-Day 86, Wednesday, April 11-
"How long pa ba kasiii eeehhh... giniginaw na ako rito..."
What can I say? Sinabi ba nyang ganito kalamig dito sa Bontoc, Mountain Province? No, hindi nya sinabi kasi si Daryl 'to eh... Siguro dinadala lang sya ng cacutan nya kaya hindi napupunta sa gulo eh...
"Your lack of knowledge is disturbing, G.A.... disturbing..." sabi nya habang patuloy lang sa drive nung hummer nya, na sinundo kami after pagbaba namin sa airport. Hindi ko nga alam kung parte ba yun nung crew na susundo samin? Ano ba talaga? Hindi naman na naming kasma yung nag-drive nun eh-
*Snap*
"Magandang pic, okay na sakin 'to."
Hindi ko na sya sinagot dun sa stolen shot namin dito habang papunta sa... sa mansyon nila? I dunno, sa yaman nung nanay nya, veteran actress pa naman eh, I'm pretty sure eh halos kasinlaki lang din nung bahay namin yung sa kanila.
"Alright, pupunta na tayo rito sa path na 'to at malapit na!"
Pansin kong biglang nagbago nanaman yung pananalita nya from villainous to... joyous-ewan?
"Bakit ka nga pala parang villain magsalita ah? Nagcocompensate ka ba sa height mo?"
"Ah, a good question! Yun ay dahil kapag para akong villain kung kumilos eh yung mga kalaban ko mag-iisip sila kung talaga bang susugurin ako oh hinde!"
"Awww... gusto mo ng pat sa ulo?"
"Silence! Nagda-drive ako!"
"Well talo ka! Eh hehehee!" What can I say? Yung wavy hair nya eh parang demanding for a pat. Tanong ko kaya kung ano nang nangyare kay Ilana eh no? Sabihin ko nalang kaya dun sa yaya nya?
Hindi pa kami nagtagal eh parang may nakikita na akong dambuhalang mansyon among the trees dito. Ang hindi ko lang na-expect eh mas malaki pa yung mansyon namin kaya masasabi na rin na mas mayaman pa rin kame!
Lumapit na yung Hummer 4x4 namin at nag-park na sa harap mismo nung mansyon. Hindi ko na tinanong kung may underground parking ba sila at baka hindi ko nanaman matiis syang i-pat sa ulo eh.
"Welcome to my humble abode, m'lady!" sabi nya sabay bow pa. I wonder kung ano bang exciting na meron dito sa isang... generic big house-mansyon-ewan na wala sa mansyon namin
"Aba! Excited ka ah!" sabi ko sa kanya.
"But of course, meron tayong makikita rito!"
Naglabas nanaman sya ng phone nya at pinicturan ako, pero ako lang at hindi sya kasama for some reason.
Maya-maya pa eh nagsilabasan na yung mga katulong. Amazing! Hindi man lang nya tinawag! Baka may camera galing sa loob! O simply kasi dahil tinawagan na nya sila nang hindi ako nakatingin kanina pa.
Anyways, yung mga lalaking katulong eh naka-bihis janitor tapos yung mga babaeng katulong eh isang standard maid outfit. So far so good, mag-hire din kaya ako ng yaya ko para maglinis nung mansyon namin. Ah, si kuya na bahala don, ang kalat nya sya dapat maglinis at hindi ako.
"Greetings! House helpers of House Williams! This here is uuuhhh..."
Tinitigan ko sya ng masama nung parang tunay nga nyang nalimutan na nya yung pangalan ko. Wala talaga syang pake eh no? Dalawang letters na nga lang eh!
"Ah of course! Guinevere Auraxis, welcome nyo sya guys!"
Nagkanya-kanyang 'Hi!' yung mga katulong nya sa bahay. I must say maganda yung made-up na pangalan nya sakin.
BINABASA MO ANG
Actress in the Making [COMPLETE]
Teen Fiction[COMPLETE] Mayroong isang sikat na mga batang artista na tinatawag na mga AS na bibisita rito sa Pilipinas para gumawa ng competition sa mga local TV networks in the hopes na mag-improve sila. Right now eh nangangailangan sila ng mga extra crew memb...