito kami mag-aayos blah blah blah pero hindi naman sa ganun yun eh. Alam nyo naman na siguro yon. Ang punto ko dito e mag-eextend sila. At sino naman yung lilitaw dito? Allow me to show you our greatest rivals."

May pinindot nanamn si Thunder sa remote at lumitaw ang mga picture ng mga magagandang mga lalake on screen.

May mga naghiyawan na nga eh.

Aba'y puro foreigner nga... bakit walang foreigner na mga babae?

"May balita kami na lilitaw sila sa mga upcoming extension-"

Kinalabit ni Backstage si Thunder at nagbulungan sila sandali bago sila nagpalit ng headgear. Ngayon na kay Backstage na yung mic-headphone-ewan.

"Alright ganito kasi yon. Alam namin na mag-eextend sila. Oo nga gagamitin nila itong mga ito pero doesn't mean gaganda istorya nila. Meron tayong secret weapon na laban sa kanila na kahit kelan hindi nila kayang tapatan. At hindi ako nagsasabi tungkol sa mga AS kami..."

Tunog kabisado ni Backstage yung sinasabi nya ah, o baka ganun lang sya talaga magsalita.

"Alam nyo naman siguro yung Enchantine 2. Dapat alam nyo yan kasi yan ang diniscuss ni Lesley kahapon, o yung inasa ko na ididiscuss nya kahapon na balita ko a nagalit lang sya dito sa harap. Okay lang, naiintindihan ko yon...

Yung Enchantine, as isang franchise, e meron lang na "memorable" characters kung tutuusin, at silang dalawa nga yung lagi nalang binibida kasi simply iba lang yung stereotype nila. Subconscious na yun sa utak at automatic e naka-relate ang mga tao dun. Iba silang dalawa sa kanilang respective stereotypes kaya-"

Actress in the Making [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon